Napalakas ata ang hampas ng ulo ko sa pader. Feeling ko hindi lang ako nasisiraan, nabibingi na rin ata ako. Angel? Sinabi niyang angel siya diba? Porque nakaputi, angel na ba agad? Sa mga oras na ito, hindi ko na talaga alam kung sino ba talaga ang naprapraning sa aming dalawa eh. Tiningnan ko siya simula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang normal. Hindi rin naman siya mukhang naghihirap. Hindi rin siya mukhang galing sa heartbreak. Paano kaya nasiraan ng ulo ito?
"Hoy hindi porque nakaputi ka, angel ka na agad." Normal na ang lakad ko at wala na rin ang takot ko na kanina lang ay itinatago.
Mas natatawa na lang ako dahil parang nakikipag usap ako sa isang bata. Naisip ko si Mang Mike. Naniniwala din yun sa anhel.Ako na lang kaya ang hindi naniniwala doon? Halos sa kumbento nila Sister Risa ako lumaki pero hindi lahat ng sinasabi nila pinaniniwalaan ko. Feeling ko kasi sinasabi lang nila yun dahil takot ang mga tao na mawalan ng assurance. Takot ang taong tanggapin na kung sakaling mamatay sila eh hindi na sila mageexist kahit bilang isang kaluluwa lang.
"Pero angel talaga ako. Maniwala ka!" Tinaas pa niya ang kanang kamay niya habang nagpropromise sa kin. Napangiwi lang ako sa kanya at sa mga sinasabi niya.
"Eh nasaan yung pakpak mo? Yung halo mo? Bakit di ka nalipad? Bakit nakikita kita? Bakit mukha ka namang normal na tao?" Tanong ko sa kanya habang tinataasan ko siya ng kilay.Sa mga libro at movies, may mga pakpak at halo ang angels. Eh siya ni isang balahibo ng manok o ibon wala akong makita. Mas maniniwala pa ko pag sinabi niyang ligaw siyang kaluluwa at ako lang ang nakikita sa kanya at kailangan niya ang tulong ko para makatawid sa kabilang buhay.
"Hindi rin porque may pakpak na, angel na agad. Di kita niloloko. Gusto kitang maging kaibigan, Mikaella. Sige na naman oh. Bakit ba ayaw mo? Ayaw mo ba sa mga anghel?" Sunod sunod niyang sabi sa akin.
"Oo. Gawa lang sila ng imahinasyon ng tao. Sooner or later, mawawala din ang imagination na yun at maiiwan mong nasalanta ang pag iisip ko"Paliwanag ko sa kanya at parang nalungkot naman ang kanyang mga mata.
I write fictions at aware akong hindi naman talaga totoo ang mga isinusulat ko. Imagination ko lang sila at mas magaan sila sa feeling compared sa reality. At ang mga angels, fiction lang din sila. Gawa gawa ng tao para sabihing may protector sila. Iniisip lang yun ng mga tao para makumbinsi ang mga sarili nilang hindi sila nag iisa where in fact, halos iwan na sila ng mga taong pinagkakatiwalaan nila at talikuran na ng mundo. Isang malinaw na panloloko sa ating mga sarili.
"Pero diba sabi mo mukha naman akong tao?" Hinawakan niya ang kamay ko.
Nakaramdam na naman ako ng hangin. Parang ang gaan ng kamay niya para sa isang lalaki. Kanina gusto niyang paniwalaan kong angel siya tapos ngayon tatanungin niya ko kung mukha siyang tao? Eh mukha talaga siyang tao. Wala siya ni isang bakas ng pagiging anghel. Kung ang ituturo niyang basis ay yung damit niya, for sure isang beses sa buhay ko nakapag all white outfit na rin ako.
"Pero di ka tao diba?” Halos mapasabunot ako sa buhok ko. “ Ano ba naman, bakit ba kita pinapatulan?!"Sigaw ko sa kanya ng bigla kong naisip ang sinabi ko na parang naniniwala pa ko na angel nga siya.
"Mikaella! Akihiro." Sabi niya sa akin habang nakangiti.Pinagloloveteam niya ba ang mga pangalan namin? Anong kalokohan kaya ito?
"Ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Huwag mo kalimutan yung pangalan ko ha. Tandaan mo yan ah. Pag nalulungkot ka, asahan mong darating ako." Lumapit ang baliw at hinawakan ulit ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang hangin. Bakit ba sa tuwing maglalapit kami parang tinatapatan kami ng electric fan? Tinaas ko ang kanang kamay ko sabay....
CLICK!
Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo. Kinuhanan ko siya ng litrato para mapablotter ko siya sa susunod na guluhin niya ulit ako. Kung hindi lang talaga siya weirdo kumilos at hindi niya sinabing angel siya, malamang makikipag kaibigan ako sa kanya. Binuksan ko ang kotse ko tsaka huminga ng malalim. Kinuha ko ulit yung phone ko at tiningnan ang picture ng napakagwapo pero may sayad na nilalang.
"My God!" Halos malaglag ang puso ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ang phone ko.
_________________________________________
Malungkot akong umalis sa pinagtratrabauhan ni Mikaella. Ayaw akong maging kaibigan ni Mikaella.Akala ko pag nagpakita ako sa kanya, pwede na kaming maging kaibigan dahil sabi niya hindi ako anghel. Ibig sabihin mukha akong mortal sa paningin niya. Pero bakit ayaw niya sa mga anghel? May mga aklat akong nabasa na napakaraming tao ang nagnanais makakita ng anghel pero siya hindi. Hindi naman ako masama. Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya.
Nakita ko ang pintuan niya. Inayos ko ang sarili ko at nakangiting pumasok sa kwarto niya. Tumingin siya sa akin na para bang nababasa niya ko. Napakatalino niya talaga para sa isang tao.
"Anong problema anghel?"Tanong ng alaga ko nanapansin siguro ang kalungkutan ko ngayong araw.
"Ayaw niya akong maging kaibigan, Mike." Seryosong nakatingin lang sa akin si Mike.
Bakit si Mike, hindi naman siya natakot sa kin? Hindi naman siya nagalit kahit magkaibigan na kami? Sadyang magkakaiba ba ng takbo ng pag iisip ang mga mortal?
"Sinabi niya yun? Baka naman kasi sinabi mong anghel ka? Walang matinong tao ang maniniwala doon, Akihiro." Tumawa ng mahina si Mike habang kumakain ng prutas. Mukang kilalang kilala niya na rin si Mikaella dahil nakuha niya agad kung ano ba ang kinayawan nito sa akin.
"Pero bakit? Talaga namang anghel ako at meron talagang mga anghel. At ayokong magsinungaling sa kanya." Paliwanag ko sa kanya.
Masama ang magsinungaling. Dapat hindi nagsisinungaling sa kahit kanino pa man lalo na't mahalaga para sayo ang taong yun. Kung mawawala ang tiwala, paano mo ito muling maibabalik na hindi siya nagdadalawang isip sa iyong mga intensyon? At isa pa gusto kong maging kaibigan si Mikaella. Gusto kong pagkatiwalaan niya ako at paniwalaan ang mga sinasabi kong kahit pa impossible ito para sa kanya.
"Masyadong limitado ang mga tao. Ang mga paniniwalang ganyan ay nasa imahinasyon lamang nila."Sabi ni Mike sabay tapik na marahan sa balikat ko.
Ilang utak ba meroon ang mga tao? Paano nila nasasabi kung makatotohanan o hindi ang isang bagay? Ano ang nagiging basehan nila sa kanilang paniniwalaan? Tanging mga nakikita lang ba ng kanilang mga mata ang kanilang paniniwalaan? Kung ganoon ang sitwasyon, mahihirapan pala akong pumasok sa buhay niya. Ni ayaw nga niya akong palapitin sa kanya."Pero kahit imahinasyon yun, yun pa rin ang totoo. Ayaw akong maging kaibigan ni Mikaella kasi daw anghel ako.” Ipinatong ko ang kamay ko sa maliit na lamesa sa gilid at tinapik tapik din ito.
"Ang pagiging totoo ng isang bagay ay may dalwang side----maaring ang totoong katotohanan o maari ring isang bagay na pinaniniwalaan. Alinman sa dalawa, mayroong side na magiging kasinungalingan kahit pa ito ang katotohanan.” Tumigil si Mike at para bang binigyan niya ako ng oras na intindihin ang kanyang sinabi. “Dahil lang ba doon kaya ayaw ka niyang maging kaibigan? Mababaw ata."Tanong niyang muli sa akin.
"Oo tsaka baka dahil wala rin akong ce...ano ba yun? cellphone ata. Basta yung pang tawag" Malungkot kong paliwanag sa kanya.
"Lalong mas mababaw." Isinara ni Mike ang libro niya tsaka binuksan ang drawer sa maliit na lamesang katabi niya. Tumingin siya sa kin atsaka ngumiti. Maya maya pa ay iniabot niya sa akin ang bagay na nakita ko na. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya binibigay sa kin to.
"Cellphone! Bakit mo ko binibigyan ng cellphone, Mike?" Inikot ikot ko yung cellphone na bigay ni Mike. Namangha ako sa itsura nito!
"Para maging normal ka sa paningin ni Mikaella at maging magkaibigan kayo." Pabalik balik ang tingin ko kay Mike at sa cellphone. Magiging kaibigan ko ba talaga si Mika pag nagkacellphone ako? Magmumukha na ba akong mortal? Baka. Sakali. Wala namang mawawala.
"Turuan mo kong gamitin to, Mike." At sinuklian ng alaga ko ng ngiti ang pangungusap kong iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/1576456-288-k642503.jpg)
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?