"Diba anghel ka?" Tiningnan ko ulit si Akihiro. Bigla siyang ngumiti sa harapan ako. Ngumiti rin ako ng tipid kahit pa naagos ang luha ko. Humahangin na naman ng malakas. Para akong kinikilabutan sa ginaw.
"Oo! Naniniwala ka na ba? Naniniwala ka na no! Ang saya naman!" Parang siyang batang tumatalon kahit nakaupo kami.
Pinunasan niya yung luha ko. Ang lamig. Ang gaan ng kamay niya, wala kong maramdaman pero natutuyo ang mga luha ko.
Anghel ka ba talaga?
Nandito ka ba para alagaan at protektahan ako?
Bakit ako?
"Ilipad mo naman ako." Hinawakan ko ang mga kamay niya.
Parang hinahangin kahit ang kaluluwa ako. Bakit ganito ang pakiramdam ako? Hindi mo pa ko inililipad bakit parang ang layo layo ko na?
"Ha?" Mapagtanong ang mga mata ni Akihiro. Mga matang alam kong nakita ko na.
Matagal ka na ba talagang nasa tabi ko? Bakit napakafamiliar mo? Matagal mo na ba kong binabantayan?
"Ilipad mo ko. Ilayo mo ko dito, please Akihiro...."Hindi ko alam kung ano pumapasok sa isipan ko at nakikipag praningan akong usapan sa anghel na to.
Pero nasasaktan na ko at gusto kong lumayo sa lugar na to at kung totoo man ang sinasabi niya, meaning siya lang ang may kakayahang gumawa nun. Kung saan niya kong pwedeng dalhin? Hindi ko alam at wala na akong pakialam.
Minsan iniisip ko kailangan ko ng mahabang patience pero saan ko gagamitin yung patience ko ngayon narating ko na ang limit ko? Nung sinisigawan ako ng boss ko kanina, nakaramdam ako ng panliliit. Sa pagkakaalam ko wala akong ginagawang masama. Kailangan pa naging masama ang hindi pagsatisfy sa kagustuhan ng ibang tao? Kailangan ba talagang mabuhay ng naayon sa standards na iba? Writer ako at pag ginawa ako ang pinapagawa nila, nasaan na yung sarili kong creativity?
"Bakit Mika?" Naputol ang pagmumuni muni at self reflection ko sa tanong ni Akihiro. Bakit may bahid ng pag aalala ang boses niya?
"Bakit ka naiyak? Bakit gusto mong ilipad kita?" Tanong niya sa akin.
"Gusto kong lumayo dito, Akihiro" Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. Gusto kong pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kin. Sa lugar na kung saan hindi kailangan sukatin ang kaya at hindi ko kayang ibigay. Sa lugar kung saang sapat ako."Kasi nasasaktan na ko"
Hindi nagsalita ang anghel bagkus tiningnan niya lamang ako na parang nagtatanong at nagtataka. Hindi ko na rin alam kung ano pang irereact. Parang nauna na atang lumipad ang utak ko kaysa sa kin.
"Hindi ko alam ang pakiramdam ng nasasaktan Mikaella pero isa lang ang alam ko, kahit kailan hindi dapat tinatago at tinatakbuhan ang nararamdaman, masama man ito o mabuti." Lalo akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?