Traffic, mga nagmamadaling tao, mabilis na pag ikot ng mundo, pagtakbo ng oras ng hindi naman nagagamit------the usual bustle and hustle. The modern world.
Umaga na naman kaya malamang lahat ay busy sa paghahanda sa pagpasok sa school or work. Panigurado puno na naman ang LRT at makikipagsiksikan ka na naman para lang makasakay at hindi malate. Pawisan na naman sa paghabol at pagsakay sa mga jeep. Isama mo pa ang mga makakasabay mong mga tao na akala mo naglalakad sa buwan. Umpisa pa lang ng araw, parang pagod na pagod ka na.
"Ang aga mo Mika ah. Himala!" Tumatawang sabi ng isa kong kaofficemate habang ako ay busy sa pagtunganga at pag inom ng aking kape.Inirapan ko siya. "Try mo dito matulog sa office for sure magiging maaga ka din" Tinawanan lang niya ako at pumunta na siya sa cubicle niya.
Hindi ko pinansin ang mga nasa paligid ko dahil itong deadline ko ngayon ang pinag uukulan ko ng pansin pero kulang pa rin ang effort.
Tiningnan ko yung draft ng stories at articles ko na ngayon lahat ang deadline. Kitang kita ko ang reflection ko sa laptop. Dinaig ko pa yung itsura ng mga taong grasa dahil sa magulo kong buhok at eyebags kong kalahati na ata ng mata ko. Yun lang wala akong grasa sa katawan.
May mga ilang nabati pa sa kin pero kung hindi ko pinapansin, binabara ko naman. Sarcasm ang pagbati ko ng good morning sa mga tao ngayon sa office.
Umaga na eh at nandito pa rin ako at nagbabakasaling may mahugot akong ideas sa super drained kong utak na abala pa ring mag isip ng storyline for our company's next project. Walang uwian na naganap kagabi at nagcamping ako sa office.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagstretch habang tinitingnan ang sunrise. Nagmuni muni saglit tapos nabadtrip ulit dahil naalala ko na naman yung boss ko. Yung napakasamang ugali kong boss na nagpapasakit ng ulo ko. Nagalit na naman siya at nagwalk out dahil basura daw ang ideas namin.
~Flashback~
"Love and hate relationship?" Tumingin habang umiinom si Sir ng kape. Napalunok lang sa takot ang mga kasama ko. Kung katabi lang ni Boss ang shredder, alam ko na ang kahihitnatnan ng mga script na yun.Tatlo kaming nagsubmit ng script ngayon para sa story line ng isang movie pero parang hollywood ang inaaplyan namin. Napailing ako. Mas may ambisosya pa pala sa akin.
"Cheapskate friends with benefits story line?" Napahinga ako ng malalim.Buti hindi kaya ng isipan kong maisip yun.
Ngumiti muna si Sir bago niya hatiin sa dalawa yung script sabay inom ulit ng kape. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil baka any minute bigla na lang niyang ibuhos sa amin ang iniinom niya.
"Romeo and Juliet with a twist?" Napatingin ako sa mata ni Sir at yung gawa ko na ang ineevalute niya.
Sa kwento ko, pinatay ko si Juliet at ang nagkatuluyan si Romeo at si Rosaline. Tapos ginawa kong baliw si Rosaline at inubos ang lahi nila Romeo. Kaya in the end, sila Romeo at Juliet pa rin ang namatay. Binabasa pa rin ni Sir ang script ko at tumatango tango siya. Sign of approval kaya yun?
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?