Raphael Solomon's POV
Magaan ang pakiramdam kong hinigpitan ang pagkakayakap sa babaeng katabi ko. I felt whole again now that she's here with me.
She let me feel her. I was inside her. Last night. It wasn't only an experience but a way of staking a claim. My claim.
I smiled at that. She's finally mine.
"Langga..." I whispered, still refusing to open my eyes. "Baby..."
Kinapa ko ang aking gilid at napagtantong wala akong katabi. Nangunot ang noo ko dahil doon at agad na bumangon.
I scanned the tent. I was alone. My frown deepened. All along, I was hugging a pillow. Her pillow.
Agad akong nagsuot ng pantalon at lumabas. Mataas na ang araw at kitang-kita ang paligid ngunit wala akong maaninag na Ana Margarita sa paligid.
"Margaret!" sigaw ko, nagbabasakaling nasa paligid lang siya. "Margaret!"
I kept calling her name for almost an hour but I heard no response from her. Bumalik ako sa tent at hinanap ang cellphone ko. Noon ko lang napansin na wala na ang bag niya sa loob.
My fist clenched. I don't want to think negative of what is happening now but I know I can't fool myself.
But maybe she just went to her friend.
Sa naisip, agad akong naglipit ng gamit at umalis. Nihindi ko alam kung paano nakaalis si Margaret nang hindi sumasakay. Did she walk? Or did someone fetch her from here?
Wala akong sinayang na oras at agad na bumyahe napunta sa tinitirhan ni Ivy. She must be there. Knowing that she's been anxious of how her friend is, maybe she went to check on her.
Ilang minuto lang ay nakarating ako sa lugar. Agad akong bumaba kahit hindi pa maayos ang pagkaka-parking ng kotse.
"Margaret!" sigaw ko habang lakad-takbong pumasok sa gate. "Margarita!"
The door was open, so I assumed someone's inside... and there was.
"Sino po iyan?" Lumabas ang isang ginang mula sa bahay na may hawak-hawak na walis tambo.
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob. Agad niya akong tinawag at pinagbawalan pero hinalughog ko pa rin ang paligid ng bahay.
"Sir, anong kailanga-"
"Margaret! Let's go home!" sigaw ko.
"Walang Margaret na nakatira rito, Sir!" pigil sa akin ng ginang. "Ang dating umuupa naman dito ay umalis na. Kaninang madaling araw pa 'yon! Baka si Ivy ang hinahanap mo tutal Ivy naman ang nakatira rito, hindi Margaret!"
Mariin akong napapikit sa narinig. Umalis din si Ivy?
"May kasama po ba si Ivy noong umalis siya?" tanong ko.
"Wala naman. Ako ang naghatid sa kan'ya sa terminal ng bus dahil may mga dala siya at buntis pa. Wala namang lumapit sa kan'ya o wala naman siyang hinintay doon." Sinilip niya ako. "Kaano-ano mo ba si Angelus, iho?"
Umalis si Ivy na hindi kasama si Margaret. Anong ibig sabihin nito?
"Ikaw 'yong kasama ni Ivy kahapon ah! 'Yong kasama ng kaibigan niya. Siya ba si Margaret? Nobya-"
"Aalis na po ako," ani ko at agad na lumabas sa bahay.
Nagmamadali akong bumalik sa kotse at walang kabang pinaandar iyon. Habang nagtatagal ay mas pumapasok na sa isipan ko ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomansBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...