Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 12
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
"SABI ko, tumawag si Tita, at tungkol nga kay Kelsi." ulit ni Jz sa'kin.
"Tapos? Anong sabi? Anong tungkol kay Kelsi? Dumating naba siya? Napaaga ang uwi niya? Bakit hindi man lang ipinaalam sa'kin ni Tita? Kamusta na daw siya? Tara, punta tayo sa kanila." sunod-sunod na katanungan kaagad ang ibinato ko kay Jz at hinikayat ko pa siyang puntahan namin sina Kelsi sa bahay nila. Pero, biglang nagsalubong ang kilay ni Jz at napatawa ng mahina. Tapos, napailing pa at napahalukipkip sa harapan ko.
"Hindi mo narinig ang sinabi ko? Napangiting tanong niya sa'kin na tila na-aamuse! Tapos bigla nalang napatawa 'eh wala namang nakakatawa!
"Mukha ba akong nakakatawa?!" aniko. "Ano na?"
"Ang sabi ni Tita.." ulit nito at muling napahinto sa kakasalita tapos tumawa nanaman.
Naman! Ibinitin pa ako?! >_< Masasapak ko na talaga itong kaibigan ko na 'to 'e! Mahilig talaga itong mambitin kahit kailan! Eh hindi na nga ako mapalagay sa kinatatayuan ko may gana pa itong tumawa? >_<
"Ano? Ano na?" naiiritang ulit ko kay Jz. Ang loko! At tumawa pa ulit! Gusto ko na talaga siyang upakan para magsalita na! Nangangati na ang kamao kung umapakan siya! Pancit!! >_< "Bahala kana nga!" talikod ko nalang sa kanya at iniwang tatawa-tawa.
Kinuha ko ang cellphone ko para tumawag kina tita. Aalamin ko kung dumating naba si kelsi. Oo, si Kelsi ko! Yes! Excited na akong makita siya! At ang feelings ko? Wow! Unexplainable! Masaya akong kinakabahan! Ewan! Basta yan ang nararamdaman ko. At ng makuha ko na ang cellphone ko ay agad kong hinanap ang name ni Tita ng muling nagsalita si Jz sa likuran ko.
"Wala si Kelsi.," wika nito na siyang ikinabaling ko ng aking mukha sa kanya. "Sabi ni Tita ay hindi daw matutuloy ang pag uwi ni Kelsi.."
"Ano?! agad kong tanong sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata ko! Ganito ka laki 'uh. O.O "Bakit daw!?" dagdag ko pa nang biglang napalis ang kasayahang nararamdaman ko.
Tapos parang nanghina ako na parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko mula kay Jz. Teka! Baka pinagloloko ako ng isang 'to! Makakatikim talaga siya sa'kin pag niloloko lang niya ako. Kaya tiningnan ko siya sa mata. Mata sa mata ang
Drama naming dalawa!
(Lol, hahahaha at talagang mata sa mata? O_O uh may Shumay! :D)
Pero hindi 'e! Seryoso ang mukha ni Jz. Hindi na rin siya tumatawa na parang adik kasi wala namang nakakatawa pero tumatawa siya kanina! Instead napalungkot din ang mukha nito at napabuntong-hininga.
"Nagka-problema daw sa kompanya nila sa Canada kaya hindi siya matuloy sa pag-uwi. Bali extend daw siya ng isang taon pa.."
"Isang Taon!?" bulalas ko! Ano daw? Isang taon!? Grabe! Bakit? Ang tagal kaya ng isang taon! Para na akong mamatay sa kakahintay! Bakit ba ang lupit naman ng tadhana sakin ngayon? Mabait naman ako 'ah? Bakit kailangan pa niyang bigyan ng problema ang kompanya nina Kelsi at ipa-extend ng isa pang taon si Kelsi? Hindi ko na kaya! Ang tagal tagal ng isang taon! T_T
"Wala na tayong magagawa, kundi maghintay nalang ng isa pang taon." narinig kong sagot ni Jz. Ewan ko kung ano pa ang mga pinagsasabi nito. Hindi na yata pumasok sa utak ko ang mga pinagsasabi ng kaibigan kong ito. Kasi ang isip ko ay malayo na ang narating! Lumipad na yata papuntang Canada kasi si Kelsi lang ang laman noon. Hindi yata makahintay ng isang taon kaya lumipad na papuntang Canada ang isip ko! T_T
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...