Tumakbo ako palayo. Ayaw tumigil ng luha ko. Para akong sinampal ng malakas sa lahat ng nalaman ko. Ngayon naiisip kong wala akong karapatang mahalin siya dahil ako ang dahilan kung bakit kami nahihirapan dalawa. Paano niya mamahalin ang taong pumatay sa kanya?
“Mika! Sandali lang!”
Luhaan akong tumigil at humarap sa kanya. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Talagang nagagawa ko pang humarap sa kanya, pagkatapos ng lahat. Tinatraydor ng puso ko ang sarili kong katawan. Kung magagalit siya sa akin, matatanggap ko. Kung aalis siya sa buhay ko, tatanggapin ko kahit pa ikamatay ko ang sakit.
“Im Sorry...”
“Bakit ka nagsosorry? Please Mika, gawin mo na lahat ng makakasakit sa kin pero wag mo kong kakalimutan...wag mo kong iiwanan..wag kang iiyak”
“Kung ganun, ako na lang ang kalimutan mo. You’re beyond my reach, Aki.”
Humagulgol ako ng sobra. Lumapit siya sa kin at pumunta sa harap ko. Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Gulong gulo niyang hinawakan ang mukha ko. Nakikita ko kung gaano siya nasasaktan. Anghel siya diba? Wala dapat siyang nararamdaman.
“Mika...huwag kang umiyak... hindi kita maiintindihan pag umiiyak ka...”
“Im sorry Aki. Sa next life natin, let’s pray that we won’t fall in love with each other anymore para hindi na kita masaktan pa.”
“Mika wag kang umiyak!”
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?