Margarita :: 26

1K 33 2
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. My body was aching, so as my head. Sa una ay disoriented pa ako kaya hindi ako makapag-isip nang maayos pero noong tuluyan kong maalalang nanganak na ako ay agad na nagising ang diwa ko.

My babies!

“Y-You’re a-awake...”

I turned to the source of the voice.

“H-Hanz...” I croaked out.

Agad siyang lumapit sa akin. “How are you feeling? May masakit pa ba sa ‘yo?”

“Where are my babies? I want to see my babies,” I said instead of answering his questions.

Nakita ko kung paano nag-panic ang kan’yang mata na agad niyang tinago sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin sa akin.

“They’re fine. The doctors are checking them up. W-Wala kang dapat ipag-alala. You’ll see them soon. Let the doctors do their work first,” kalmado niyang saad kahit na parang bigla siyang pumiyok.

I sighed in relief. I suddenly remembered their first cry. Napangiti ako roon.

“A baby boy and a baby girl...” nakangiti kong sambit. “I gave birth to two angels, Hanz.”

Napangiti rin siya sa sinabi ko saka tumango. “They’re beautiful, Ana.”

Gusto kong umiyak sa narinig. Hindi ko pa man sila nahahawakan o nakikita ay sobra-sobrang tuwa na ang nararamdaman ko. Oh. I want to see them already.

“Hindi ko pa ba sila pwedeng makita?” puno ng pag-asa kong tanong.

He avoided my gaze and shook his head.

“The doctor advised that you shouldn’t leave your bed first while the babies are also being checked.” He held my hand. “I know you badly want to see them but you have to have a little patience for now, okay?”

Wala akong nagawa kung ‘di tumango. Ang gusto ko lang din naman ay ang makabubuti sa mga anak ko kaya hahayaan ko muna sila kay Doc.

“Good. Now, rest first.”

Pumikit ako. Ngunit hindi rin iyon nagtagal nang may bigla akong naalala. Muling napalingon sa akin si Hanz dahil sa biglaan kong paggalaw.

“What is it?” tila nag-aalala niyang tanong sa akin.

“S-Si Sol...” I whispered. “W-Was he h-here?”

His jaw clenched. I don’t what it was for but my mind was already busy recalling a dream. He held my hand. He was here.

“M-May... May sumama ba sa akin kanina sa delivery room? Dumating ba si Solomon?” sunod-sunod kong tanong.

“Sinong Sol, Ana? Wala kaming kilalang Sol o Solomon. At ako ang kasama mo kanina sa loob,” aniya.

Tuluyang nawala ang pag-asa ko sa narinig. Was I hallucinating? Hindi ba iyon totoo?

“I love you... I love you so much.”

But I heard him. I felt him. Kasama ko siya sa loob.

But how can I be sure? Maybe I was only really having hallucinations that time.

Pero ramdam na ramdam ko siya. Alam kong siya iyon.

“H-Hanz...” Naiiyak akong lumingon sa kan’ya. “Was it an imagination?”

Matigas siyang tumango.

“Wala akong kilalang Solomon, Ana. Wala ring nagpapakilalang Solomon sa amin. Ako ang kasama mo sa kwarto kanina kaya imposible ang sinasabi mong may iba kang kasama.”

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon