Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Solomon ay tinawag na ulit siya sa loob ng kusina at ako naman ay bumalik na sa kwarto ko. Mainit pa kung maliligo ako kaya mas pinili kong manatili muna sa balkonahe kung saan kitang-kita ko ang malawak na lugar ng Cuestas Beach Resort. May nakikita akong naliligo sa pool at ang ilan ay nakatingin lang sa kanila. Nilabas ko ang aking libro. My obsession for Paige Tyler's books is getting out of hand. Nabili ko na ang mga libro niya, maging ang dalawang Wolf series niya na SWAT: Special Wolf Alpha Team at X-Ops Exposed. I also managed to bring a slice of cake and an iced coffee with me. I asked for a folding bed which is thankfully available before I settle myself outside.
The sun was out but the trees saved me from its heat. The wind was also cold and fresh, and the view was sirene. Ang sarap magpahinga kapag ganito ang nasa harapan mo.
Nagsimula akong magbasa. I missed having Egsel with me during these times. Pareho kaming mahilig sa libro at kadalasan ay siya ang kasama ko kapag gusto kong magbasa at pareho kaming walang ginagawa. She prefers romance while I love fantasy, especially vampires and werewolves. In contrast to our likes, Angelus Ivy likes watching movies rather than reading them.
I spent almost of my whole afternoon in the balcony, just reading. Halos nakakalahati na ako sa binabasa ko nang mapansin ang oras. It was already 3:34 PM. The sun wasn't already glaring at me. That's when I decided to take a dip in the pool. Inayos ko ang gamit ko at binanlawan ang platito at basong ginamit ko kanina. I changed in my red two-piece swimwear and had my hair in a tight bun. Hindi naman sa hindi ako magbabasa ng buhok pero gano'n talaga ako minsan kapag naliligo ng dagat o sa pool. Kumuha rin ako ng seethrough dress para matabunan katawan ko at ang aking sunglasses bago lumabas ng kwarto.
There were only a few people outside. Most of them were foreigners. May nadaanan pa akong magbabarkadang kano na mukhang kaedaran ko lang.
Doon ako sa dulo pumwesto dahil walang tao. Kita mula rito ang pag-iiba ng kulay ng langit. It was almost golden hour and I'm planning to watch sunset from here.
Hinubad ko ang aking dress bago binaba ang sarili sa pool. The water was warm which made me instantly relax. Pabalik-balik lang akong lumangoy hanggang sa napagdesisyunang hintayin na lang lumubog ang araw. Nakalubog pa rin ang katawan ko hanggang leeg habang nakapanghalumbabang humarap sa dagat. Tahimik kong pinagmasdan ang langit.
People might think this is boring, but for someone who was deprived to see this kind of peace and beauty, it means a lot. I could go staring at this scenery before me for the whole day and not complain.
"Enjoying the view?"
I turned my gaze to the newcomer. Solomon was already wearing his casual clothes; a white sando, a summer shorts, and a pair of black slippers.
"Yep." I sighed in content. "I love it here."
"I agree. Badian has a lot to offer. This place is just one of them," aniya.
Muli kong binalik sa dagat ang aking tingin.
"Hindi ka pa uuwi? Walang trabaho?" tanong ko.
"Hindi muna ako sumama sa mga kasama ko. Nandito ka e," sagot niya at ngumisi.
Pinaikutan ko siya ng mata. "Natural ba talaga ang pagiging malandi mo?"
Natawa siya saka umupo sa sa gilid ng pool. Hinubad niya ang kan'yang tsinelas at nilubog ang paa sa pool. Nakaharap siya sa akin habang ako naman ay nasa tabi niya at nakaharap sa dagat.
"Hindi ah. Bawal ba landiin ang girlfriend ko?" tanong niya.
Sinilip ko siya. "Tama na nga 'yang kaka-girlfriend mo sa akin. Parang nawiwili ka na ah."
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomanceBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...