Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Finale
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
NAGTATAKA ako ng biglang bumaling sakin si Papa ko Ice. At sa labi niya, may naglalarong ngiti na siyang nagpa-puzzle sa braicells ko. Oo, grabe! Ano bang naglalaro sa labi niya at parang may gagawin siya? Hmmm...
Napataas yung isang kilay ko sa kanya. Yung nagpapahiwatig ng "what?" tapos napangiti rin ako sa kanya ng muli siyang humarap sa aking magulang. Kasunod niyon ay napahugot siya ng malalim na hininga. Kasabay ng kanyang marahang pagbunga ng hangin ay may kinuha siya sa kanyang bulsa.
"Kahita? Pulang kahita?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili ng bigla na lamang may bumundol na kaba sa aking dibdib. Oh my god! Tama ba ang hinala ko tungkol sa pulang kahita? O-M-G! Napasinghap ako at ang labi ko napawang bigla. Tila na freeze sa pagkabuka, yung nakanganga kalang kasi walang lumabas na kataga sa labi mo.
Yun! Ganun ang aking drama. Lalo na nang ilabas ni Papa ko Ice ang laman ng pulang Kahita. At isa pang.. O-M-G! Singsing?! Para saan ang singsing? O_O
"Tito, Tita," tila kinakabahang sambit ni Papa ko Ice sa aking magulang. Tila nag aalinlangan siya. Pero halata naman na pursigido siya sa kanyang gagawin. Habang ako naman ay hindi makapagsalita kasi nga na freeze ang aking Lips. ^_^v
"Alam kong alam niyo kung gaano ko kamahal si Kelsi," patuloy ni Kuya Ice na tinapunan ako ng tingin at muling humarap sa aking magulang na tila nabigla rin ng makita ang singsing. "At ang tatlong taon na paghihirap ko sa paghihintay sa kanya ay sapat na siguro para sabihin ko sa kanya at sa inyo na gusto ko pong pakakasalan si Kelsi."
WOW! Pigil-pigil ko yung hininga ko ng sabay-sabay na napasinghap, ang lahat ng tao sa paligid namin. Matapos ko sabihin ang gusto kong iparating sa magulang ni Kelsi. Na gusto ko ng pakasalan ang anak nila. Dahan dahan kong pinakawalan ang pinipigil kong hangin sa aking hininga at pilit na ngumit sa kanila..
Pero teka lang! Anong nangyari? Bakit hindi sila nakapagsalita at halos lahat sila ay nakaawang ang mga labi? Okay lang ba sila? O masyado silang nabigla sa sinabi ko? Pero..sincere naman ako sa sinabi ko ah? Bakit? Ganun na ba kalakas ang impact ng sinabi ko sa kanila? O_O
"T-tito, Tita," anikong nilingon muna si Kelsi. Tila nasa state of shock parin yata pati si Kelsi dahil nakaawang parin ang labi niyang nakatitig sa'kin. "I'm serious.." napatawang dagdag ko at napabuntong hininga. Paano ko ba eexplain sa kanila ang lahat na gusto ko ng pakasalan si Kelsi? Na hindi ako nagbibiro sa salitang binitawan ko?
"I-ice.." si Kelsi na siyang unang nakabawi sa lahat ngunit tila hindi parin makapaniwala ang expression ng kanyang mukha. Napailing pa ito na parang hindi alam ang sasabihin sa mga oras na iyon. Yung parang natatawa siya at may gustong sabihin pero hindi naman nakakapagsalita. Bagkos ay napaawang ang labi niya at muling sumara. Kasunod noon ay napailing nanaman.
Yun lang ba ang matatanggap ko na sagot mula sa kanila? Awang lang ng labi at iling? Yun lang ba yun? Hindi ba nila alam na dinadaga na ang aking dibdib? Paano kung masyado nga akong napabilis sa moves ko? Paano kung ayaw nilang pumayag dahil sa sarili kong kagustuhan? Lalo na si Kelsi na kakaharap nga lang namin ay niligawan ko na agad. Hindi lang basta ligaw..itinudo ko pa sa proposal.
Eh anong magagawa ko 'e yun ang gusto ng puso ko? Masama ba na sabihin ko sa kanila ang aking kagustohan? Na hindi lang basta girlfriend ang gusto ko kay Kelsi kundi gusto ko siyang maging asawa at siya lang ang gusto kong magiging ina ng aking mga anak.
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...