Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 4
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
DAHIL nakalimutan kong ibigay 'yung ginawa ko kay Papa Ice, ay heto ako. Nagkakandahaba ang leeg para dumating 'yung araw ng Birthday niya para may reason akong pumunta ulit sa bahay nila.
Nahihiya na kasi akong pumunta doon at baka mahalata na ako. :D
Kaya waiting waiting nalang muna aketch! Hahahahaha! Parang ang bagal ng panahon! Excited pa naman ako!! >_<
DUMATING ang araw ng birthday ni Papa Ice. Kasama ko sina mama, pumunta kami sa house nila. Grabe! Ang daming tao.. >_<
Baka di na ako mapapansin ni Papa Ice.. ;(
Kasi ang daming mga babae! Yung iba mga galing pa yata sa showbiz kasi nakikita ko sila sa ABC 5. Sa LOKOMOKO dati, pero ngayon kasi exclusive ng sa Abs Cbn sina Papa Ice sa may Philippine X Factor. Kaya di na sila ulit pwedeng mag guest sa ABC 5.
Nakita ko si Kuya Jz na lumabas ng bahay. Kumaway siya sa'min ni mama ng makita kami, at lumapit sa'min. Matapos naming magchange ng greetings namin na check to check at hugs ay inakay na kami papasok sa bahay.
Kaliwa't kanan pa nga ang kumakausap kay kuya Jz, celebrity na kasi.. Kaya ganun.. ^__^
"Ito na pala si Ice," turo nito kay Papa Ko Ice. Grabe! May kausap siyang magandang babae.
Biglang umurong ang paa ko kasi bigla akong napahinto at ayoko ng gumalaw. Na stoke yata ang puso ko at feeling ko tuloy nadudurog ang malambot at inosenti kong puso.. ;(
Huhuhu! Nasasaktan akong may kausap siyang babae na napakaganda! Nagseselos ako!! Nagseselos ako! Uwaaahhhh T_T
"Happy Birthday, hijo." Bati ni mama na nagbeso beso. Ako naman nag durugo ang puso na nakatayo lang at nakayuko. Baka kasi mapansin nila ang malungkot kong mga mata na may namumuo pang luha. Ang drama ko no? Pero yun talaga ang nararamdaman ko.. >_<
I'm hurting and my Heart is broken! Plus Bleeding! Pwede na akong kumanta nito ng bleeding love dahil sa nararamdaman ko ngayon! Huhuhuhu ;(
Ang arte ko no! Eh hindi ko naman nobyo si Papa Ice.. ;(
"H-happy birthday!" napapitlag sabay sambit ko ng sikohin ako ni mama. Kanina pa pala ako nakayuko at kinakausap ni Papa Ice. Nagdurugo kasi ang puso ko kaya nawala ako sa katinuan.
"Thanks, wala ba akong regalo?" Nakangiting wika nito na kumaway sa isa pang babae na dumaan sa likod namin ni Mama matapos nitong batiin.
Kung bakit kasi ang daming babae dito 'e! Nakakainis! Nasira tuloy ang maganda kong mood! >_<
"H-heto, happy birthday ulit." Pilit ang ngiting inabot ko ang paper bag sa kanya. Pinalitan ko yung paper bag na dala ko noon baka kasi mahalata niya na iyon din ang dala-dala ko lastweek ng pumunta ako dito sa bahay nila.
"Wow! Thanks!" masiglang wika nito sabay tanggap ng regalo ko..
"Tara, kain na muna kayo." Ani naman ni Kuya Jz, na inakbayan ako. Samantalang naiwan naman si Papa ko Ice, kasi may lumapit nanaman na isang magandang babae!!!! >_<
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...