Chapter 11: Paano Maging Corny?

24.9K 684 166
                                    

Ilang araw na kaming nagkakatext ni Mikaella. Tinuruan din ako ni Mike na tumawag pero di ko pa siya natatawagan baka kasi busy siya. Nakakatuwang isipin na lagi niyang sinasagot yung mga text ko sa kanya. Yun nga lang bandang huli nagagalit siya. Tinanong ko lang naman kung alam niya yung pokemon tapos nainis siya kasi daw ang weirdo ko at parang bata. Narinig ko lang kasi yun sa sinundo kong bata. Pero masaya pa din ako tuwing natatapos ang araw na kausap ko siya.



"Mike paano maging corny?" Tanong ko habang paikot ikot sa kwarto ni Mike.



Sabi nung isang alaga ko, gustong gusto daw ng mga babae yung mga corny na bagay. Kahit parang masusuka na sila, makukuha mo pa rin daw ang pabor nila. Doon nga daw siya natalo kaya niya narating ang kinahinatnan niya.



"Anong klaseng tanong yan anghel? Pinagtatawanan ang mga corny sa henerasyong to." Tawa ng tawa si Mike sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa doon? Siguro pag sinabi ko rin to kay Mika matutuwa yun. Puntahan ko kaya siya ngayon? “Maliban na lang pala kung mag auaudition ka sa Going Bulilit or dun sa Bubble Gang. Teka nga lang, bakit ba gusto mong maging corny?"



"Gusto daw kasi ng mga babae yung mga corny na bagay. Kinikilig daw sila dun." Sagot ko naman sa kanya.




Gusto kong ipaliwanag ng maigi kay Mike yun. Alam kong naging corny din siya isang beses sa buhay niya. Di ko lang masyadong nacheck yung records kasi may mga kulang sa records niya. May mga hindi tuloy ako nasilip doon.



"Saan mo nalaman yan?" Natatawang tanong ni Mike sa akin. Nakikita kong hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.



Umupo ako sa upuan sa tabi niya. "Doon sa sinundo kong nabaliw kakaantay sa mahal niya."



"Sa baliw naman pala galing." Nakangiting umiling iling si Mike habang nagbabasa ng kanyang libro.



Naiisip ko nga kung bakit pa siya nasa ospital eh mukha namang okay na siya. Gayunpaman, mabuti na lang talaga at tinutulungan niya ko kahit pa ang mga tanong ko ay nabibilang sa mga napakawalang kwentong tanong sa mundo.



"Hindi mga bagay na corny ang gusto ng mga babae, Akihiro. Tunay na pag ibig at mabuting intensyon ang totoong nais nila. Marahil para sa ibang hindi nakadarama ng pag ibig, corny nga ito pero ang mga bagay na yun ay simbolo ng tunay na pagmamahal." Paliwanag ni Mike habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa. Hindi ko alam minsan kung nagbabasa ba siya para masagot ang mga katanungan ko or sadyang mas gusto niyang magbasa kaysa making sa paligid niya.



Nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. "Ahhh! Ang nais mo bang iparating sa kin ay hindi lahat ng tao naiintindihan ang mga nag iibigan, diba? Eh paano ko mapaparamdam sa kanya yun? Yung maging corny?”



Isinara niya ang libro niya at tumingin ng seryoso sa akin. "Bigyan mo ng bulaklak, tsokolate o kung ano pa man na magugustuhan niya. Lagi mong ipadama sa kanya na mahal na mahal mo siya kahit hindi kayo laging magkasama. Protektahan mo siya sa mga bagay bagay na makakasakit sa kanya. Maging open ka sa kanya. Huwag na huwag mo siyang paiiyakin. Maging isa kang responsableng lalaki para sa kanya." Dahan dahan niyang instructions sa akin.



"Tapos magugustuhan niya na ko?"Tanong ko pabalik sa kanya.



Ang dami palang kailangan gawin pero eager akong malaman kung magiging effective ba to. Pero hindi ako makaiwas sa mapanuring mata at pag iisip ni Mike. Nararamdaman kong alam niya na ang iniisip ko. Gayunpaman ayokong itago sa kanya. Kahit imposible.



"Maaring oo, maaring hindi. Ang pag ibig ay nababase sa nararamdaman ng dalawang tao, Akihiro. Kaya kung ako sayo simulan mo na ang kacornihan mo kay Mikaella baka may makauna pa sayo.”


_______________________________________

Weekends ngayon kaya wala akong pasok kaya sa wakas hindi ko makikita ang nakakainis napagmumukha ng napakasama kong boss na nag uumapaw ang katarayan sa katawan. Kaya ako ngayon ay prenteng prente sa bahay at nag aayos ng files. Ang dami ko pa kasing hindi narereview na script. Gusto ko rin sana lumabas kasama si Jana na for sure nagpaparty ngayon pero tinatamad ako. There goes my social life.



Pero naman kahit nasstress ako araw araw eh nakakatulog naman ako ng komportable dahil lagi kong nakakatext ang weirdong anghel. Nakaplan ata siya, ang daming load eh. Nakakapagtaka nga na di siya dumadalaw ngayon. Malamang madami siyang sinusundo.  Kahit na sinusungitan at tinutulugan ko lang siya gabi gabi, araw araw pa ring nagtetext ng mga nakakatuwang kwento niya at mga sobrang inosenteng tanong.



Tumunog ang cellphone ko at isang nakakabinging pagbati agad ang narinig ko. “Hi Mika! Nagulat ka ba? Marunong na kong tumawag at ikaw ang una kong tinawagan! Corny na ba ko?”



The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon