Chapter 15: Pagbabalik ng mga Nararapat

22.6K 658 32
                                    

Maganda ang langit. Tila ba nagpapahiwatig ito ng masayang panahon. Malakas ang hangin at ang mga ibon ay nagsisiawitan pero nakapaloob sa kalangitan ang isang pusong luhaan at nababalot ng sobra sobrang kalungkutan.


“Akihiro..."


“Pinaparusahan ba ko Castela?”

 

 

 

 

 


“Hindi at alam kong alam mo yan. Pero yan ang consequences ng lahat ng gusto mong mangyari.”

 

 

 

 

 


“Hindi ko maintindihan. Bakit kami pinagtagpo ulit...kung hindi naman din pala kami pwedeng magsama?”

 

 

 

 

 


“Bakit hindi mo siya puntahan?”

 

 

 

 


“Hindi niya na ko makikita. Hindi ko na siya maintindihan. Pwede ko siyang puntahan anytime pero hindi niya naman ako makikita. Iiyak lang siya ulit at mawawala na naman ako sa tabi niya.”

 

 

 

 

 


“Ang mga taong sobrang nagmamahalan ay dapat na magkasama...”

 

 

 

 

 


“Kung ganun lang sana kadali lahat Castela. Kahit na nasa harapan ko siya, hindi ko siya pwedeng mayakap. Hindi porque iniabot ko ang kamay ko, ibig sabihin nun maabot ko na siya. Pwede akong lumapit sa kanya, yung sobrang lapit....pero alam kong malayo pa rin siya sa kin.”

 

Your eyes have to forget her face. You ears have to forget her voice, your head has to forget her name and your heart has to forget your love for her. To accept, we must finally say goodbye. Gruesome. But that’s how undestined love works.

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon