Gamit namin ni Sol ang motor niya papunta sa bahay ni Don Filotimo. Nakabili na rin siya ng mas maliit na helmet para sa akin at kulay pula iyon. Nakapambabae akong umangkas sa kan'yang motor dahil sa suot kong dress. I also did a light makeup for myself.
"Careful," sambit niya at inalalayan akong bumaba nang mai-park ang motor sa labas ng bahay ng Don.
"Just stay close to me, okay?" paalala niya bago kami pumasok sa loob.
Medyo may kalakihan ang bahay ni Don Filotimo. Mahahalata agad na may kaya siya sa buhay base pa lang sa bahay nito. Kulay puti ang kulay sa labas, may malaking garden kung saan gaganapin ang party na nakakonekta rin sa sala nila. May iilang tao na ring nandoon nang lumapit kami. Agad kong namataan ang limang kaibigan ni Sol na agad ding kumaway sa amin nang makita kami. May nagsasalita na sa harap at nakatuon doon ang atensyon ng lahat.
"Kakasimula pa lang. Nagbibigay na ng speech anak nina Don Filo at asawa niya," saad ni Ramon.
Muli akong tumingin sa stage. Nakangiti ang lalaking nagsasalita sa harapan habang ang mga mata'y nasa mga magulang niya. Nakaupo naman ang dalawang selebrante sa isang bonggang setup na nasa gitna ng stage.
"You are the best parents in the world, Mom, Dad. Thank you for taking care of me and Sindy. I love you both so much. Happy 48th Annivesary," pagtatapos ng lalaki sa kan'yang speech bago lumapit sa mga magulang para yakapin at halikan sila pareho.
May isa namang babaeng umakyat sa stage. Mas bata ito sa nauna at hindi maipagkakailang mapapansin agad na anak siya ng Don dahil sa pagkakapareho ng kanilang mukha.
"Si Sydney Espinosa iyong lalaking naunang magbigay ng speech. Siya ang panganay ng matatandang Espinosa. Iyan namang nasa stage ngayon, si Sindy Espinosa. Bunso nila. Mukhang 18 pero 22 na 'yan. Nursing," imporma ni Fin.
Napatango ako. Hindi nga halata ang edad niya dahil may medyo pagkapandak siya at maamo ang mukha. Nagmumukha siyang mas bata.
"At ito pa. Fun fact: may gusto iyang si Sindy kay boss Pael. Siya nga gustong gawing date sa birthday party niya noong nakaraan kaso humindi ang pogi naming boss e," ani Rex.
Nagkibit balikat lang si Sol nang lingunin ko. "Your boyfriend is a handsome man, mahal," aniya.
Pinaikutan ko siya ng mata. Nagtama ang tingin namin ni Sindy nang muli kong ibalik sa kan'ya ang aking atensyon. Kakatapos niya lang magbigay ng speech para sa mga magulang niya at hindi katulad sa kan'yang kuya, maikli lang ang naging mensahe niya para sa dalawa.
Bumaling ang tingin niya sa katabi ko na kasalukuyang nakikipag-usap kay Ramon at Terrence. Pinisil niya bigla ang hawak-hawak kong kamay bago ako nilingon.
"Stop staring," saad niya.
Hindi na lang ako sumagot. Hindi naman ako nakatitig e.
Pagkatapos ng ilang speeches, video greetings, at pa-throwback special ay inanunsyo na ang dinner. Agad na nakahinga nang maluwag ang mga kasama ko sa narinig.
"Sa wakas. Makakakain na rin ako," ani Dax.
It was a buffet kaya nag-unahan ang lima papunta sa pila at naiwan kami ni Sol sa lamesa.
"Will you be okay here? I'll get us foods."
"Yep. H'wag mong kakalimutan ang dessert ko ah," paalala ko sabay nguso sa macaroni salad na naka-display. "Iyon unahin mo. Baka maubos."
Natawa siya saka tumango. "Okay, noted. Just wait here."
Hindi rin naman nagtagal ang iba sa pila. Naunang makabalik sa lamesa si Terrence, kasunod si Ramon. Punong-puno ang dala nilang plato at para bang gutom na gutom sila pareho. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanilang plato dahil napasimangot si Ramon.
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomanceBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...