Chapter 7: Katotohanan at Nakaraan

25.4K 721 46
                                    

        Madaling madali akong nagtatakbo papasok ng opisina kanina. Biglang nagkabanggaan dun sa dinaanan ko kanina buti na lang, hindi tumagal yung traffic kung hindi mapapagalitan na naman akoat nakasabay ko pa ang napakasamang ugali kong boss sa elevator. Well, ayoko naman magkwento lang na tungkol sa kainisan ko sa kanya dahil ako ay masaya at uwian na kahit nag overtime ako. 9 PM na and for sure di masyadong traffic sa daan. Kaya pagdating ko sa bahay, sure na ang pagbagsak ko sa kama.



        "Hello sayo Mikaella" Halos mapatalon ako sa gulat ng narinig ko ang pangalan ko.



        Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko na naman yung lalaking weirdo at makulit. Bakit ba laging gabi nagpapakita to? Kung sakaling mamatay ako ngayon, baka bukas pa makita ang bangkay ko. Nakangiti lang siya parang tuwang tuwang makita ako. Matutuwa rin sana ako pero mas nananaig talaga ang paniniwala kong may sayad siya at pinagkakatuwaan lang ako.



        "Ikaw na naman? Stalker ba kita?" Kumunot ang noo niya at parang nag iisip. Kununot din ang noo ko at naisip ko baka nagalit siya. Nako sabi nila masamang magalit ang mga gwapo!



        "Stalker? Ano yun?" Tanong niya sa akin at gusto ko talaga mapaface palm.



        
Hindi kaya siya nakakaintindi ng English? Buti na lang nag english ako. Napailing ako. Sayang ang gwapo pa naman. Madami siyang potential sa mundong to kaya lang mababa pala ang IQ niya at weirdo.  Sayang ang mga gwapo ngayon laging may kakulangan. Kung hindi bakla, weird naman. Di talaga binibigay ni Lord lahat.



        "Ang weird mo." Ngumiti lang siya ulit sa kin pero kumunot ulit ang noo niya. English kasi ulit yung sinabi ko.



        "Anong weird?"Tanong niya ulit sa akin kaya tinalikuran ko siya at nagmamadali akong lumakad.



        Kinuha ko yung cellphone ko tinawagan si Jana. Kung mamatay man ako ngayong gabi siguro naman dapat may makakaalam na napatay ako ng isang gwapong stalker na obsess ata sa akin kaya lagi akong sinusundan. Nanginginig nginig akong nag dial sa phone ko. Nakailang dial ako pero hindi niya sinasagot. Kailangan niyang sagutin yung tawag ko dahil kung hindi mumultuhin ko siya  pag natuluyan ako dito!



        "Mikaella teka lang, bakit ka natakbo? May hinahabol ka ba?" Sobrang bilis ko talagang naglakad, feeling ko lilipad na ko. Hindi ako makatakbo, ewan ko kung bakit. Papaling paling ang ulo ko sa likod at harap ng diraanan ko at nakikita kong nakasunod pa rin siya sa kin.



        "Lumayo ka sa kin!" Sinigawan ko siya sa sobrang panic ko.



        Sana may makarinig ng sigaw ko. Kung mamatay man ako atleast nagtry akong lumaban. Bakit ba kasi sunod ng sunod to? Ano bang gusto niyang mangyari? Pinagpapawisan ako kahit pa ang lamig lamig sa buong building dahil sa aircon. Nakasunod pa rin siya at parang hindi man lang natitinag sa sigaw ko.



        "Mikaella, teka la----------" Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin na may pader pala sa harapan ko kaya ayun tumama yung noo ko at napaupo ako bigla. Nahilo ako ako at  napaiyak na lang sa sakit.



        Pinilit kong tumayo pero yun nga wala akong napala. Bumagsak lang ulit ako sa sahig at pakiramdam ko any minute mawawalan ako ng malay.



        "Mikaella, okay ka lang?"  Mabilis siyang lumapit sa kin at tiningnan ako. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. Sa librong nabasa ko ang mga criminals daw magaling umarte.Kailangan kong maging alert kahit nahihilo ako. Natatakot na talaga ako. Feeling ko kasi kahit anong gawin matutuluyan ako ngayon to think na mahina pa ko ngayon.




        "Ikaw kasi eh!" Hindi ko napigil ang luha ko. Frustrated na kong makaalis. Ang sakit sakit pa ng ulo ko. Tapos ang kulit kulit pa nitong nasa tabi ko. May okay bang nauntog? Baka mamaya naalog yung utak ko? Paano kung di na yun magfunction? Pano ako makakapagsulat?



        "Uy wag kang umiyak. Teka, saan ang masakit sayo?" Tanong niya sa akin habang tuloy tuloy pa rin ang luha ko.



        Nagulat ako ng pinunasan niya yun. Katulad ng dati parang may hangin. Malamig. Pili niya ding inaayos ang buhok kong nililipad sa mukha ko. Saan nanggagaling ang hangin? Bakit hindi ko ata maramdaman ang kamay niya? Namanhid ata ang mukha ko sa pagkakauntog ko.

The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon