Part 18

2.2K 51 2
                                    

Bakit Di Totohanin

By: CatchMe

Part 18

"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.

https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050

Author's Note:

Pasinsya na Readers ha? Kasi sinaniban ako ng katamaran sa pagsulat..hahahaha hindi kasi ako inspired at ang hirap abutin ng inspirasyon ko. Eh alam niyo naman na ang inspirasyon ko para ganahan akong magsulat ay yung makahimas muna ako sa ABS ni ENRIQUE IGLESIAS.. Hahahaha! Charoot lang.. ^___^v

SHAKS! Grabe! Nabigla nanaman ako ng walang kaabog-abog na niyakap ako ni Kuya Ice. What's wrong with him? At kung makayakap ay wala na yatang bukas. O_O

"I missed you.."

Tila namanhid ang katawan ko ng maramdaman ang mainit na hininga ni kuya Ice ng bumulong siya sa tenga ko. Parang nakakapanindig balahibo lang. At ang heart ko? Wow! Ang lakas ng kabog! Hindi lang kumakabog-kabog! Kundi nag ju-jump jump pa yata! Oha!

Ikaw ba namang pagbulungan ng nami-missed kana niya anong mararamdaman mo? Ewan ko lang sa inyo! Basta ako? Wow ulit! To the highest level ang kabog-kabog drama ng aking puso! <3 Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap ka muli ng taong nagpapahirap sa kalooban mo ng ilang taon. Dagdagan pa ng linyang namimiss na niya ako.. Edi ako na ang masaya! :D

"K-kuya Ice?" nagtatakang kumalas ako sa kanya. And this time, sinalubong ko ang kanyang mga titig! Titigan drama nanaman kami. At ngayon ay nagsukatan kami ng mga titig. Ako? Ayokong sumuko. Sinasalamin ko sa mga mata niya ang sinabi niyang nami-missed niya ako. Totoo ba iyon? O guni-guni ko lang? Kailangan ko ng kumpirmasyon mula sa kanya. Kailangan kong marinig ulit ang sinabi niya. Dapat loud and clear para maniwala akong hindi ko lang guni guni iyon!

"I missed you.." mahinang sambit ni Kuya Ice. Yung tila paos ang boses niya ng sambitin yun..

Uwaaahhh! Ako naman parang gustong mangisay ng katawan ko dahil sa kilig. Pigil pigil ko ang sarili kong yakapin at paliguan ng halik si Kuya Ice dahil sa sinabi niya. Pero hindi ko pwedeng gawin yun! Kakahiya! Baka isipin niya napaka-liberated ko na. >_<

Pero atin-atin nalang ito ha? Habang wala pang lumalabas na salita sa labi ko ay napamaang lang akong nakatingin kay kuya Ice. Yung tila naghihintay pa ako ng susunod niyang sasabihin.

Pero deep inside, alam niyo ba ang feeling ko? Hahahahaha!

To the highest level ang sayang nararamdaman ng Lola niyo! Oo! Ang saya-saya ko! Pero para akong artista! At pwede na yata akong koronahan bilang best actress dahil sa aking drama.

Akalain niyo yun, nagawa kong tumingin lang sa mukha ni kuya Ice na hindi naipapakita ang tunay kong nararamdamam. Na kahit gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit at paliguan ng halik ay hindi ko naipakita ang tunay kong nararamdaman na iyon. Kasi nga best actress ako! Hahahaha!

Humay heart! Umayos ka! Concentrate! Concentrate! Concentrate! Concentrate!!

Balik tayo sa eye to eye drama namin ni Kuya Ice. Kasi lumalayo na ang takbo ng utak ko. Hahahahaah ^__^v

"Ayaw mo bang maniwala na namiss kita ng sobra?" tila may halong tampo na ulit ni Kuya Ice ng wala siyang narinig na sagot mula sakin! Pa'no kasi? Shocked ang lola niyo? ^_^

Napailing ako dahil wala akong maisip na isagot sa tanong niya. Nagugulohan ako at pati puso ko nalilito. Kung namimiss ako ni Kuya Ice, ibig sabihin ba 'nun ay love niya ako? O_O

Bakit Di Totohanin (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon