Part 21

2.3K 56 2
                                    

Bakit Di Totohanin

By: CatchMe

Part 21

"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.

https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050

WOW! Speechless ang drama ng lola niyo dahil sa sumalubong sakin. Tama ba ang nakikita ko? Si Papa ko Ice ay este si Kuya Ice nasa garden namin? At may hawak-hawak na boquet of fresh red roses? Para kanino ang roses na hawak nito? At bakit nasa akin siya nakatingin? Pero teka lang! Sigurado ba ako na ako ang tinitingnan niya? With a sweetest smile na nakaplaster sa labi niya?

Tumingin ako sa left side ko, walang tao. Sa right side ko naman ay si kuya Jz. Para kay Kuya Jz ba ang red roses na hawak ni Kuya Ice? Malamang, malaking HINDI! Ano? Isa sa kanila Vaklush? O_O Imposible!

Kaya lumingon ako sa aking likuran! Ngunit wala din namang tao! Maliban nalang sa asong dumaan! So meaning, para sa'kin ang roses? O_O

OMG!!!!!

"Tara, na." Si Kuya Jz na bahagya akong itinulak ng mahina! Paano kasi, para akong ipinako sa'king tinatayuan! Ayaw gumalaw ng mga paa ko dahil sa pagka-shock! What's wrong with these people na nasa paligid ko? O_O

"Teka--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng maagaw ng aking atensyon ang sumalang na musika.

Musika?? Saan nanggaling ang musika? Napabaling ako sa kaliwang bahagi kung saan nagmumula ang musika. And..

"Wow!" Bulalas ko ng biglang magliwanag ang paligid!

Sumalubong sa'king paningin ang iba't ibang kulay ng nagkikislapang christmas lights. Oo! As in christmas lights ang umiilaw sa paligid! Gusto kung isipin na christmas time ngayon pero hindi eh! Kasi September palang ngayon at malayo pa ang december!

At nakakatawag ng aking pansin ay sina Mama, Papa, at kapatid ko na masayang nakatanaw sakin. Na para bang kinikilig na tila excited. Hindi ko maipaliwag ang kasayahang nakabalatay sa mga mukha nila. Basta base sa mga ngiti nila ay masaya sila.

Ano ang ibig sabihin nito? O_O

Mabilis akong napalingon sa tinatayuan ni Kuya Ice. OH MY GOSH!!!! Dahan dahan siyang humahakbang papalapit sa'kin. Habang hawak sa kalewang kamay ang boquet ng Red Roses! At sa kanan, may microphone..

Microphone? Bakit siya may microphone na hawak? At ang music background..

OH MY GOSH!!!!! At isa pang OH MY GOSH!!!!!

Manghaharana ba sa'kin si Kuya Ice? Pero bakit? Nagugulohan ako! O_O

Hindi ako makapagsalita at nanatili akong nakatayo. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ng may kumanta.

And wow!!

Sa likuran nina mama, lumabas sina Kuya Gerald, Raffy at Neo.. Habang kumakanta ng favorite song ko na "Fall for You"

"The best thing 'bout tonight's that we're not fighting

Could it be that we have been this way before?" si kuya Gerald na nakangiting nakatanaw samin.

"I know you don't think that I am trying

I know you're wearing thin down to the core" si Kuya Raffy naman na nakangiti din.

Bakit Di Totohanin (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon