Part 5

2.6K 54 2
                                    

Bakit Di Totohanin

By: CatchMe

Part 5

"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.

https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050

NAGUGULOHAN ako at tila nacoconfused sa paraan ng mga titig ni kuya Jz. Hindi ko kayang salubongin ng matagal ang titig na yun kaya napayuko ako.. Tapos narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.. Tapos napabuga ng hangin at muling nagsalita.

"May feelings ka kay Ice, no?"

Oh-May-Gad!!! Nanlaki ang mga mata ko ng ganito ka laki! O.O

Ganun na ba ako ka transparent? O sadya lang bang, di ako marunong magtago ng tunay kong nararamdaman?

Hindi ako nakapagsalita at di makagalaw dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na yun. Nagugulohan ako at nahihiya. Napalunok ako ng laway at napapikit ng mariin kasi nag iinit nanaman ang mukha ko. Pati yung batok ko nang-iinit. Grabe lang. T_T

Pinilit kong magsalita pero walang may lumalabas na kataga sa'king labi. Parang may nakabarang sa lalamunan ko at tila nasasakal ako..

"Diba? May feelings ka sa kanya.." ulit ni kuya Jz. This time, ay nakatingin nanaman siya sakin. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko para umiwas. Kasi ayokong sagutin ang tanong niya at baka pagtawanan ako. Pero, paano ako makakaiwas? Eh parang na trap na nga ako ni kuya Jz.

I dont have an any choice..but to tell him the truth.. T_T

"K-Kuya.." anikong napakagat labi kahit ang lakas ng tibok ng aking puso.. Nanginginig ako na hindi ko maintindihan.. "Kuya Jz, anong gagawin ko?"

Damn! Nagugulohan na ako at di ko alam kung ano yung mga sinasabi ko. Sinagot ko ba ang tanong ni kuya Jz? O sinagot ko ng tanong ang tanong niya? Ewan! Nagugulohan kasi ako! >_<

Dahil sa tanong ko kay Kuya Jz ay narinig ko muling napabuga siya ng hangin. Yung parang tumamlay ang kanyang katawan. Yung parang nabigo sa pag-ibig. Oo, parang ganun ang tingin ko sa kanya. Para siyang nabasted ng wala sa oras. Yung hindi inaasahan kaya siya tumamlay ng ganun. Kawawa naman si Kuya Jz. Bakit kaya? Nagugulohang tanong ko sa sarili.

Napakibit balikat na lamang ako ng hindi ko rin makuha ang sagot sa tanong ko.. >_<

"Gusto mong sabihin ko sa kanya na gus--"

"Huwag!" bigla salo ko sa sasabihin pa sana ni Kuya Jz. Natatakot kasi ako baka masira ang pagkakaibigan namin pag nalaman niya na gusto ko siya. Na mahal ko siya. Kaya ayaw kong malaman ni Papa Ice iyon. Hindi ko kayang masira ang pagkakaibigan namin.

Paano nalang pag iwasan niya ako? Masasaktan ako at tiyak kong mawawasak din ang Puso ko.. ;(

"Ano ang plano mo ngayon?" ani na lamang ni kuya Jz na hindi ako tinapunan ng tingin..

"Hindi ko alam.." tanging sagot ko lamang na napabuntong hininga..

MABILIS dumaan ang oras, araw, linggo at naging isang buwan ng hindi ko nakikita si Papa Ice. Maging si Kuya Jz, ay madalang nalang kaming nagkikita. Busy na kasi sila dahil lumalabas sila sa X Factor.

Isang araw nagtxt ako kay Kuya Jz kung kamusta na sila. Nagreply naman siya na okay naman kahit sobrang hectic ang kanilang schedule. Tuwang tuwa pa ako ng anyayahan niya ako na pumunta sa house nila dahil may munting salo-salo daw sila as a celebration dahil sa success nila sa kanilang career. Although hindi man sila ganun kasikat tulad ng ibang banda ay nakakasilip naman sila ng pag asa ng tagumpay.

Bakit Di Totohanin (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon