Part 15

2.2K 36 0
                                    

Bakit Di Totohanin

By: CatchMe

Part 15

"All stories posted on this page is written by CatchMe Arnaiz, herself. If ever you saw this story outside our page without any permission, please notify one of the Admins. Let us all help educate everyone that copy/pasting is a BIG NO NO. Please support our campaign and like us on "Say NO to Copy/paste" Page.

https://www.facebook.com/pages/Say-NO-to-CopyPaste-merging-page/327238773988050

NAPABUGA ako ng hangin habang hinihintay ang pagsagot ni Kelsi sa tawag ko. Pero ilang beses ng paulit ulit na nagri-ring 'yung cellphone niya pero hindi parin sumagot. "Tulog na kaya siya?" tanong ng isipan ko. Kasabay 'nun ay tila nanamlay ang katawan ko.

Hanggang sa maputol yung ring at operator na ang nagsalita sa kabilang linya. Kaya matamlay ang katawan na kinancel ko na lamang yung tawag ko kay Kelsi. Napabuntong hininga akong ipinatong 'yung cellphone ko sa kama at muling napabuntong hininga. Sayang kasi 'di ko siya nakausap. Hindi ko man lang narinig ang boses niya. :(

Hindi bali, bukas makikita ko nanaman siya. :) ilang oras nalang naman eh. Agahan ko nalang ang gising bukas para makapunta kaagad ako sa kanila. Para makita ko na si Kelsi at mayakap. Nang sa ganun ay masabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Yung nararamdaman ko na..

Mahal ko siya..

Oo, mahal na mahal ko si Kelsi. Parang hindi na nga ako makapaghintay pa ng bukas 'eh na makita ko siya. Pero wala na akong magawa.. Kundi magtiis ng ilang oras para muli siyang makita.

Napahiga ako sa kama at napatitig sa puting kisame. Maya-maya ay gumuhit 'yung ngiti sa'king labi ng pumasok sa isip ko si Kelsi.. Paano kasi hindi ko lang mapigilang mapangiti tuwing naiisip ko si kelsi! Ewan ko ba! Basta napapangiti lang ako pag naaalala ko siya. Haayy--sana umaga.. :)

MAINGAY na tunog ng aking cellphone ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog. Parang sasabog ang ulo ko dahil antok na antok pa ako. Sino bang walang puso ang nang-iistorbo sa maganda kong tulog? Kakainis naman 'uh! >_<

"ANO ba?!" inis kong sambit sabay takip sa'king mukha ng unan para hindi ko marinig 'yung ingay ng cellphone.

Pero patuloy parin iyon sa pagri-ring. Kaya kahit antok na antok pa ako ay napilitan akong alisin yung unan na nakatakip sa'king mukha. Tapos dahan dahang napamulat ako ng aking mga mata at sumalubong sakin ang liwanag ng araw kaya muli akong napapikit, maliban kasi sa mahapdi pa ang mata ko dahil sa kulang sa tulog ay sumasakit din ang ulo ko! Umaga na kasi ako dinalaw ng antok. Kaya heto, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. >_<

"Hello, morning." mahinahong sinagot ko sa tumawag sa'kin sa kabilang linya matapos kong abutin 'yung cellphone ko sa bedside table.

Sumalubong sa'kin ang malakas na sigaw sa kabilang linya dahilan ng paggising ng aking diwa. Grabe! Pati ang nahihimbing sa pagtulog kong mga ugat ay nagising yata dahil sa lakas ng sigaw sa kabilang linya. Ang kapatid kong si Neszie na akala mo ay nanalo ng isan-daang milyong piso sa Lotto. Grabe kung makasigaw talaga ito! Parang daig pa ang serena ng bombero. >_<

"Teka-teka, pwedeng dahan dahan kalang sa pagsasalita? Hindi kita maintindihan." sambit kong bahagyang inilayo ang cellphone ko saking tenga. Paano kasi parang mababasag na ang eardrums ko sa kapatid kong 'to!

"Ano?!" bigla kong bulalas ng marinig ang sinabi niya. "Nagbibiro kaba?" dagdag kong tanong. "Kanino? Sigurado kaba? Uy Neszie, alalahanin mo bata kapa.." pangaral ko pa sa kanya.

Paano kasi engaged na raw siya sa boyfriend nitong si Richard Aquino daw. Uunahan pa yata ako sa pag-aasawa! Aba, hindi ako papayag na mauunahan niya ako no! Ako ang kuya at ako ang mas matanda, kaya dapat lang na ako ang maunang makapag-asawa!

Bakit Di Totohanin (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon