Margarita :: 19

1K 27 1
                                    

Hindi nagsisinungaling si Kuya Amos nang sabihin niya sa aking ipapaalala na ni Dad ang tungkol sa kasal ko kapag nakabalik ako sa Manila dahil kinabukasan no’n ay agad akong pinatawag ni Dad sa opisina niya sa bahay. He was with Mom and my three brothers when I went  inside his office.

“Wala ba kayong mga trabaho?” tanong ko sa tatlo kong kapatid na lalaki.

“This is more important than our work,” sagot sa akin ni Kuya Aivan.

Naalala ko bigla si Ivy dahil sa kan’ya. Inis akong lumapit sa gawi niya at walang pasabing sinapak siya. Hindi naman ‘yon malakas pero matalim niya akong tinitigan.

“What was that for, Margarita?” inis niyang sigaw.

That’s for impregnating my bestfriend!

Imbes na sumagot at inirapan ko lang siya. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago umupo sa gitna nina Kuya Amos at Kuya Aino. Katabi naman ni Kuya Aino si Kuya Aivan na masama pa rin ang tingin sa akin.

“May saltik ka ba sa utak, bunso?” pabulong na tanong sa akin ni Kuya Amos.

Umingos ako. “Naiinis lang ako sa pagmumukha ni Kuya. May naaalala akong kasalanan niya.”

“What the fuck is that, Ana Margarita?” inis na inis pa ring tanong sa akin ni Kuya Aivan.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. “Bakit ko sasabihin? Deserve mong magdusa kaya bahala ka r’yan!”

Mas nangunot ang noo niya. “Ano bang pinagsasabi mo ha?”

Tignan mo ‘to. Wala talagang alam na may nabuntis siya! Napaka-careless mo, Kuya!

“Sumakit nawa ulo mo kakaisip!”

“You—”

Biglang tumikhim si Dad dahilan para matahimik kami. Masama pa rin ang tingin ni Kuya sa akin na binigyan ko lang ng isang mapang-asar na ngisi.

“Margaret,” tawag sa akin ni Dad.

Kuya Amos held my hand. He already told me about what this meeting is all about, but I still fear to hear it firsthand from my father’s mouth.

“Do you still remember the agreement we had 6 years ago?”

Wala sa sarili kong hinigpitan ang pagkakahawak ni Kuya sa kamay ko at tumango.

“Yes, Dad,” mahina kong sagot.

Tila nakahinga naman nang maluwag si Dad sa naging sagot ko. Akala siguro niya na hindi ko na matandaan at kung sakali man ay mahihirapan siyang ipaintindi sa akin ang tungkol dito.

“We had an agreement, Margaret. You... You willingly said yes,” aniya.

Wala sa sarili akong tumango.

“She was only 18 that time,” singit naman ni Kuya Aino sa usapan.

Naging matalim ang tingin ni Dad sa kan’ya.

“Eighteen years old. Old enough to decide for herself,” mariin na katwiran ni Dad.

Kuya Aino only shrugged. I sighed.

“I won’t back down from the initial plan, Dad...” I seeked comfort from my brother’s hands’ warmth, “but can you please tell me why I need to get married?” You said you promised someone.

“You’re 26 and you’re not getting any younger,” ani Dad.

“I’m 30,” sagot din ni Kuya Aivan. “Turning 31, actually.”

“You’re a man,” mariing saad ni Dad.

“And?” taas-kilay na tanong ni Kuya.

Napabuntonghininga si Dad. “You won’t have a hard time looking for a good woman, son,” tila pagpapaintindi niya sa nakatatanda kong kapatid. “Women will come worshipping your ground.”

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon