Nagalit ata si Mika sa akin. Wala naman akong ginawang masama bukod sa pambabato at pang iispray ng tubig sa bisita niya eh. Natuwa pa nga siya sa ginawa ko eh pero nag iba yung mood niya nung sinabi kong ako na ang lalaking may responsibilidad sa kanya. Bakit kaya ganoon? Pag napapasaya ko na siya bigla bigla pa rin siyang nagagalit o di kaya naman naiinis sa kin?
“Oh bakit malungkot ka ata Akihiro? Diba binisita mo si Mika?”
“Oo Mike pero nagalit siya sa kin. Sinabi ko lang naman na ako na ang lalaking may responsibilidad sa kanya tapos ayun umusok na naman yung ilong niya.”Tumawa ng mahina si Mike. Tumingin siya sa kin tsaka tumawa ulit. Nagtataka na talaga ako sa matandang ito. Bukod sa napakarami niyang alam eh nababasa niya ako. Alam niya kayang nagtataka ako sa kinikilos niya ngayon?
“Mali ka ng mga napiling salita anghel. Masyadong malisosyo ang kahulugan ng sinabi mo. Gayunpaman nakakatuwa ka.”
“Ako naman talaga kasi ang lalaking may responsibilidad kay Mika eh.”
“Ang ibig sabihin ba niyan mahal mo na siya?”
“Di ko alam, Mike. Pero parang tama ka.”
“Kahit na anghel ka at mortal siya?”
“Mahalaga ba yun?”
Sinusuring maigi ni Mike ang naging kasagutan ko. Naramdaman kong may mali na naman sa sinasabi ko. Siguro nga nasa magkaibang mundo kami pero hindi naman siguro ibig sabihin noon na hindi ko na siya maaring mahalin. Kahit sa malayo naman siguro pwede kong mahalin si Mika.
BINABASA MO ANG
The Angel's Promise (Sequel of The Time Traveler's Love Story) - Completed
FantasyTAGALOG---Are you going to give up eternity to fulfill a used to be broken promise? Are you going to give up heaven for an earthly love?