It was Wednesday and it was raining hard the whole day so I had to stay inside the house. Solomon was out with his friends since yesterday. Nagpaalam naman siyang baka mawala siya nang ilang araw dahil may aasikasuhin lang daw sila tungkol sa trabaho. Baka magde-deliver na naman siya ng isda sa Manila. Hindi ko rin alam kung may cellphone ba siya dahil hindi ko pa naman siya nakikitang gumagamit no'n kaya hindi ko siya magawang tawagan. I am worried, but I know I shouldn't.
"Ma'am Vallega, are you still with us?" untag sa akin ng kapwa guro ko.
I almost forgot I am in a Zoom meeting with other English teachers from our district. They are discussing about the effective approaches in teaching our students and they also gave us tasks to be done.
"I'm sorry. I'm listening. Please proceed, ma'am," nahihiyang saad ko nang in-on ang aking mic at agad ding ni-mute iyon.
Masyadong malakas ang ulan at alam kong maririnig nila iyon kapag hinayaan ko lang na nakabukas ang mic ko. Mabuti na lang at hindi naman na nila ako muling tinawag.
I struggled with the internet connection and how to hear them clearly. Naglalaban ang ingay ng ulan at ang boses nila pero sa huli ay naitaguyod ko rin naman iyon.
"We'll have our actual seminar next month. Miss Vallega, please be sure to be home when that happens," anang head namin.
Magalang akong tumango at sumagot ng isang opo bago kami nagpaalam sa isa't isa.
Yakap-yakap ko ang aking kumot nang patayin ang laptop. In-open ko ang aking Messenger para makibalita rin sa GC ng class advisory ko. I tried to answer all the concerns of my students and made a short conversation with them. I am not really a social media person so I rarely open my accounts. I did advise my students to message me in my working email address whenever they have questions. Sa Viber lang ako madalas napipilitang magbukas dahil nandoon ang GC naming mga guro at doon din minsan nag-aanunsyo ng mga importanteng ganap sa skwelahan ang principal namin. It's informal but that's how she is.
I was scrolling through the messages when Kuya Aino's name suddenly appeared on the screen. He was asking for a video call.
"Hey," tamad kong bungad sa kan'ya nang pindutin ang green button.
"Buti humihinga ka pa," aniya.
"Ang sama ng ugali mo, Kuya. Anong kailangan mo?"
"Wow ha. Wala kang balak tumawag? Ano, 'te? Kinalimutan mo na kami bigla? Goodbye, Manila. Hello, Cebu na ang aura mo ngayon?" sarkastiko niyang turan.
Mahina akong natawa. "Nag-e-enjoy lang. Kakatapos lang ng virtual meeting ko with others. Kaka-announce lang din na next month magsisimula seminar namin. That's... two weeks from now, right?"
"Malay ko sa 'yo. Ano bang meron diyan? Ba't ang ingay?"
"Naulan, Kuys. Kaya nga nandito lang ako sa loob," sagot ko.
"Sino kasama mo r'yan? May pera ka pa ba? Hindi ka naman siguro nahihirapang bumyahe-byahe, ano?" sunod-sunod niyang tanong na ikinataas ng kilay ko.
"Kaya ko ang sarili ko, Kuya Ai." Humiga ako patagilid. "Bakit ka pala tumawag? Alam kong may kailangan ka. Ayoko. H'wag mo akong idamay ulit sa kalokohan mo."
Siya naman ngayon ang napasimangot. "Napakasama ng ugali mo, Margarita. Wala akong ginawang kalokohan ah," depensa niya.
"So bakit ka nga tumawag? Anong meron?"
"Bakit ba? Bawal bang tawagan ang kapatid ko?" mataray nitong tanong.
"Magda-dalawang linggo na ako rito sa Cebu tas ngayon ka lang tumawag? H'wag mo akong inaano, Kuya. Anong kailangan mo?"
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomansBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...