Sa isang lugar na kung saan pinaniniwalaan kahit hindi pa nakikita, ay may isang imortal na kumikilatis sa kanyang mga nakikita. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan ngunit alam niyang hindi lahat ito masasagot. Kung masagot man, paniguradong may mga kasunod na naman siyang tanong. Tila ba napaglipasan na talaga ng panahon para hindi niya matandaan na minsan din siyang naging mortal.
"Akihiro may bumabagabag ba sayo?" Sabi ni Castela atsaka lumapit sa akin.Isa rin siyang anghel na kagaya ko ay nagbabantay sa mga tao. Tatlumpung taong gulang siya noong pumanaw sa mundong ibabaw dahil sa isang krimen. Napailing ako. Wala naman akong problema. Naguguluhan lang siguro ako.
"Castela, bakit umiiyak ang mga tao? Bakit hindi natin sila maintindihan pag umiiyak sila?" Napangiti lang sa akin si Castela. Kumpara sa inilagi ko sa langit, mas matagal siya ng kaunti at mas alam niya ang mga kakaibang nadaraMA ng mga tao.
"Misery, sadness, loss, failure, life, love" Dirediretso niyang sabi.
Madalas ko ring naririnig iyon sa mga binabanatayan ko. Hindi ko lang sigurado ang pakuhulugan nila dito. Pero madalas silang lumuluha, umiiyak at nawawalan ng pag asalalo na kung alam nilang kinakailangan na nilang bitawan ang mga ito at magpatuloy sa buhay.
"Hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong iparating?" Tumawa ng mahina si Castela habang ako ay nakakunot na ang noo.Simula ng naging anghel ako, napakaraming bagay na ang hindi ko naiintindihan. Hindi ko na nadadama ang ibang nadadama ng mga tao. Isang malaking palaisipan na sa akin ang emosyon at kanilang reaksyon. Normal lang daw iyon sabi ng ibang anghel.
"Yan ang mga dahilan kung bakit naiyak ang mga tao. Hindi natin sila maintindihan dahil hindi tayo nakakaramdam. Kasabay ng pagkamatay natin ang panandaliang pagkawala ng abilidad nating makaramdam ngunit hindi nawawala ang kakayahang makaunawa kahit hindi natin naiintindihan ang mga mortal." Sabi ni Castela.
"Ahhh." Sumang ayon ako kahit hindi pa siya ganun kalinaw sa akin.
Bumaling ng tingin sa akin si Castela pero iniwasan ko ang mga tingin niyang yun. Alam kong may nais siyang malaman. "Ngayon ako naman ang magtatanong. Bakit bigla bigla kang nagtatanong ng ganyang mga bagay? May dinadamdam ba ang binabantayan mo?"
"Wala." Nagkibit balikat lamang ako.
Wala. Hindi siya. Hindi ang alaga ko ang tinutukoy ng mga salita ko. Nagpunta ako sa ospital kanina para bisitahin si Mike. Pero may bisita siya kanina kaya hindi ako pumasok sa kwarto niya. Mukha namang masaya siya kaya nag-ikot na lang ako sa ospital. Maya maya ay lumabas na ko at naglakad.
May nakita akong babaeng naiyak. Sa kadahilanang naiyak siya kaya hindi ko mabasa ang rason ng pag iyak niya. Naglakad ako palayo sa kanya ng mapansin kong siya yung babaeng may kakaibang ngiti noong naaksidente si Mike. Napahinto ako. Siya yung babaeng magulo ang isipan pero naiyak.
"Sister Risa..."Itiningala niya ang ulo niya pagkatapos ibinaba niyang muli ito. Hindi ko alam pero nakita kong tumama ang mata niya sa mga mata ko.
Nakatingin siya sa kin na para bang nakikita niya ko. Lumapit ako sa kanya at ikinaway ang mga kamay ko sa tapat ng mukha niya. Pumikit siya at tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung makakatulong yun dahil hindi naman niya ko nararamdaman.
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?