Margarita :: 32

1.1K 26 0
                                    

Please play the song above for this chapter. Thanks!

-------

“Where are you taking me?” nang-uusisa kong tanong.

Hindi mawala-wala ang ngisi ni Sol sa labi nang saglit akong nilingon.

“It‘s a secret, langga. Kahit ilang beses mo pa akong tanungin, hindi ko pa rin sasabihin.”

Sumimangot ako. “Sigurado ka bang okay lang iwan natin sina Eros at Artemis sa bahay? Hindi ako sanay,” ani ko.

“Nandoon naman sina Mama at Papa. Gusto rin nilang magbantay sa mga apo nila.”

“Mama at Papa?” Tinaasan ko siya ng kilay. “At kailan mo pa naging mama at papa ang mga magulang ko ha?”

Mas lumawak lang ang ngisi niya sa labi. “Soon. Hehe.”

Hehe? Ba't parang ang ganda ng gising ng isang ‘to?

“Ewan ko sa ‘yo,” irap ko.

He softly laughed. “This is a date, langga. H‘wag mo munang masyadong isipin ang mga anak natin. I'm sure their grandparents will take good care of them. Isang araw lang naman tayong mawawala e.”

It's been almost a month, and through those weeks, I never left my twins’ side. Ito ang unang beses at naninibago ako. Ito rin ang unang beses na niyaya niya akong lumabas na kaming dalawa lang.

He held my hands. “Relax, okay?”

Napabuntonghininga ako saka tumango.

Hindi ko masasabi kung may pagbabago ba relasyon namin ni Sol. I can see that he is trying. Kahit na ako ang mas may kasalanan sa kan'ya, siya itong naglalagay ng extra effort para magkaayos kami. Pero sadyang hindi ko pa rin alam kung paano siya pakikitunguhan. It's still awkward, excluding the times when we're both too engrossed with taking care of our babies. We move in sync when it comes to them. Para bang natural na lumalabas ang pagiging magulang namin sa mga anak namin.

But we're both trying. I wanted to get rid of my fears and I know I won't be able to do that if I don't try once again. That's why I'm doing my best to soften slowly.

“I-I'll just... D-Do you have Spotify?” pag-iiba ko ng usapan.

Muli niya akong nilingon saglit bago binalik ang tingin sa harapan.

“You want to play some songs?” tanong niya.

“Oo sana. Pwede ba?”

“My phone's in your bag,” he sheepishly answered. “Nilagay ko na lang sa bag mo phone at wallet ko tutal iyon lang naman dadalhin ko. The bluetooth's already connected to the speaker.”

Hindi na ako umimik. Sanay na ako na nakikilagay siya ng gamit sa bag ko. Balewala lang din naman sa akin dahil wallet at cellphone lang naman nilalagay niya sa loob.

“Uhm... The password is your name,” tila nahihiya niyang sambit pa.

Napalingon ako sa kan'ya. “Ana Margarita?”

“Yep.”

Nang makuha ang phone niya at i-on ‘yon, ang unang bumungad sa akin ay ang selfie namin noong nasa Alegria kami. One from Cancalanog Falls. He was half-naked and I was wearing a pair of red swimsuit. He had his right arm on my left shoulder while I was hugging him from the side.

I can still remember this photo. Ito ‘yong nakisuyo pa kami sa isang turista na kunan kami ng picture. I was wearing my biggest smile while Sol was smiling at me. It was such a beautiful sight.

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon