Chapter 6: Akihiro

26.9K 747 48
                                    

         Pabalik balik ang lakad ko sa kwarto ni Mang Mike. Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari. Simpleng bagay lang yun at maraming paraan para malaman yun pero hindi ko maisip kung paanong paraan nalaman ng misteryosong lalaki ang pangalan ko.




         "Miss writer, nahihilo na ang pasyente. May problema ka ba?" Ibinaba ni Mang Mike ang libro niya humawak sa ulo niya.



        Nagkunwari itong nahihilo kahit tumatawa ng mahina habang pinagmamasdan ang magmartsa ko sa kwarto niya. Kinakagat ko ang mga kuko. Isang palatandaan na kinakabahan at frustrated ako ng mga sandaling yun. Nakakainis! Bakit ba walang sagot ang lahat ng katanungan?




        "Mang Mike pano nangyari yun? Di ko talaga maisip...." Tinatanong ko si Mang Mike kahit pa di ako nagkwekwento.



        Hindi ko kasi alam ang uunahin ko. Kung magkwekwento ba ko or magtatanong or malulupasay sa sahig sa sobrang curiosity ko. Alam mo yung feeling ng sobrang binabagabag ka ng isang tanong tapos walang nakakaalam ng sagot tapos parang alam mo? Ang gulo diba? Ganyan kagulo ang isipan ko.



        "Ang alin ba?" Tanong niya sa akin.



        "Yung pangalan ko po." Pabagsak akong umupo sa upuan sa gilid niya.



        "Hindi mo maisip ang pangalan mo? Nako baka may problema ka na sa pag iisip. Magpacheck up ka na kaya..." Napahinto naman ako bigla sa sabi ni Mang Mike.



        Di ko alam kung tatawa ba ko or iiyak lalo dahil nakakaloka ang pinagsasabi niya! Hindi nga kaya may sira na ko sa utak at napaparanoid lang ako? Pero teka lang wala naman akong problema sa pangalan ko. Ang problema ko ay yung lalaking nakaalam ng pangalan ko. Kahit kailan talaga tong si Mang Mike, ang korni! Pati tuloy ako nalilito na eh!



        "Ang korni mo naman Mang Mike, hindi ganun! Yung pangalan ko kasi...binanggit siya nung misteryosong lalaki na nakita ko kanina sa opisina." Para akong batang nagsusumbong at naghahanap ng kakampi. Gusto ko maguluhan din si Mang Mike. Mag isip din siya ng walang tigil kagaya ko para naman masigurado ko sa sarili ko na hindi ako nanaginip at normal pa ang lagay ng utak ko at ng vital signs ko.



        "Eh nabanggit lang pala. Baka magkakilala kayo?" Sinimulan niyang kainin yung orange sa tabi niya. Parang wala lang sa kanya yung problema kong hindi ko tinulugan kagabi. Iba siguro ang impact kung ikaw mismo ang makakadama nun. Siguro hindi pa nafeel yun ni Mang Mike kaya ganun.



        "Hindi po eh. Sabi niya nakita niya sa ID ko eh M. Bautista lang ang nakalagay dun. As in wala yung pangalan ko."Paliwanag ko sa kanya.



        Tumingin siya sa akin na parang nagtataka. "Eh anong pinag aalala mo? Pangalan lang yun eh. Hindi naman pagkatao mo."



        Naweweirduhan kasi talaga ako doon sa lalaking yun. I mean sa pagsasalita pa lang ah. Sa itsura niya mukang ka age ko lang siya pero kung magsalita siya parang mas matanda pa siya kay Mang Mike. Tapos yung get up niya? Seriously saang kasalan or binyagan siya galing? As in head to toe kailangan naka white?



        "Eh wala lang po. Syempre baka mamaya sindikato yun or manloloko or rapist." Kumuha ako ng apple at binalatan yun habang rinig na rinig sa boses ko ang pambibintang ng mga bagay bagay na wala namang kasiguraduhan.



        "Masyado kang mapaghinala. Paano kung guardian angel mo yun?" Guardian angel? Tanda tanda na ni Mang Mike, naniniwala pa sa guardian angel. Panakot lang yun sa mga bata para hindi magkulit. Kung totoong may guardian angel nga ang lahat, bakit ni isa walang nakakita sa mga ito?



        "Pinakaweirdong guardian angel ever. Nako Mang Mike mauuna na nga ako at matatapos na yung lunch break. Thank you sa pagpayag na dito ako kumain lagi ha!" Paalam ko sa kanya at binitbit ang bag ko ko pati na rin yung apple na binalatan ko.



        
Tumatango tango lang siya habang kinakain yung orange at nagsisimulang magbasa ulit. Lagi siyang nagbabasa, di ko na nga alam kung panibagong libro na ba yung binabasa or ano eh.



        "Kahit ang pinakamasamang tao ay hindi pinanganak na masama."  Irolled my eyes heavenwards. Ayan na naman ang matatalinhagang salita ni Mang Mike. Saan kaya niya pinapupulot ang mga quotable quotes na yan?

 _______________________________

Mike's POV

        Nagkita na pala sila. Malamang sinunod niya ang sinabi ko. Nararamdaman kong may gagawing iba ang anghel. Sana lang alam niya ang mga maaring maging resulta lalo na pag tuluyan na siyang nahulog kay Mikaella. Maaring maging masaya sila, maari ring habambuhay na masaktan.



        "Nandito ka na naman. Hindi mo pa ko pwedeng kuhanin, hindi pa kami nagkikita." Paalala ko sa kanya habang nararamdaman ko ang presensya niya. Nandito na naman siya. Alam kong hindi niya pa ko kukunin. Ganun ko lang talaga siya batiin.



        "Hindi pa kita kukunin Mike." Unti unting gumalaw ang upuan sa tabi ko. Nakakita ako ng liwanag hanggang sa naging malinaw ang imahe niya.



        Ang anghel.



        Sa unang pagkakataon nakita ko ang mukha ng anghel na matagal ng nagbabantay sa kin. Nakangiti siya na para bang sinisigurado ang kanyang mga salita.



        "Nagpakita ka na rin sa wakas, Anghel. Akala ko makikita na lang kita pag susunduin mo ko." Isinarado ko muli ang aking librong binabasa parang mas makita ko pa ang kanyang mukha. Batang pumanaw ang anghel. Nakikita ko sa kanyang itsura na di niya inabot ang paghihirap na nadarama ng isang taong tumatanda.



        "Napagpasyahan kong hindi. Sabihin mo, paano mo nalaman na pwede akong magpakita sa mga mortal?" Umupo siya sa gilid ng kama ko. Kitang kita kung gaano siya kacurious sa kanyang mga matang nagtatanong.Magkatulad nga sila ni Mikaella. Parehong di matahimik hangga't walang sagot ang bawat katanungan.




        "Nagpakita ka ba sa kin para itanong yan? Sabihin na lang natin na mas marami akong alam kesa sa mga mortal." Tanong ko sa kanya habang tinitingnan kung gaano siya kaliwanag.



        Ngumiti siyang may pag aalinlangan. Alam kong marami siyang gustong itanong pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga yun. Kung ano man ang alam ko, mananatili yung sikreto hanggang dumating ang takdang panahon.



        "Nakita niya na ko, ng taong gusto kong pagpakitaan. Salamat sayo." Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata kahit pa simpleng ngiti lang ang nababakas sa kanyang mukha. Kung meron mang naidulot ang pagkikitang to, yun ay ang pag alala niya paunti unti sa emosyon at kahalagahan ng kalagayan ng puso ng mga mortal.



        Huminga ako ng malalim bago ipaliwanag sa kanya ang mga nalalaman ko tungkol sa taong nais niyang pagpakitaan noong una pa lang. "Alam kong hindi lang pagpapakita ang ninanais mo. Masayahin siyang tingnan pero isang malungkot na bata si Mikaella. Marami siyang pinagdaanan na sumubok ng husto sa puso niya pero kahit siya ay hindi niya alam ang mga yun. At sigurado ako, kahit hindi niya sabihin, gusto niya ring mailigtas sa lahat ng sakit na yun."



        "Sinasabi mo bang iligtas ko siya?" Kunot noong tanong nito sa akin.



        "Yun ang gusto mong gawin Anghel, hindi ba?" Tanong ko sa kanya pabalik.



        Nagulat ang anghel sa mga sinabi ko. Alam kong nagtataka siya kung paano ko nalaman ang mga yun. Parang tao lang ang mga anghel. Madaling mabasa lalo na't nalilito sila sa kung ano mang bumabagabag sa kanila.



        "Laging may options, anghel. Pagpipilian kumbaga. Balang araw, magagamit mo yun at sana lang magamit mo yun sa tamang paraan."



        Tumayo na ang anghel at ngumiti muli. Ang mga mata niya ay nagbabadya ng kalituhan. Nababakasan ang kilos niya ng kaguluhan. Gayunpaman, kahit anong pag iwas niya babalik at babalik ang nakaraan. At balang araw maiintindihan niya din ito.



        "Akihiro. Yan ang pangalan ko Mike. Masaya ako at pormal na tayong nagkakilala. Mauna na ko."



        Unti unti siyang naglakad palabas ng kwarto ko hanggang nawala siyang parang bula. Ngumiti lang ako at tumango. Kung ganun, sana Akihiro ay hindi maging malupit ang kapalaran sayo.

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon