Margarita :: 06

1.1K 36 0
                                    

Solomon still managed to ask me what I want and what I want to do despite his persistence of not talking to me casually. Talagang pinaramdam niya sa akin ang inis niya at hindi na ako pinansin buong maghapon. Nag-uusap lang kami kapag tinatanong niya ako kung may gusto ba ako. That made me decide to stay inside his house and do nothing but read instead of asking him to tour me around. Kahit na alam kong sasamahan niya pa rin ako kahit na hindi kami magkaayos kapag sinabi ko sa kan'ya na gusto kong lumabas, mas pinili ko pa ring manatili na lang sa loob. Nakakawalang gana gumala kapag ang kasama mo ay parang napipilitan lang samahan ka.

Walang imikan kami buong maghapon hanggang sa sinundo na siya ng mga kasamahan niya para pumalaot. Mas sumama ang loob ko dahil doon. Hindi sa ayaw ko siyang umalis. Ayaw ko lang siyang iwan ako rito mag-isa nang hindi kami nagkakaayos. Siya na nga may gustong dito ako patirahin tapos magtatampu-tampuhan pa siya.

Naligo saglit si Solomon at inayos ang mga dadalhin sa dagat bago ako hinarap.

"Aalis na kami," paalam niya.

Tahimik lang na naghihintay ang mga kasama niya sa labas. Simple ko lang siyang tinanguan. May hawak akong libro na nakatabon sa aking mukha para hindi niya makita ang pagsimangot ko. Ma-pride akong babae. Kung gusto niyang h'wag kaming magpansinan, e 'di hindi. Bahala siya. Baka bukas na bukas din ay aalis na ako rito. Kung ganito lang din naman, mas mabuting maghanap na lang ako ng ibang lugar na pwedeng puntahan. Hindi ko mae-enjoy ang bakasyon na 'to kung puro sama ng loob lang mararamdaman ko. Ayaw kong iyon ang ipasalubong sa mga kaibigan ko sa Manila.

Saka alam kong gusto niya ako. Pero nagsasabi lang din naman ako ng totoo na hindi talaga kami officially, 'di ba? He wants me to respect his feelings yet can't respect my decision about this so-called relationship. I told him to stop claiming me as his girlfriend, sumunod ba siya? Hindi. That's disrespectful. Did I complain? Maybe I did, but I know I won't win against him so I just let him be.

"Margaret," mariin niyang pagtawag sa akin.

Hindi ko pa rin binababa ang libro at patuloy siyang inignora. Nakahiga ako ngayon sa mahaba niyang upuan na kawayan. May unan sa likod ng ulo ko para maging kumportable ako habang nagbabasa kahit na wala naman akong maintindihan sa binabasa ko ngayon. Nihindi ako umuusad.

"Ana Margarita, I said I'm going," mas mariing aniya.

And?

"Bye. Ingat," simple kong sagot at kunwaring naglipat ng page.

Rinig ko ang malakas niyang pagbuntonghininga bago lumapit sa akin. Marahas niyang kinuha mula sa pagkakahawak ko ng libro saka iyon binagsak sa lamesa. Nakita ko pa ang pagsilip ni Fin at Rex sa amin na agad ding umiwas ng tingin nang makitang nakatingin din ako sa gawi nila.

"Ako dapat 'yong galit ngayon pero ikaw 'tong hindi pumapansin sa akin," frustrated niyang sambit.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kasalanan ko?

"I'm not leaving this house knowing you're upset, Margaret," saad pa niya.

E 'di h'wag. Hindi naman trabaho ko ang mapupurwisyo e.

He deeply sighed. "Are you seriously ignoring me?"

You ignored me first.

"Margaret."

Hindi ko pa rin siya nililingon sinubukang kunin ang libro sa lamesa pero hinarangan niya iyon. Umangat ang tingin ko sa kan'ya.

"Bakit ba? Sabi mo aalis na kayo, e 'di umalis ka na. Naghihintay na mga kasama mo sa 'yo," napipilitan kong sabi.

"I said I'm not leaving you here knowing you're upset."

"I'm not upset. I'm just not in the mood."

Bago pa man siya makasagot ay tumayo na ako. Marahan kong tinulak siya sa gilid bago kinuha ang libro ko at naglakad papunta sa aking kwarto.

BS #2: Margarita's Pretentious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon