Margarita :: 20

1K 23 1
                                    

Isang buwan din agad ang lumipas. Balik skwela na pero hindi ko na kailangang pumasok dahil naaprobahan na ang resignation letter ko. It still saddens me knowing that I had to let go of my job for a shallow matter. But I don’t think I’m still deserving to serve hopeful children when I couldn’t give them the best learning they deserve.

“Hi, pretty.”

Napalingon ako kay Hanz na nakangiting naglalakad papunta sa gawi ko. Sinadya ko siya sa ospital kung saan siya nagta-trabaho para dalhan ng lunch. Alam ko kasing hindi na naman siya kakain dahil ika nga niya, sa paglalakad pa lang papuntang kainan ay mauubos na oras niya.

“Nagluto ako para sa ‘yo. Kumain ka uy,” ani ko.

“May pa-special delivery naman si Ma’am Ganda. Nuks. Na-touch naman ako,” sagot niya at kinuha mula sa akin ang paper bag na hawak ko.

Hanz and I became close. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan dahil natural siyang people person. Prangka rin pero mabait kaya hindi ako napapantastikuhan tuwing kasama siya.

“Sana all, Doc, alagang-alaga ng fiancée!” pang-aasar ng isang nurse na dumaan.

Natawa na lang kami pareho dahil doon. Halos hindi na namin iniisip ni Hanz ang tungkol sa mangyayaring kasalan. We treat each other as good friends and we decided to enjoy what we have before worrying for the future. Kaya naman tuwing tinutukso kami sa isa’t isa ay tinatawanan na lang namin.

“O siya. Dumaan lang ako para ihatid ‘yan. Kumain ka na para hindi maubos oras mo,” saad ko.

“Hindi ka na sasabay sa akin?”

“Tapos na ako kumain. Dumaan kasi ako sa opisina ni Kuya Aino.” I kissed his cheeks. “Bye, Doc! Kapag ‘yang pagkaing dinala ko, hindi mo ginalaw, h’wag na h’wag ka na talagang magpapakita sa akin!”

Ngumisi siya. “Kakainin ko ‘to syempre. Ikaw nagluto e.”

Tumango ako. “Dapat lang. E for effort kaya ako r’yan.”

Ngumiti siya at inakbayan ako. “E ‘di thank you.”

Pinaikutan ko siya ng mata ngunit agad ding nanggigil kaya hindi ko napigilan ang sariling pisilin ang pisngi niya.

“Ana!” angal niya.

Tinawanan ko lang siya.

“Ang cute mo ngayon,” ani ko.

“Palagi naman akong cute at pogi,” sagot niya at agad na lumayo sa akin nang akmang kukurutin ko na naman siya. “Tama na uy! Kaya pala nagluto ka para sa akin dahil gusto mo lang kurutin pisngi ko. Lagi mo na lang kinakawawa mukha ko ah.”

Umirap ako. “OA mo naman. Hindi naman malakas pagkakapisil ko e.”

“Kaya pala ang sakit ah,” sarkastiko niyang sagot.

Saglit pa kaming nag-asaran bago ako nagpaalam at para rin makakain na siya. It was Monday, so I was again left alone in our house. Ilang linggo na ring hindi umuuwi si Kuya Aivan. I asked Kuya Amos about his whereabouts but he only told me not to worry. Busy din ang dalawa ko pang kapatid. I have this feeling that their constant disappearance involves the organization they are working for.

I have been there a couple of times. That was where I trained with my brothers. I was honed to be physically fit in terms of fighting. Kaso hindi katulad ng mga kapatid ko, wala akong experience sa mismong bakbakan. Kaya nga hindi agad ako nakalaban noong muntik akong magahasa sa Cebu. I was only physically ready, but not mentally. Dad also made sure I stay out of the organization’s radar. Ang mga lalaki lang sa pamilya ang opisyal na naninilbihan doon. Kami ni Mama ay nasa gilid lang at tahimik na sumusuporta sa kanila.

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon