Nasa sala kaming lahat. Katabi kong nakaupo sina Kuya Amos at Kuya Aino habang nasa harapan namin sina Mama at Papa. Kanina pa sinusubukan ni Kuya Aino na tawagan si Kuya Aivan pero hindi raw siya sumasagot. Hindi rin ito nagse-seen sa GC namin.
“First things first, you’re pregnant?” paninigurado ni Mom nang huminahon siya mula kakaiyak.
Mom, mommy, or mama and dad, daddy, or papa. That’s what I call them. People usually ask me why pero siguro iyon na rin ang nakasanayan ko. Minsang naririnig ko kasi sa mga kaibigan ko ay mama o papa ang tawag nila sa mga magulang nila kaya parang na-adapt ko na rin.
Tumango ako sa tanong niya. “Three weeks, sabi ng doktor.”
Hindi niya maiwasang mapasinghap. Siguro ay hindi niya pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Wala naman kasi silang alam na may lalaki akong ginapang kaya ako nabuntis. I told them nothing about my relationship with Sol.
“Hindi si Hanz ang ama?” tanong naman niya ulit na muli kong tinanguan.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dad saka muling tumingin sa akin.
“If not, then who?” seryoso niya bigla na tanong. “Wala kang pinakilala sa aming ibang lalaki bukod kay Hanz at Tristan na asawa ni Egsel.”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila saka umiling. “He’s from Cebu. We... We had a thing...”
“You had a thing and?” nakataas ang kilay na usisa ni Kuya Amos.
I heaved a deep sigh and shrugged. “And I left him because I have a promise to fulfill.”
Nakita kong natigilan si Dad dahil sa sinabi ko.
“You chose us over him?” si Kuya ulit.
“It’s not that I have much of a choice. Saka siguro kailangan ko na ring lumayo sa kan’ya bago ako tuluyang mahulog.” I looked at them. “I was there. Almost there— almost falling hard. Takot akong sumugal sa pag-ibig na alam kong hindi para sa akin kaya inunahan ko na. I left.”
“Yet you got pregnant,” sarkastikong saad ni Kuya Aino.
“I gave myself to him pero hindi ko naman ini-expect na mabubuntis ako agad. Isang beses lang naman kasi ‘yon...”
He whistled loudly. “Wow. Sharp shooter.”
Sabay namin siyang binigyan ng isang masamang tingin na ikinailing niya lang.
“What are your plans now, Margaret? You are about to marry Hanz,” tanong ni Dad.
Umiling ako. “We will not marry.”
“Marga!” angal niya.
“Wala sa isipan namin pareho ang pagpapakasal sa isa’t isa, Dad. We’re good friends! Alam naming gusto niyo pareho ng Dad niya na ikasal kami pero kung sarili namin ang tatanungin, kung pakikinggan niyo man kami, wala kaming balak magpakasal!” ani ko. “Even before I knew I am pregnant, we already settled the score between us. He doesn’t see me as his wife. I don’t see him as my husband, too. At hindi namin ipipilit ang isa’t isa sa isang relasyon na parehong alam naming hindi magiging successful!”
“You were getting along, Margaret. How can you both say na hindi magiging maayos relasyon niyong dalawa?”
“We are doing good as friends. Hanggang doon na lang ‘yon. Friendship lang ang kaya naming ibigay para sa isa’t isa. Pagkakaibigan lang ang maiaalok namin sa inyo. Ayaw naming magpakasal, Dad. Wala kaming balak tumuloy sa usapan.”
Sandali kaming natahimik. Mukhang maraming iniisip si Dad ngunit kalaunan ay nagsalita na ulit siya.
“Bakit, Margaret? Balak mo pa bang makipagbalikan sa ama ng dinadala mo?” seryoso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomansBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...