Margarita :: 04

1.2K 42 2
                                    

"Uy, boss Raphael! Bakit hindi ka sumama kagabi sa amin ah?" bungad na tanong ng isa sa mga kasamahan ng katabi ko nang makalapit kami.

Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ng katabi ng nagtanong na lalaki saka ako ninguso. Dumako ang tingin nila sa akin.

"Oh. Kaya pala," nakangising saad niya na may malisyosong tingin kay Solomon. "May kasama palang babae kaya hindi sumama. Bago iyon ah."

Marahang pinisil ni Solomon ang aking braso saka mas nilapit ako sa kan'ya.

"Girlfriend ko," pakilala niya sa akin. "She's Margaret. Ga, sila pala mga kasama ko sa pangingisda. Si Ramon, Dax, Fin, at Terrence. Iyang sumalubong sa atin kanina, si Rex 'yan."

Tipid akong ngumiti sa kanila at bahagyang yumuko.

"Hello. Nice meeting you," sambit ko.

"Pakshet! Pati boses niya, maganda! Malas mo naman kay Raphael ka napunta!" komento ni Fin. Siya rin iyong nagtanong kanina.

"Mas malas siya kung sa inyo siya napunta, 'no," ani Sol.

Marahan niya akong hinila papaupo. Nasa parang cottage kami na may maliit na kubo rin sa likod. May nakalatag din na baso, thermos, puto, at tsokolate sa lamesa. 7:30 pa lang ng umaga at malamig pa ang simoy ng hangin, lalo na't nakaharap kami sa dagat.

"Ang ganda niya sa malapitan. Wala man lang pimples oh. Ano skincare mo?" tanong ni Dax na katabi lang ni Fin.

"Hilamos lang tas moisturizer sa gabi," nahihiya kong sagot. Nihindi ko namalayang nakahawak na pala ako sa kamay ni Solomon. Nang mapansin iyon ay agad kong kinuha ang kamay ko.

"Ngayon lang kita nakita rito. Taga-ibang baryo ka ba? O baka sa syudad ka nakatira?" kuryuso namang tanong ni Rex.

"I'm living in Manila. I'm just here in Cebu for a vacation."

Sabay-sabay silang napa-oh.

"Paano mo naman nakilala si Raphael? Woy, boss Pael! H'wag mong sabihin tinatago mo sa amin girlfriend mo ha?" maangas na bintang ni Fin sa kaibigan.

"Mukha bang katago-tago ang mukha ng girlfriend ko?" taas-kilay namang sagot ni Sol.

"Oo nga. Kung ako boyfriend ni Margaret, bakit ko siya itatago, 'no? Baka araw-araw ko pa nga siyang i-My Day e. Kahit siya pa gawin kong profile pic at cover photo," si Rex.

"Kaso hindi mo girlfriend kaya tumahimik ka," bwelta ni Ramon.

Natawa sila. Maging ako rin ay napangiti.

"E bakit nga ngayon mo lang siya pinakilala sa amin? Bago lang kayo?" tanong ulit ni Fin.

"Actually, hindi ko naman siya boyfriend. Self-proclaimed lang siya," sagot ko.

Malakas ulit silang napa-oh at walang tigil na inasar si Solomon.

"Wala ka pala e! Assuming!"

"Ni-deny ng babae. Pre, first time 'yon! Congrats!"

Nakasimangot na umirap si Sol sa mga kaibigan niya habang pigil na pigil naman ang tawa ko. Ang iingay na nila pero mukhang wala silang pakialam doon kahit na tinitingnan na sila ng mga dumadaan.

"Minsan na nga lang magkagusto sa babae, iyon pang hindi siya gusto! It really hurts, ang magmahal ng ganito," kanta ni Dax.

"She's just joking, guys," ani Sol ngunit tinawanan lang siya ng lima.

"Hindi ako nagbibir---"

Binigyan ako ng isang masamang tingin ni Solomon kaya natahimik ako. Baliw din ang isang 'to e. Ano 'to? Paninindigan niya talaga pagiging boyfriend ko? Ano? Parang noodles lang? Instant?

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon