Part 16

2.2K 44 2
                                    

Bakit Di Totohanin

By: CatchMe

Part 16

"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.

https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050

"MORNING po, Tita. Si Kelsi po?" agad na salubong ko kay Tita ng makapasok na ako sa bahay nina Kelsi. Hindi talaga ako mapalagay kasi excited na akong makita siya kahit na nakaramdam ako ng kunting kaba.

Oo, naghalo-halo na yung nararamdaman ko dahil sa excitement at kunting kaba lang. Paano kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula pag nag-usap na kami ni Kelsi. Kailangan bang aminin ko kaagad na mahal ko siya? Ewan! Nagugulohan pa ako sa ngayon. Pero isang bagay lang muna ang gusto kong mangyari ngayon. At iyon ay ang makita muli si Kelsi.

"Naku Ice, kanina pa nakaalis si Kelsi.."

"Po?" gulat na sambit ko. Grabe naman 'to 'uh! Minamalas na talaga ako! >_

"Magkikita daw sila ng kaibigan niyang si Sarah. Yung kasamahan yata niya sa trabaho sa Canada na naunang umuwi ng bansa. At ewan ko ba sa batang 'yun, ayaw magpasama sa kuya niya.." napailing na kwento ni Tita.

Samantalang ako naman ay naiinis na sa sarili ko! Paano kasi at tinanghali na ako ng gising! Kakainis talaga! Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa aking kamalasan.

"Mga anong oras daw po siya babalik dito, Tita?"

"Hindi sinabi sa'kin 'e. Baka maya-maya lang ay uuwi din 'yun."

"Ganun po ba?" matamlay kong sambit.

"Bakit 'di mo tawagan" maya-maya ay sabi ni Tita.

Kaya lumiwanag naman ang aking mukha at napangiti. Napailing pa ako na kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon. Minsan talaga pag ukopado na ni Kelsi yung utak ko ay hindi na ako makapag-isip ng maayos. Yung mga bagay na pwede ko naman siyang tawagan. Pero hindi ko na naisip kasi yung iniisip ko lang ay yung magkikita kami.

Nakakaasar lang kasi kung saan na excited na akong makita siya ay siya pang hindi ko siya makita. Yung parang pinaglalaruan lang ako! Na parang may hadlang! Ewan! Baka pinaglalaruan ako ng tadhana! Kasi ang dami daming balakid bago kami magkita ni kelsi! Nakakaasar lang talaga!

Nakangiti akong agad na idinayal yung number ni Kelsi. At ilang segundo lang ay napalis ang ngiting nakapaskil sa labi ko!

Paano kasi? E' off yung celphone ni Kelsi! Nakakainis! >_

Inis akong napatingin sa hawak kong cellphone! Nangangati ang kamay kong itapon iyon dahil sa sobrang asar! Oo! Sobrang asar talaga ako! Parang nanadya talaga ang panahon! Yung parang ayaw ipakita si Kelsi sa'kin! Na kahit marinig ko lang ang boses niya ay hindi pa ako pinahintulutan na marinig iyon! Ganun na ba ako kasama para ipagkait sakin ng panahon ang muling pagkikita namin ni Kelsi? >_

Mariing napapikit ako ng aking mata. Yung labi ko nakatikom ng mariin! Tapos humugot ako ng hangin sabay buga. Na sa paraang iyon ay mababawasan yung sobrang asar na nararamdama ko!

"O, bakit?"

Napaangat ako ng tingin kay Tita at nakita kong nakakunot ang noo nito. Malamang nagtataka iyon sa ekpresyon ng aking mukha. Kaya muli akong napabuntong hininga at napakamot sa'king ulo.

"Unattended, tita."

"Ha? Ganun ba?"

Napayuko na lamang ako kay tita bilang sagot at hindi nagtagal ay nagpaalam narin ako na uuwi na muna. May show pa kasi kami mamayang alas dos 'y medya ng hapon sa Skydome sa Sm North Edsa.

Bakit Di Totohanin (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon