Chapter 2: Mga Nabaling Paniniwala

33.8K 800 31
                                    

        "Sa puso ko, its only me and him left. I selfishly put everyone else aside. Ang love story namin ay hindi isang typical girl meets boy genre. May mga bagay na hindi ko kayang iexplain at paniwalaan. Whatever we had in our lovestory, its just a constant battle of remembering and forgetting.  Long time ago, I fell in love with a boy. Time transcends and memories faded. And not too long ago, I fell in love again with a boy. But reality stood between us."



        Tinitigan ko yung laptop ko. Sinabayan ng pagpikit ko ang pagbliblink nung pointer or cursor or kung ano man ang tawag dun. Steady lang ang kamay ko sa keyboard. Napahawak ako sa eye glasses ko at napayuko.


        Hindi ko madugtungan!


        Pero mas okay na to, atleast may nasimulan na. Ang problema lang nanghihingi na ng teaser ng story ko ang masamang ugali kong boss kaya rush pa din dapat ang flow ng ideas. While Im about to go home yesterday, an idea popped in my head after kong manood ng 500 Days with Summer.  Kaya naman parang nainspire  ako kaya mabilis akong nagtype. Pero may condition pa lang "writer's block" na nageexist. At kung mamalasin ka nga naman, susumpungin ka habang nasa kalagitnaan ka ng story mo. Halos maibato ko ang laptop ko sa inis.


        I massaged my head. I stretched my hands. I moved my neck. Sabay lagapak ng ulo ko sa desk. Aba wala talaga akong maisip at ayokong mag overnight ngayon sa opisina. Masyadong toxic ang paligid at masyadong nakakahawa ang pagiging haggard ng mga tao dito. Tumayo ako at kinuha yung bag ko. Nagdrive ako papuntang hospital para bisitahin si Manong Mike,  yung matandang naaksidente nung isang araw.


        Pagdating ko doon, sinilip ko yung kwarto niya at nakita kong nagbabasa siya ng libro. Hindi ko alam kung may bumibisita bang iba sa kanya. Pero pumasok na rin ako at nginitian siya. Ngumiti siya pabalik at niyaya akong umupo sa upuan sa tabi niya.


        "Nandito ka na naman? Gusto mo bang mag apply bilang nurse ko?" Nakabukas pa rin ang kanyang libro at alam kong nagbabasa pa rin siya kahit na kausap ako.


        Napangiti naman ako. Kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Mang Mike pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Mabait siya at parang napakalalim niyang tao. Well, ganun naman ata lahat ng matatanda.


        "Writer po ako, hindi nurse." Inilapag ko sa side table niya ang dala kong prutas at pagkain. Ang sabi ng doctor may sakit daw sa puso si Mang Mike kaya kahit magaling na yung mga sugat niya at nalapatan na ng tama ang fracture niya ay hindi pa rin siya pinapayagang lumabas.


        Mukang hindi rin siya binibisita ng kahit sino. Baka nasa malayong lugar ang mga kamag anak niya. Naawa tuloy ako sa kalagayan niya. Kung kailan matanda na siya atsaka naman walang makakasama.


        "Oo nga pala. Halata sa eyebags mo. Mukha atang problemado ang Miss Writer natin?" Tumawa siya noong una pero naging seryoso pagkatapos akong tanungin. Tiningnan niya lang ako ng para bang inaanalyze kung ngingiti ako at magsisinungaling.


        "Medyo po. Ang hirap mag isip ng love story. Ang hirap mag imagine!" Napahawak ako sa noo ko sa naalala kong frustrations.


        
Ikwinento ko sa kanya ang nangyari sa opisina pati yung mga stories na pinaghirapan kong isipin at basta basta lang na binasura. Para akong batang nagsusumbong at any minute iiyak. Isinara niya ang kanyang libro at mahinahong nakikinig sa akin habang nakangiti. Pakiramdam ko sasabog ako habang nagkwekwento.


        "Hindi kasi yun iniisip, dinadama yun." Napatingin lang ako kay Mang Mike na parang ang dreamy ng itsura sa sinabi niya.


        Gusto kong humagalpak sa tawa. Halatang matanda na si Mang Mike dahil sa sobrang cheesy ng pinagsasabi niya. Alam kong kailangan naman talaga ng feelings sa pagsusulat pero kung wala kang experience, saang parte ng Pilipinas mo huhugutin yung dapat mong ipadama sa istorya mo?


        "Ang corny niyo naman Mang Mike eh." Inasar ko pa si Mang Mike pero nakangiti siya ng seryoso at parang inaalala ang kahapong nagdaan. Mga alaala na kanyang buhay pag ibig.

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon