Margarita :: 01

1.6K 52 3
                                    

"Anong ibig mong sabihin, Selly? Aalis ka?" tanong ko kinabukasan nang magkita kaming tatlo nina Egsel at Ivy sa isang malapit na coffee shop.

"Hindi na ako pinayagan magturo ni Tristan dahil sa pagbubuntis ko kaya magre-retire ako nang maaga. Hindi na rin naman ako tutol doon dahil parang mas gusto ko magfocus sa art gallery ko."

"Sabagay. You're more into arts than teaching," ani ko bago binalingan ng tingin si Ivy na tahimik lang humihigop ng kape. "E ikaw, Angelus? Kumusta ka? Nakamove on ka na ba?"

Nakatulala siyang nakatitig sa kawalan.

"Next week na ang kasal ni Reoron..." tila wala sa sarili niyang sambit.

"Yep. Uuwi kaming Cebu sa susunod na linggo para sa kasal ni Kuya. Kayo?" si Egsel.

"Aayusin ko lang mga naiwan ko rito saka ako susunod. Moving Up at graduation din bukas. Kailangang nandoon ka tutal hindi ka pa naman nakakapagfile ng resignation letter."

Sabay naming nilingon si Ivy. Nakatulala na ito sa kapeng iniinom niya at parang isang kalabit lang ay iiyak na. Nakatinginan kami ni Egsel at tahimik niya akong inilingan, pinipigilang tanungin ang kaibigan naming tanungin tungkol sa plano niya.

Mas pinili na lang naming ilihis ang usapan. Ayaw din naming kulitin si Ivy dahil alam naming simula noong nalaman niya ang tungkol sa mangyayaring kasal ni Kuya Reoron ay lagi na lang siyang nakatulala. Minsan nga'y naabutan ko siya sa apartment niyang umiiyak.

"Hindi niyo pa alam gender ng baby niyo?" tanong ko kay Egsel.

Nakangiti siyang umiling. "Isang buwan pa lang e. Pero ayaw ko ring malaman muna. Gusto ko surprise."

"Paano kapag bibili kayo ng gamit para sa bata?"

"Walang problema sa mga bibilhin dahil kahit buong baby section bilhin ni Tristan, hindi iyon aangal." Natawa siya. "Pwede naman kaming bumili ng unisex na mga gamit."

Looking at Egsel, I can't deny that she's blooming and so in love. Sobrang alaga siya ni Tristan. Ewan ko nga sa lalaking 'yon. Hindi ko alam kung anong nakita kay Egsel bakit hulog na hulog siya. Kung pwede lang siyang idikit kay Egsel palagi, gagawin niya. He's overprotective and possessive. Lalo na ngayong magkakaanak na sila. Ayaw na nga niyang pagtrabahuin si Egsel e.

"Congrats, Selly," sinsero kong saad.

"Thank you," sagot niya. "Aasahan kong kayo ang susunod ah. Ang aga ko nag-asawa e. Hindi na kasi makapaghintay si Tristan pagkatapos magpropose sa akin. Gusto niya agad-agad ang kasal."

"Ano bang magagawa mo sa lalaking 'yon e mahal na mahal ka no'n? Ayaw ka na ngang pakawalan. Buti pinayagan ka niyang lumabas ngayon?"

Natawa lang siya saka umiling. "Tumakas lang ako."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Baliw ka! Kami na naman malalagot sa asawa mo!" angal ko.

"Hindi 'yon. Nasa opisina siya kaya hindi niya alam. Babalik na lang ako sa bahay bago siya umuwi."

"Gals, u-uwi na ako..."

Muli kaming napalingon kay Ivy. Nangingilid ang luha niya habang malungkot na nakangiti sa amin.

"Ivy naman," tila nahihirapang banggit ni Egsel at niyakap ang isa. "Stop hurting yourself. You don't deserve Kuya Reo. Please... nasasaktan din ako kapag nakikita kang ganito kalungkot."

May tumulong luha mula sa mata ni Ivy pero agad niya iyong pinunasan saka pilit na tumawa.

"Ano ka ba. Ayos lang ako. Lilipas din 'to," aniya.

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon