Margarita :: 25

1K 38 3
                                    

Today marks my 9th month. Ang sabi ng doktor ay next week ang due ko pero maaaring mapaaga.

“God! The babies are kicking!” hindi makapaniwalang sigaw ni Hanz kahit na ilang beses na niyang naramdaman ang paggalaw ng mga anak ko.

They’re very active. Minsan ay napapaungot ako sa sakit dahil ang kukulit nilang dalawa. Hirap na hirap na rin akong gumalaw dahil masyadong malaki ang tyan ko at mabigat. Pero pinipilit ko pa ring maglakad para hindi masyadong mahirap sa akin ang pag-ere. My family were giving me their fullest support. Maliban sa panganay kong kapatid. Bigla na lang kasi ulit nawala si Kuya Aivan ilang buwan na ang nakalilipas. Ang sabi niya lang sa akin ay may importante siyang lalakarin pero simula noon ay hindi na ulit namin siya nakita pa. I don’t know if Kuya Amos has a contact with him.

“Wala ka bang trabaho, Hanz? Halos araw-araw ka nang nandito sa bahay ah!” suway ko sa kan’ya.

“I’m taking a break. Mas priority kita ngayon lalo na’t malapit na due mo,” sagot niya habang dinadama pa rin ang bilugan kong tyan.

“Oh, buntis! May niluto na namang buttered shrimp si Boss para sa ‘yo,” biglang pagsulpot ni Kuya Amos sabay lahad ng isang naka-paperbag na pagkain.

“Napapadalas ata pagbibigay ng boss niyo ah?” tanong ni Hanz.

He has no clue na may ibang trabaho pa ang mga kapatid ko kaya hindi niya rin kilala kung sino ang boss na sinasabi ni Kuya Amos. Hindi rin naman siya nagtatanong. Siguro ang buo niyang akala ay client ni Kuya.

Kuya Amos shrugged. “My family is his family daw e.” Bagama’t parang balewala ang pagkakasabi niya no’n ay nakakunot ang noo niya.

Kinuha ni Hanz ang pagkain at nagpuntang kusina para ilagay sa plato.

“Pupunta ba raw siya ulit dito? Palagi kaming hindi nagpapang-abot kapag nagpupunta siya rito e. Paano ba naman, lagi akong tulog. Hindi ko pa tuloy nakikilala boss niyo,” ani ko.

That’s true. Although it's been years since they started working in Solaiman, I have never met their big boss— not even a glimpse.

“Don’t know. Hindi na siya pumunta rito noong namamalagi na siya Hanz dito e. Baka busy din ‘yon.”

“Si Kuya Aivan? Nakakausap mo pa ba?” tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. “Don’t worry about him. He’s in a special quest.”

“Ilang buwan na ang special quest na ‘yan ah?”

“Hindi hindi ba naman magaling magtago ang kaibigan mo,” natatawang saad niya.

Napataas ang kilay ko. So all this time, he’s looking for Angelus Ivy?

“Here, baby.” Nilapag ni Hanz sa lamesa ang pagkain.

Nang maamoy ko ang mainit na amoy mula sa shrimp ay nanubig agad ang bagang ko. My brothers’ boss’ buttered shrimp is my favorite! Noong una kong natikman ang luto niya, halos maiyak ako sa sarap. Kaya naman nitong mga nakaraang buwan ay palagi kong kinukulit ang mga kapatid kong sabihan ang boss nila na lutuan ulit ako ng ganoon. Good thing dahil hindi na nila kailangang pilitin ang boss nila. He willingly brought foods and other gifts for me. Kapag may request ako, sa kan’ya ako nagpapaluto. Minsan nga’y hindi na ako pinapansin ng mga kapatid ko dahil nahihiya na sila sa boss nila pero kapag nagsisimula na akong magtampo ay agad nilang tinatawagan ang kanilang boss. Wala namang reklamo ang boss nila sa mga hiling ko. My brothers’ family is his family.

“Sabihin mo ninong siya sa anak ko ah. Dahil ata sa kan’ya kaya palaging busog at satisfied babies ko e,” masaya kong turan habang sumusubo. Si Hanz ay tahimik na pinagbabalat ako ng shrimp sa tabi ko.

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon