Simula nang maitungtong ko ang aking paa sa lupa ng Cebu ay hindi na ako tinantanan ng kaba. Mas lalong sumidhi ang pakiramdam na iyon nang makarating kami sa barangay kung saan nakatira si Sol. Hanz never asked me who’s the guy we’re looking for. Hindi niya ako tinanong kung ano ang pangalan ng lalaking binalikan ko rito. Pinagsasalamat ko naman iyon dahil hangga’t hindi ko pa nakakausap si Sol ay wala akong balak ipalam sa kahit sino ang pagkakakilanlan niya.
“Dito na ba tayo?” tanong ni Sol sa akin at ni-park sa gilid ang kan’yang kotse.
Tumango ako at bumaba na. May iilang tao roon na napapatingin sa amin. May iba rin na namumukhaan ko at namumukhaan ako.
“Margaret!” masiglang bati sa akin ng isang lalaking kilala ko ang mukha pero hindi ko alam ang pangalan.
Isa siya sa mga kasama ata ni Sol sa pagpalaot. Tho hindi ko naman nakausap kahit isang beses ang lalaki ay siguradong kilala na niya ako dahil ilang beses naman na kaming nakita ni Sol na magkasama rito.
“Hi,” bati ko sa kan’ya at pilit na ngumiti.
“Buti bumalik ka pa? Sino ‘yang kasama mo? Boyfriend mo? Akala ko si boss Pael jowa mo, Margaret!” Saka siya tumawa.
Imbes na sumagot ay hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya bagkus ay nagtanong na lang din.
“Nandiyan pa ba si... Sol?” medyo mahinang tanong ko.
Pinagmasdan niya ako saglit.
“Si boss? Wala na siya rito at mga kaibigan niya. Bigla na nga lang umalis e. Kahit si Ramon na tagarito ay sumama sa kanila. Mga dalawang buwan na rin ang nakalilipas,” sagot niya. “Akala ko nga kasama mo siya. Hindi ba kayo magkasama?” Saglit pa siyang sumulyap sa kasama ko.
“Thank you,” pasalamat ko na lang sa lalaki sabay hila kay Hanz papunta sa bahay ni Sol.
I couldn’t believe what I heard. Sol left this place. 2 months ago! What does it mean? He left here after I left him? Bakit kasama pa ang mga kaibigan niya?
“Wala na raw dito ang hinahanap mo, Ana...” Hanz carefully said. “What are you gonna do next? And will you please walk slowly? Baka mapaano babies mo.”
Dahil sa sinabi niya ay kumalma ako at naging dahan-dahan na ang paghakbang.
“Iche-check ko lang dati niyang bahay,” sagot ko na hindi pa rin siya nililingon.
Nang natanaw ko ang bahay ni Sol, may sumibol na pag-asa sa puso ko nang makitang bukas iyon.
May tao!
Lakad-takbo akong nagtungo roon. Tinawag pa ako ni Hanz pero hindi ko na siya pinansin.
Nang tuluyang makalapit sa bahay ay kumabog nang malakas ang puso ko. I-Is he here?
“Ana! H‘wag kang tatakbo ulit! Baka mapaano ka!” suway sa akin ni Hanz nang makalapit sa gawi ko.
Saglit ko lang siyang nilingon bago muling tinitigan ang bahay sa harapan ko. Napalingon din doon si Hanz na medyo nakakunot pa rin ang noo.
“Bukas ang bahay... May tao kaya?” tanong niya.
“Maybe...” wala sa sarili kong sagot sabay lapit sa pintuan.
“Tao po!” sigaw ko. “Tao po! May tao po ba sa loob?”
“Wait lang po!” sigaw ng isang boses babae mula sa loob.
Natahimik ako dahil doon. Ang daming naglalarong tanong at what if sa isipan ko. Mas pinaigting pa ng sumagot na babae ang katanungan ko sa isipan.
BINABASA MO ANG
BS #2: Margarita's Pretentious Lover
RomanceBelleza series #2 | COMPLETED "I pretended because I needed you to love me back!" - Rafael Solaiman de la Fuente Ana Margarita "Margaret" Vallega was an English secondary teacher. Nang makaramdam ng pagod, kinuha niya ang pagkakataong manatali sagli...