Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 9
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
PARANG pinagsakluban ako ng langit at lupa ng matuklasan kong busy ang linya ni Papa Ice. Tapos ang puso ko parang tinutusok ng daan-daang karayum. Kasi pumasok sa isip ko kung sino kaya ang maswerteng tao ang kausap ni Papa Ice sa mga oras na ito kung bakit busy ang linya nito. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at tila nanghihina ako.
"Ice.." lihim kung sambit na nakatingin sa screen saver ng cellphone ko.
Ginawa ko kasing screen saver ang picture namin ni Papa Ice na kasama si Mojo. Yung alagang pusa ni Papa Ice na ibinigay ko sa kanya noon.
"Sino bang kausap mo ngayon?" malungkot kong tanong na nakatitig sa picture namin.
Napabuntong hininga ako at hindi ko napigilang mamuo ang luha sa aking mga mata. Ngunit mabilis kong pinahid iyon bago pa man may makapansin sa kadramahan ko. Muli ay idinayal ko ulit ang number ni Papa Ice.. At mas lalo akong nasaktan kasi busy talaga ang linya niya! T_T
Wala nabang pag asa na marinig ko ang boses ni Papa ko Ice bago ako umalis ng bansa? Ang saklap naman ng kapalaran sa'kin. Aalis na talaga akong luhaan.. Luhaan na nga ang mata mo, dagdag pa ang puso kong tila namatayan.. Uwaaaahhhhh T_T
Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa at muling ko na sanang idayal ang number ni Papa ko Ice. Ngunit nang akma ko ng idayal ay narinig ko ang boses ng babaeng naka-assign sa counter.
"Next, please.." anitong nakatingin sa'kin.
Kaya napilitan akong i-off ang cellphone ko at lumapit sa counter. Dahil sa kakaemote ko ay hindi ko napansin na wala na pala ang mga sinusundan kong pasahero. Nakaalis na at nagbubulong-bulongan na yung ibang nasa likuran ko kasi hindi pa ako umusad para lumapit sa counter.
"Your ticket, ma'am.." magalang at nakangiting tanong ng babae. Kaya kinuha ko sa aking bag ang ticket at passport ko. Ibinigay ko iyon sa babae na nasa counter habang inilagay sa rack ang aking maleta.
Ilang sandali pa ay umalis na rin ako sa counter. Pumasok na ako sa loob para tunguhin ang gate na nakasulat sa ticket ko patungo sa eroplanong magdadala sa akin papuntang Canada.
---------------------------------------
(Ice P.O.V's)
"DAMN!" mahinang mura ko na ini-off ang aking cellphone. Sino bang tinawagan ni Kelsi at wrong timing pa na tumawag ako tsaka naman ito may tinawagan!? >_<
"Kelsi!" subok kong tinawag ang pangalan niya habang kinalagpag muli ang glass wall.
Hindi ko muna kasi tinawagan ulit si Kelsi kasi nakatingin siya sa cellphone nito at tila may kausap. Siguro naka headset siya kasi hindi ko masyadong nakikita kung anong ginagawa niya. Based kasi sa ginagawa niya ay may kinakausap siya at nakatingin sa cellphone nito.
Mababatukan ko talaga ang sinumang kausap nito sa cellphone pag magkataong hindi makaalis si kelsi! Hmp! Kakaasar! >_<
Muli ay idinayal ko ang number nito habang nakatingin parin kay Kelsi na nakatayo sa hanay papuntang Airline counter. Mas lalo akonh kinabahan kasi pangalawa na si Kelsi! At pag nagakataong hindi ko pa siya makausap ay malamang matutuluyan ng mapapalayo si Kelsi sa'kin! Ohhhh!!! Hindi ko kaya! Ayoko! Ayokong mawala si Kelsi!!!! >_<
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...