“H’wag mo akong gino-good time, Hanz! Hindi ako natutuwa ah,” naiinis kong saad sa kan’ya kahit na sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na rin ako.
“I am a doctor, Ana. Hindi man OB Gyne pero natutukoy ko kung buntis ba ang isang babae o hindi. Lalo na ikaw dahil palagi tayong magkasama.”
“E ‘di h’wag ka na magpakita sa akin para hindi na tayo magkasama kahit kailan!”
“Kailan ba huling menstruation mo?”
Natahimik ako. Kailan nga ba...
“Delayed, ‘no? Mga babae talaga, palaging nakalilimutan regla nila kapag buntis,” komento niya kaya binigyan ko siya ng isang masamang tingin.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. “H’wag mo akong tinatarayan, Ana Margarita. Dapat noong napansin mong hindi ka pa nire-regla ay alam mo nang may mali. Regular ba dalaw mo?”
Umiwas ulit ako ng tingin. Daming alam ng lalaking ‘to...
“Ano, Ana?” untag niya.
“Oo na! Regular!” inis na inis kong sagot.
Napabuntonghininga naman siya. “Punta kang ospital bukas. I’ll accompany you in your checkup.”
Padabog akong humarap sa kan’ya. “Hindi nga kasi ako buntis!”
Tumaas lang ang kan’yang kilay. “Your mood swings are telling me otherwise.”
Mas napasimangot ako. Bakit nga ba sa doktor ako pinagkasundo nina Mommy at Daddy? Ayan tuloy. Ang daming napapansin.
“Hindi pa naman tayo sigurado. This can be a false alarm. Kaya h’wag mo munang isipin masyado,” paalala niya na mas ikinainis ko.
“Bigla kang magsasabi na baka buntis ako tapos sasabihin mong h’wag kong isipin masyado? E kung barilin kaya kita tas sabihin ko h’wag mong masyadong pansinin ang sakit?”
Imbes na maapektuhan sa mga sinabi ko ay natawa siya. “Buntis ka ngang talaga.”
“Hanz naman!” naiiyak kong angal. “Gago mo naman e!”
“Oh? Bakit ako? Ako ba nakabuntis sa ‘yo?” natatawa pa rin niyang ani.
Suminghot-singhot na akong umiling. “E kasi naman! Bakit mo ba ako ginagan’yan! Kinakabahan tuloy ako...” Tiningala ko siya. “What if buntis nga talaga ako? Ako lang mag-isa...”
“Anong tingin mo sa akin? Anino? Anong pinagsasabi mong ikaw lang mag-isa ha?”
“Ayaw ko namang ipaako sa ‘yo ang bata...” nakanguso kong turan.
“And I will not claim him or her as mine. Alam kong nasa paligid lang natin ang tatay niyan. Maliit na bansa lang ang Pilipinas. Ayaw kong kuhanan siya ng karapatan niya bilang ama.” Humakbang siya papalapit sa akin. “Pero syempre, I will still take care of you. Pwede naman maging tito agad ako ng baby mo. We’ll take care of your child, okay?”
Tuluyan akong napaiyak saka siya niyakap. Pasimple ko pang sininghot amoy niya saka mas sumiksik sa kan’ya. Ang bango niya talaga.
“Feeling ko ako pinaglilihian mo,” biglang saad niya.
“Saka ka na magsabi ng kung ano-ano kapag nakumpirma na natin na buntis ba talaga ako. Hindi naman ako nagsusuka sa umaga e.”
“Hindi naman lahat ng buntis ay naka-e-experience ng morning sickness. A lot of women does, yes, but not necessarily that everyone has to experience it to confirm that they’re pregnant.”
“Opo na, Doc. Dami mong say! Kapag buntis talaga ako, hindi tayo pwedeng makasal!” ani ko.
“As if naman may balak talaga akong magpakasal sa ‘yo, ‘no.”
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomanceBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...