“Dito ka nakatira?” tanong ko kay Ivy habang sinusuri ang paligid ng kan’yang apartment.
“Safe naman dito kaya okay lang. Saka pansamantala lang naman ako rito. Isang buwan pa lang nababayaran ko dahil hindi pa ako sigurado kung magtatagal ako rito sa Cebu.”
Nasa likod ko lang si Sol at tahimik na sumusunod sa akin. Pinakilala ko na siya kay Ivy kanina at nagawa pa akong asarin ng babaita bago kami hinayaang sumama rito sa apartment na tinitirahan niya.
“Sure ka bang okay ka lang dito mag-isa? Pwede naman naming hindi ituloy ni Sol ang plano namin mamayang gabi at samahan ka rito,” ani ko.
“Nakailang ulit ka na, Margarita, ah. Sabing okay na nga lang e. Saka ayaw ko ngang hindi kayo matuloy! Hindi naman ako lalayas dito,” sagot niya.
“Dapat lang. Kapag tinakasan mo ako, tatawagan ko talaga si Kuya Aivan,” pagbabanta ko. “Kilala mo ako, Angelus. Hindi ako nagbibiro tungkol sa mga ganito.”
“Kaya nga, ‘di ba? Saka halos dalawang linggo na ako rito. Kaya ko naman mag-isa,” aniya.
“Iba na ngayon dahil alam mo ng buntis ka.” Napabuntonghininga ako. “Magpahinga ka muna ngayong araw. Bukas, sasamahan ka naming magpunta sa OB para magpa-check up.”
Akmang aangal pa siya nang pandilatan ko siya ng mata.
“Pamangkin ko ‘yang dinadala mo, Angelus. Ipapaalala ko lang,” mataray kong saad.
Ngumuso siya saka tumango.
“Umalis na kayo. Maggagabi na. Sayang kung hindi niyo maabutan ang sunset,” aniya.
“Kailangan ko pa rin ang kwento mo ha. Aasahan ko ‘yan bukas. Gusto ko malaman kung paano ka nabuntis ng Kuya ko.” Mariin ko siyang tinitigan.
“E paano nga ba? Syempre pinasok niya titi niya sa pekpek ko! Gusto mo ba bigyan pa kita detalye?”
Pinaningkitan ko lang siya ng mata saka umiling.
“Nandiyan na ang pagkain mo. Initin mo na lang kapag gusto mo nang kumain. May prutas din d’yan. Tawagan mo ako kung may gusto kang kainin ha o kapag may nangyaring masama sa ‘yo o ano man. Distilled water ang binili ko para sure. H’wag kang iinom ng ibang tubig. Kung nasusuka ka—”
“Oo na, Mama Garet!” Marahan niya akong tinulak palabas. “Alam ko na gagawin ko, Mama Margaret. Umalis na kayo dahil baka hindi niyo maabutan ang sunset!”
“Pero—”
“Walang pero pero, Margarita. Lumarga na kayo. Kaya ko naman ang sarili ko. Tatawagan din kita agad kung kailangan ko ng tulong.”
Nang nasa labas na kami, nilingon ko siya.
“Kapag ikaw nagtago bigla, si Kuya Aivan ang uutusan kong maghanap sa ‘yo. Kapag nangyari ‘yon, alam mong kahit saan ka pa magsusuot, mahahanap at mahahanap ka pa rin niya,” banta ko sa kan’ya.
“Oo na kasi! Aalis na nga lang, mananakot pa. Layas na!” pagtataboy niya sa akin bago nilingon si Sol. “Alagaan mo kaibigan ko ah. Kapag iyan umuwi ritong umiiyak, tatanggalin ko ang ngipin mo isa-isa.”
Imbes na matakot ay ngumiti si Sol at tumango. “Noted.”
“O sya. Ingat kayo sa byahe niyo.”
“Take care of yourself, too.”
“Mag-iingat, Angelus Ivy!” pahabol ko bago pa ako iginiya ni Sol pabalik sa kotse namin.
Nang makasakay sa kotse ay hindi ko maiwasang tumingin ulit sa labas.
“Magiging okay lang ba si Ivy doon? Siya lang mag-isa, Sol,” nag-aalala kong tanong.
“She’ll be fine, langga. Baka gusto niya rin muna ng oras para sa sarili niya. Kailangan niya ng oras para tuluyang maproseso ng utak niya na buntis nga siya.”
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomanceBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...