“Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo, tandaan mo yan. In the future, sabay tayong magkwekwentuhan ulit sa garden. Antayin mo lang ako” Niyakap niya ako. Sobrang higpit pero ayokong bumitaw. Bakit kailangang mas mangibabaw ang oras sa pag ibig? Bakit sapat ang pagmamahal? Ano ang kasiguraduhan ng pag aantay?
“Pagbalik mo, wala na ko.” Dahan dahan ko iyong sinasambit sa sarili ko. Pagkatapos ng araw na to, lulubog muli ang araw at mawawala tayo sa landas ng isa't isa. Makakalimutan ang alaala ng isa't isa at sa takdang panahon kung pahihintulatan ng pagkakataon, magkikita tayo muli.
May tumulong luha sa kanilang mga mata. Bawat salita para bang napakasakit. Isang pakiramdam na hindi kayang lunasan ng kahit anong gamot at luha. Nakatakdang maghiwalay ang kanilang mga tadahana.
“Cut! Very good guys.”
Bumalik ang ingay sa loob ng kwarto sa pagsigaw ng director. Napili na kasi ang mga artistang gaganap sa story na sinulat ko. At nagrerehearsal na sila ngayon. Grabeng stress ang naramdaman ko ng sinusulat ko ang storyang to ah. And for the first time napuri ako ni Terracotta.
“Miss Mika, I didn’t know where you got this story pero this is such a tearjerker. Im proud to be the lead actress.” Binati ako ng isang sikat na artista na siyang pinili kong gumanap sa story ko. Bagay na bagay talaga sila ng loveteam niya. Pkairamdam ko nanaginip ako.
Nakikita mismo ng mga mata kung paano nabigyan ng buhay ay storyang sinulat ko. Fiction. Pero pakiramdam ko totoo.
“Thank you po. Ako din po proud!”
Nag alarm yung phone ko. Alas singko na pala. Kailangan ko ng pumunta sa garden. Oo, kahit sobrang stress na ko hindi ko pa rin nakakalimutang pumunta sa garden. Nagpaalam na ko sa mga tao dun. Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive papunta sa garden. Mahaba haba pa ang biyahe kaya nagpatugtog ako. Aba, mellow music, emo ah. Makapag emote nga muna haha!
“I see you, beside me, it's only a dream, a vision of what used to be.The laughter, the sorrow, pictures in time fading to memories.”
Habang nakikinig ako sa music, naalala ko yung araw na nakumpleto ko ang storya na to. Partida, isang buong araw ko lang nasulat yun, walang writer’s block na pumigil sa ideas ko. Sa pagkakatanda ko masama ang loob ko nung natulog ako at pag gising ko, voila! Tuloy tuloy na yung ideas ko.
“How could I ever let you go? Is it too late to let you know? I tried to run from your side, but each place I hide...it only reminds me of you”
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?