"Baliw ka ba? Malamang! Alangan yung elevator yung kausap ko?" Nagulat si Aki sa narinig niyang mga salita galing kay Mika.
Totoo nga.
Nagkatotoo ang mga sinabi sa kanya ni Mike. Pero paano nalaman ni Mike yun? Hindi kaya dahil sa binabasa niyang libro? Nataranta si Aki. Gusto niyang malaman ang mga sagot sa katanungan niya pero kailangan niya munang makaalis.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Mika sa kanya.
Mabilis na tumakbo si Aki papalayo kay Mika at nagtago sa palikong bahagi papunta ng hagdan. Nakita ni Aki ang pagtataka sa mga mata ni Mika. Hindi niya naisip na mangyayari ang ganoong bagay. Matagal na siyang anghel pero ngayon lang niya nalaman na pwede siyang makita ng mga tao.
"Akihiro, anong ginagawa mo dito?" Nakasalubong naman nito si Castela habang sinusundo ang alaga niya.
Hindi nakakaramdam ng pagod si Akihiro ngunit pakiramdam niya lalabas ang kanyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makisalamuha sa mga tao, ngunit ito ang unang pagkakataon na makita siya ng isang tao at sa kanyang palagay ay hindi siya anghel sa paningin nito.
"Nakita niya ko Castela" Kumunot ang mga noo ni Castela. Hindi alam ni Akihiro kung paano ipapaliwanag ang lahat. Tila isang panaginip para sa isang hindi makakatohanang ideya sa mundo ng mga mortal.
"Ni Mike?" Tanong ni Castela.
Kinukutuban na ito sa mga sinasabi ni Akihiro. Sa mga oras na to sigurado si Castela na hindi ang alaga nito ang dahilan ng kanyang paghangos at pag aalala. Nakita siya ng mortal. Nang mortal na nagpapagulo ng isipan nito.
"Hindi Castela. Nakita ako ng babaeng may mahiwagang ngiti. Castela paano nangyari yun? Aparisyon lang ba yun?" Napangiti si Castela sa sinabi ni Akihiro.
Tama nga siya. Kung ibang mortal kaya ang nakakita sa kanya, ganyan din kaya ang magiging reaksyon niya? Sa isipan ni Castela naglalagi ang katotohanang kakaiba talaga ang tadhana. Basta nakatakda kahit ang nakalipas ay kayang kaya nitong ibalik.
"Ah nakita ka ni Mikaella. Tama nga ang hinala ko. Posible yun mangyari Akihiro lalo na kung ginusto mo."Paliwanag ni Castela.
Ngayon unti unti naliliwanagan si Akihiro sa mga nangyari kanina at sa mga maaring mangyari sa mga susunod. Pero Mikaella? Parang pamilyar ang pangalan. Ngayon hindi lang mga ngiti at luha ng babaeng iyon ang mahiwaga, maging ang pangalan nito.
"Mikaella? Mikaella ang pangalan niya?Paano mo nalaman yun? Palagi niya na ba kong makikita? Sabihin mo Castela" Sa isipan ni Akihiro ay parang may puwang ang pangalan na iyon. Ngunit hindi niya ito maisip. Parang nasa dulo ng kanyang mga dila ang kasagutan. Unti unti siyang nahiwagaan sa mga katanungan niya.
Tumingin si Castela sa sinundo nitong alaga bago sinagot ang mga katanungan ni Akihiro. "Ako ang sumundo kay Sister Risa, ang tumatayo niyang ina kaya nakilala ko siya. Hindi ko alam Akihiro. Maaring oo, maaring hindi. Gayunpaman, hindi ko gusto ang maari mong gawin. Baka mapahamak ka diyan Akihiro. Ano ba talagang gusto mong mangyari?""Wala."Sagot ni Akihiro habang kinakalma ang sarili sa di malamang kadahilanan.
"Sigurado ka? Alam kong meron pero hindi ko na aalamin. Alam kong hindi rin kita mapipilit."Umalis si Castela kasama ang sinundo nito.
Nakaramdam si Aki ng pagkabagabag. Alam niyang may katotohanan ang sinasabi ni Castela pero ayaw maniwala ng sarili niya. Maaring may gusto siyang gawin. May gusto siyang malaman. Pero ayaw niyang magkamali sa mga gagawin niya.
Umalis na siya sa lugar na yun at bumalik sa kalangitian. Humigang muli sa damuhan at nag isip isip. Naalala niya ang mga tingin sa kanya ni Mika. Mga tingin na para bang nakikita niya talaga ito. Kinausap pa nga siya nito. Kaya siguro nga..totoo nga, maaring nakita nga siya nito. Mauulit pa kaya ito?
__________________________________________
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?