Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 8
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
"T-TITA, si Kelsi po?" agad kong tanong kay Tita. Ang mama ni kelsi na kasama si Mark na kuya nito.
"Ice, kakapasok lang ni Kelsi,"
"Po?" mas dumoble yung kaba ko. Nagugulohan ako at tila hindi ko na alam ang gagawin ko. Tuluyan na bang lalayo si Kelsi sa'kin?
"Oo, kakapasok lang niya sa Departure Area. Bakit? M-may kailangan kaba sa kanya?" tanong ni tita.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na nandito ako para pigilan si Kelsi? Na ayaw kong umalis siya dahil mahal ko siya? Argh! Sumasakit ang ulo ko! Nagugulohan akong kinakabahan. Parang nanghihina ako at hindi ako makapagsalita. Nasa isip ko kasi na tuluyan na akong iwanan ni kelsi at lumayo sa'kin. Lumayo siyang hindi nalalaman yung tunay kong nararamdaman sa kanya.. ;(
"Ice," napapitlag ako ng maramdaman kong humawak sa braso ko si Tita. Napatingin ako sa kanyang mukha at nakikita kong malungkot siya. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi naman nito masabi. Bagkos ay napabunong hininga na lamang siya.
"Tita, kailangan kong makausap si Kelsi. Hahabulin ko po siya--"
"Ice," putol ni tita sa sasabihin ko pa sana. Muli ay napabuntong hininga siya. "Alam mo naman siguro kung bakit aalis si Kelsi diba?" malungkot ang boses na wika nito.
"Tita.." tanging sambit ko na lamang kasi nagugulohan ako. Natatakot na kinakabahan. Parang wala talagang kataga na lalabas sa labi ko sa mga oras na yun. Ang tanging nasa isip ko lang ay gusto kong makita si Kelsi. Gusto ko siyang pigilan para manatili sa tabi ko. Pero paano? Nasaan naba si Kelsi? Gusto ko siyang habulin pero nakahawak sa'kin si Tita.
"Tita," ulit kong sambit at mariing napapikit. Humugot ako ng malalim na hininga. Tapos napabuga ng hangin para mabawasan yung parang nagbabara sa kung anuman sa aking lalamunan. "M-mahal ko po si Kelsi, Tita. Mahal ko po siya." at yun! Sa wakas nasabi ko rin ang dapat kong sabihin.
"Ice?"
Nagsalubong ang kilay ni Tita. Tapos maya-maya lang ay unti unting lumiwanag ang mukha niya. Tapos napangiti siya, at niyakap ako ng mahigpit.
"Tita, kailangan kong makausap si Kelsi, kailangan ko siyang pigilan.." anikong humiwalay sa pagkakayakap kay Tita.
Tapos nakita kong may namuong luha sa mata si Tita. Hindi naman siya malungkot. Katunayan nga ay nakangiti siya na parang maiiyak. Hindi ko maintindihan, siguro yun ang tinatawag na tears of joy.
"Tara, habulin natin." wika ni Tita na hinila ako papunta sa Departure Area. Pero syempre, hindi naman kami makakapasok kasi wala naman kaming passport at ticket. Baka lang kako maabutan pa namin si Kelsi sa detection and xray machine section. Sana nga..sana maabutan namin. Lihim kong dalangin.
"Wala na siya, nakapasok na siya sa loob!" sambit ni Mark ng marating namin ang gate o entrance papasok sa departure Area.
"Naku, paano na yan?" sambit naman ni tita.
Ako naman ay parang nawawalan na ng pag-asang mapigilan si Kelsi sa pag alis. No! Hindi maari! Hindi maaring makaalis si Kelsi! Kaya pumasok ako sa entrance kahit na pinigilan ako ni Tita.
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
أدب الهواةBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...