Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 14
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
NAPABUGA ako ng hangin para gumaan 'yung parang nakadagang nararamdaman ko sa dibdib. Para kasi akong hindi makahinga dahil sa sobrang kaba. Nauna ng bumaba sina Papa at kuya Mark, sumunod na rin si mama at ako nalang ang natira sa sasakyan.
Parang ayaw kong gumalaw para bumaba. Natatakot kasi ako na hindi ko talaga maintindihan. Mahirap ipaliwanag! Basta ang alam ko malakas ang tibok ng puso ko. Nakakabingi at tila nawawala ako sa sarili ko dahil gulong gulo ang utak ko.
"Tara na," katok ni Mama sa nakasarang bintana ng sasakyan.
Napatingin ako sa labas at kitang kita kong may mga tao nga sa bahay. Mga malalapit kong mga kaibigan at kapamilya. Biglang nangatog ang tuhod ko sa isiping nasa loob din ng bahay si Papa ko Ice.. Pero bahala na! Kailangan kong labanan ang kabang nararamdaman ko. Sana lang ay maging okay na ang lahat. Na sana ay malampasan ko rin ito.. At sana ay huwag ng banggitin ulit ni Papa ko Ice ang kabaliwan ko noon.. T_T
BUMABA na ako sa sasakyan at nakangiting humakbang papasok sa gate namin. Nauna na si Papa at Kuya Mark na hila-hila ang aking maleta. Habang masayang nakaakbay naman si Mama sa'kin na kapwa kami nakasunod sa likuran nina Papa at Kuya Mark.
Hanggang sa makapasok na nga kami sa gate at masaya kaming sinalubong ng aming kapamilya.
Yakapan, kamustahan at kunting chicka-chicka habang papasok kami sa bahay. Kahit na sa kaloob-looban ko ay naco-concious ako sa isiping nasa paligid ko si Papa Ice. Ayokong tapunan ng tingin ang nasa paligid ko. Natatakot kasi ako na magtama yung mata namin ni Papa Ice kung saka-sakali. Kaya pinanatili ko na lamang na nakayuko ang mukha ko at kunyaring deadma ang drama.
Napahinga ako ng maluwag ng tuluyan na kaming makapasok sa at hindi ko nakita si Papa Ice. Nagtataka man na hindi ko siya nasilayan ay hindi ko parin maipagkait na parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Lalo na ng sinabi ni Mama na wala daw sina Kuya Jz at papa Ice dahil may unexpected silang pinuntahan related sa Showbiz Career nila.
Wow lang ha! As in wow lang talaga! Parang nakiayon kasi sakin ang panahon! Paano kasi kanina pa ako hindi mapalagay sa muling pagkikita namin ni Papa Ice! Buti nalang at may importante silang pinuntahan. Nakahinga ako mg maluwag ngayon!
Kaya nahing hyper ang ating bida.. :)
Sumigla yung katawan ko at nakaramdaman ako ng kasayahan sa nalamang wala si Papa Ice sa bahay! Kaya naman ang pusong kinakabahan ko ay biglang nagrelax!
Masaya kong nilapitan yung mga tita ko at mga pinsan na nasa bahay. Na kanina ay halos hindi ko magawang tingnan dahil sa takot na baka magtama ang paningin namin ni Papa Ice. Buti nalang talaga at wala sila!
DUMAAN ang mga oras hanggang sa gumabi na. Nag ayos na ako para matulog. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Dagdagan pa ng utak ko na tila pagod din dahil sa kakaisip kanina sa muling pagkikita namin ni papa ko Ice.
Kaya mabilis ang mga galaw ko na pumasok sa banyo para makapaglinis ng katawan. Gusto ko ng ihiga sa kama ang pagod kong katawan para makapag pahinga naman. Maaga kasi akong aalis bukas para magkita kami ng kaibigan kong si Sarah.
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanfictionBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...