Bakit Di Totohanin
By: CatchMe
Part 13
"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.
https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050
A/N: pag may Typo's, huwag niyo nalang pansinin dahil tamad na akong mag edit... T_T
GRABE! Kanina pa ako hindi mapakali. Paano kasi ilang sandali nalang ay makikita ko na si Papa ko Ice! Natatakot ako na kinakabahan. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko 'to nararamdaman pa. Para akong nahihiya na may kinakatatakutan! Kainis naman kasi sina Brian at Sarah eh! Nauna pa silang umuwi kesa sa'kin! Sabi ko kasi sa kanila noon ay sabay na kami. Kaya lang nagka-aberya sa ticket namin at nauna silang umuwi sa Pinas kesa sa'kin. Ayun tuloy mag-isa nalang akong bumiyahe.
Napahugot ako ng malalim tapos napabuga ng hangin habang naglalakad sa arrival area ng NAIA. Kakalabas ko lang kasi sa eroplano. Napapansin kong nanlalamig ang kamay ko at nangangatog naman ang tuhod ko! Oh diyos ko! Kinakabahan talaga ako! T_T
Bakit ba kasi ang bilis ng takbo ng panahon? Parang kailan lang ng lisanin ko ang Pinas. Tapos hindi ko na nga namalayang tapos na ang kontrata ko at naghanda na akong umuwi kahit na nag-aalinlangan akong umuwi ng Pinas. Natatakot kasi ako sa muli naming paghaharap ni Papa ko Ice. Feeling ko ay wala akong mukhang ihaharap sa kanya dahil sa sinabi ko noon. Kaya instead na umuwi matapos ang tatlong taon kong kontrata sa Canada ay nakiusap pa ako sa boss namin na kung pwede ay mag extend ako ng isa pang taon.
Buti nalang mabait yung boss namin at pinagbigyan ang aking pakiusap. kaya ayun, napigilan ko ang muli naming pagkikita ni papa ko Ice. Pero ngayon? Hay naku! Walang kawala na talaga ako! At talagang maghaharap na kami.
Sana hindi na niya maalala yung kabaliwan ko noon. Yung pag amin ko ng lihim kong nararamdaman sa kanya. Kung alam ko lang sana na ikakasira 'yun ng pagkakaibigan namin, 'edi sana ay di ko na inamin sa kanya na mahal ko siya. Pero..anong magagawa ko e' sa tumibok ang puso ko sa kanya 'eh! Tsaka, tapos na rin yun! Nasabi ko na ang hindi ko dapat sinabi sa kanya at isa pa, matagal nanamang nakalipas 'yun! Panalangin ko nalang sana ay kinalimutan na ni Papa ko Ice iyon.
"Hah! Bahala na!" mahinang sambit ko sabay pilig sa'king ulo. Bahala na kung ano man mangyari sa muli naming pagkikita. Sana lang ay masagip ako ni Batman! Ah ewan! Napapraning na yata ako! Kung saan saan na kasi nakaabot yung mga iniisip ko 'eh!
Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na'to? Malay ko ba kung hindi naman iniisip yun ni Papa ko Ice, diba? Tsaka malay ko ba kung ako lang pala itong si praning na nag-iisip ng kung ano-ano. Pero.. Paano kasi, ayaw mawala sa isip ko yung minsang sinabi sa'kin ni Papa ko Ice sa message. "I'm dying to see you again" daw?
Oh-em-gee! Kinakabahan ako! >_<
oh please! Please! Please, Kelsi! Huwag ka ngang praning! Saway ko sa nagpapanic kong utak! Paano kasi parang praning na talaga ako!
"KELSI!"
Napalingon ako ng marinig ko ang panilyar na boses. Si mama na masayang kumakaway sa'kin kasama ni Kuya Mark at si Papa. :) Lumiwanag yung mukha kong pumihit papalapit sa kanilang direksyon. At paglapit ko ay masaya at mahigpit akong niyakap nina Mama at Papa. Yung sobrang higpit na para ngang nadudurog na yung buto ko! :D
Grabe talaga itong sina mama at papa kung makayakap sa'kin. Akala mo wala ng bukas. :)))))))))
"Kamusta kana, baby?" naluluha pang sambit ni mama na hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan dahil sa aking pagdating. Tapos panay pa ang halik niya sa'kin na akala mo ay isang batang nawawala ang kanyang nakaharap. :) Hay si mama talaga.
BINABASA MO ANG
Bakit Di Totohanin (Complete)
FanficBasahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest level daw.. Ewan ko lang sa kanila ha.. Kasi yun naman ang madalas nilang icomment sa Page ko.. Hahahah...