Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 20
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
PAKIRAMDAM ko ng mga oras na ito ay nasa langit ako dahil sa sobrang kasayahan. Paano ba naman eh nahalikan ko si Kelsi kanina. At masaya ako kasi hindi siya tumanggi o sinampal ako saking ginawang panghahalik sa kanya. Na ibig sabihin ay mahal niya ako. Kasi kung hindi 'edi sana itinulak niya ako o di kaya ay sinampal. Pero hindi niya ginawa iyon kaya masaya ako saking natuklasan na mahal parin niya ako.
Ewan ko ba at kung bakit hindi ko napigilan ang aking sarili kanina. Nakaramdam kasi ako ng takot kanina na baka pagtalikod ko ay biglang mawala si Kelsi. Kaya tulak ng aking pangungulila sa kanya at kagustohan ng aking puso ay nahalikan ko siya ng wala sa oras.
Buti nalang at walang tao kanina sa dressing room. Kaya malaya kong nahalikan si Kelsi ng walang pag aalinlangan. :D
Hay..ang gaan gaan ng aking pakiramdam habang kumakanta kasama ang mga kaibigan kong members din ng TAKEOFF. Feel na feel ko talaga ang pagkanta na para bang kinakantahan ko lang si Kelsi. At kahit na nasa stage ako ay parang wala lang sa'kin. Hindi ko ininda yung sobrang ingay dahil sa hiyawan ng mga tao sa paligid habang kumakanta kami.
At habang kumakanta ako ay naglalakbay naman ang aking isipan. Kailangan kong gumawa ng move ngayon para makapagtapat na ako kay Kelsi. Kailangan romantic ang dating at magugustohan niya ang gagawin ko. Hmmm.. At kakailanganin ko ang tulong ng aking mga kaibigan para sa gagawin kong pagtapat kay Kelsi mamaya.
Napangiti ako sa'king naisip at lihim na napailing. Mamayang gabi, sisiguraduhin kong magiging kami na ni Kelsi. I swear..
HINDI ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakatanaw lang sa kawalan. Ni hindi ko nga rin namalayan na tapos na palang kumanta sina kuya Ice kung hindi pa ako nabigla ng sabay-sabay ang mga itong pumasok sa dressing room.
Masasaya ang mga mukha ng mga ito at ang ingay ingay pa. Napayuko ako at pasimpleng napaupo sa isang bakanteng silya. Maya-maya ay napaangat ako ng aking mukha at nakita ko si Kuya Ice na kausap si kuya Jz.
Tila may masinsinan silang pinag-uusapan dahil seryoso ang mukha nilang dalawa. Samantalang ang iingay nina kuya Raffy, Kuya Gerald at Neo na halatang halata na masasaya dahil sa feedback ng kanilang mga fans.
Ilang sandali pa ay pumasok din sa dressing room si Sir James at isa-isang binati sina kuya Ice for job well done.
Matapos ang sandaling batian ay napansin ko namang kinausap din ng masinsinan ni kuya Ice sina Kuya Raffy at Neo. Habang kausap naman ni Kuya Jz si Kuya Gerald.
Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito at tila napakaseryoso ng mga mukha ng mga ito.. Hmmmm.. Ang weird nila. Ngayon ko lang napansin ang seryosohang pag uusap ng mga ito. Siguro napakaimportante ng kanilang pinag-uusapan kaya ganun na lamang kung mag usap ang mga ito.
Naagaw ang aking pansin ng magring ang cellphone ni Sir James. Tsaka ko naalala na baka nag alala na si Mama sakin kaya agad kong kinuha ang aking cellphone sa bag at ini-on iyon.
At tama nga ang hinala ko, dahil meron akong three mesaages galing kay mama. Two missed call from kuya Mark and..wow! Ten missed call from Kuya Ice? O_O
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...