"Death leaves a heartache that no one can heal. Death is inevitable. The world will continue to spin, its just, it needs to turn around with one person missing. While others can go on with their lives, I still am stuck in this place like a frozen clock. Being left behind is as scary as leaving."
Ilang araw na rin simula ng nailibing si Sister Risa. Balik na rin ako sa dati kong mga ginagawa. Lalong naging mas mahirap sa akin ang mga bagay bagay. Hindi rin talaga ako makakuha ng inspirasyon para sa love story na sinusulat ko. Gusto ko ng patayin yung bida kahit halos wala pa ko sa gitna ng story. Pakiramdam ko magiging satisfying lang ang lahat kapag may death.
Napailing ako. Kung ano anon na naman ang naiisip. Naiwan na akong mag isa dito sa office kaya ramdam na ramdam ko ang katahimikan na wala namang kahit anong magandang naidudulot sa kin. Nagstretch stretch muna ako tapos inilagapak ko ang mukha ko sa desk. Inaantok na ko.
Kaya naman tumayo ako at naglakad palabas ng office ko para magtimplang kape. Naisip ko na magstairs na lang ako. Nakakatakot mag elevator eh at nasa second floor pa kasi yung vending machine kaya effort. Wala na talagang tao ngayon. Si Manong Guard na lang din siguro yung natitira pero nasa labas siya. Naglalakad na ko sa hall on the way sa stairs ng may narinig akong mga yabag. Parang tunog ng sapatos. Napahinto ako saglit at inisip kung yabag ko ba yun o sa ibang tao.
May tao pa kaya dito? Akala ko ako na lang or baka naman may iba ring nag overtime sa ibang department? Nako! magpakita na lahat wag lang multo! Di kakayanin ng puso ko. Naglakad ako sa hall hanggang marating ko ang tapat ng elevator at nakita kong may tao nga dun.
"Excuse me! Nag oovertime ka din?" Tanong ko sa isang lalaking nakaputi at nakatalikod.Kung titingnan, mukha rin naman siyang empleyado dito. Kung hindi lang pamilyar sa kin ang mga tao dito malamang napagkamalan ko na siyang kabilang dito. Pero baka bagong hire or something.
Humarap siya ng may mga ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi."
Kung hindi siya taga dito, ano siya? Magnanakaw? Pero masyado pang maaga para magnakaw at isa pa may gwardya sa baba. Naririnig ko pa nga ang kwentuhan nila nung janitor na nagligpit sa opisina namin kanina.Baka janitor din siya?
"Ha? Eh anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Tiningnan ko ang mukha niya. Clean cut ang gupit niya, chinito at maamo ang mukha---- may itsura. Pero kahit pa sobrang gwapo niya, alerto pa rin ako at ready to fight agad kung sakaling saksakin niya na lang ako bigla. Grabe, nakakatakot na ang panahon ngayon. Pati mga gwapong nagigipit sa pera, naatim na maging magnanakaw.
"May binibisita lang."
"Sino? Wala na atang tao dito eh."
"Ikaw."
Ngumiti ulit siya pagkatapos habang ako naman ay halos gulong gulo na kakaisip kung magkakilala ba kami para bisitahin niya. Serial killer kaya to? Magnanakaw? Or multo? Lumapit siya sa kin pero napaka serene ng mukha niya. Ang bait niyang tingnan. Sayang talaga kung masamang loob siya. Pero ewan ko bakit ba ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang nagpapaubaya ang puso't isipan ko na kausapin siya. Bakit parang natalon ang puso ko? Maha-heart attack ata ako ah. At bakit ba ngayon ko pa niisip itong mga bagay na ‘to?
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?