07: He Was Used

12 5 10
                                    

Eryl Jasmine Valencia

“Eryl... I thought you can't speak. I am so embarassed!” nagtakip ng mukha si Heliza gamit ang mga palad. Mukha talaga siyang nahihiya dahil namumula rin ang mga pisngi niya.

“I am on my process of recovery in internal bleeding.” I explained my reason why I didn't respond or stop her.

“Are you ill? Oh my. That is so sad to hear.” Teary eyed niyang sabi. Why this girl love to create a conclusion without finalizing and hearing the whole story?

“Figuratively and not literal. Nice meeting you Heliza but I gotta go back to my work.” I smiled and walk away without hearing her farewell.

Naging matahimik naman ang ilang oras na pagtatrabaho marahil siguro walang Irene na gumambala ng hapon ko. Ayos na kaya siya ngayon? Nakalimutan ko siyang pasalamatan kanina. Amin ko man o hindi naging parte rin siya para sa on process recovery na natatamasa ko ngayon.

Sa ngayon, sa pag-enjoy sa paligid ko ang nagiging gamot para makalimutan ang mabigat na pag amin ni J sa akin. I am grateful kung ano man ang natatamasa ko ngayon kahit ganoon pala ang dahilan.

“Eryl pare, okay ka na ba talaga n'yan?” may biglang umakbay sa akin. Its Royce with Dino.

“Ah. Oo, sa palagay ko.” Mukhang nangiti sina Dino at Royce sa sinabi ko.

“Dapat tuloy-tuloy na yan ah? Anong oras ba labas mo rito?” Napakamot ako ng ulo sa tinanong ni Dino. Tuloy-tuloy? Hindi naman sa ayoko pero masyado pang malaki ang binuhos na rason sa akin ni J, nasa proseso pa lang din ako.

“Ah, hindi pa ako sigurado eh. Mamayang alas otso pa ang labas ko. Bakit mo natanong?” Nagtinginan silang dalawa.

“Okay lang ba sa apartment mo? Eh. Pinalayas kase ako sa amin eh.” Si Dino na ang nagsalita na medyo lumamlam ang boses.

“Ha? Bakit? Nand'yan ka naman Royce. Bakit di nalang sa inyo?” tanong ko na ikinakamot ng ulo nilang dalawa.

“My parents will kill me kapag pinatulog ko si Dino sa amin.” Si Royce na ang rumespunde sa tanong ko.

“Ano bang ginawa mo?” I asked Dino. Baka kasi may ginawang malaking kalokohan kaya pinaalis.

“Basta pare. Sige na please. Magbabayad naman ako eh. Please. Please.” Magkadikit pa ang mga palad niya na para talagang life and death situation ang pagpayag ko.

“O sige. Pero wag kang magkakalat d'on.” nakangiti kong sagot sa kanya. Kilala naman ni tito at tita ang mga magulang ni Dino. Makulit lang si Dino at pala-computer. Nag-abroad nga mama niya noong limang taong gulang pa lang kami. Kamusta na kaya ang mama niya?

“Pare, hintayin ka nalang namin sa malapit sa counter kung nasaan yung may kulay orange na buhok. Mukhang cute eh.” nginitian koblang sila at patuloy na nagtrabaho.

- - - - - - - - - -

“Ayos 'tong apartment mo, pare!” He roamed his eyes around the apartment saka ibinaba ang bag niya

“Dalawa lang kayong nakatira rito? Babae ba yung nasa kabilang kwarto o lalaki?” He asked na parang determinado talaga siyang malaman kung sino.

“Ipasok mo na iyang gamit mo sa kwarto ko tas sa ilalim ng kama may extrang foam don.” Agad naman siyang pumasok sa kwarto at mukhang handang ayusin ang hihigaan niya.

Nakasanayan na kase ng mga kaklase kong lalaki na pag may naglalayas eh sa akin ang takbuhan. Nagsimula iyan nung magkagrupo kami sa research para sa defense eh nagabi sila kaya ayun sa sala sila natulog tas kinabukasan di na umuwi sina Royce. Nag-enjoy sa bahay.

Pumunta ako ng kusina at tignan kung merong ulam at kanin. Luckily nag-iwan ulit si tita ng ulam at kanin. Pumunta ako sa harap ng ref para tignan kung nakita na ba ni Irene yung sinulat ko.

mukhang may bagong sticky note. Siya ata naglagay.

I'll explain things through phone. Number at the back.

090toretesiAq.

“Wow~ mukhang masarap 'tong ulam ah.” Biglang sumulpot sa likod ko si Dino na ikinabigla ko. Habang inilalagay ko sa bulsa ang papel ay agad na siyang kumuha ng plato para sa sarili niya at agad nang kumain.

Mukha siyang hindi nag tanghalian.

Kumuha na rin ako ng sa akin para makapagreview na ng mga pinag-aralan namin kanina malapit na rin kasi ang Graduation. Nauna akong natapos sa pagkain at si Dino? Kumaikain pa rin at kalat ang kanin sa mukha.

“Ano ba talagang dahila bakit ka umalis sa inyo?” tanong ko na ikinatigil niya sa pagkain at ikinalaki ng mga mata niya.

“ashskaw...ashjdkaw na mishmo ang...ang nag-uumpisha ng mhapagrurushapan!” Puno ang bibig niya sa pagsasalita kaya wala akong gaanong naintindihan. Uminom muna siya ng tubig saka na ngumiti.

“Ang sabi ko. Ikaw na mismo ang naguumpisa ng mapag uusapan.” he said in a explanation tone. “And that is so unusual.” dagdag pa niya.

I can't blame him. Pagkatapos ba naman ng ilang buwan ng pananahimik. Wala silang ibang magiging reaksyon kundi bigla. Well mostly.

“By the way. The answer It wasn't actually leave because of my family. Well, ang ilang percent naman ng dahilan ay sa kaniya but not all. We are just worried.” Explain niya saka tumingin sa akin nang seryoso.

Ang tingin na ayaw mong gawin ni Dino kapag kausap ka niya ng one-on-one o heart-to-heart talk.

“You are worried about what?” I asked. Kase sa pagsasalita ko ngayon na mukhang mapapadalas dapat maging masaya sila. I'm getting back to normal.

“About what J and you talked about. Is it about what he did to you? Iyong lalaking iyon wala talagang alam na gawing matino. Hangga't di nababandal iyon hindi siya titigil. Eryl, Hindi lang ikaw ang ginawan niya nung bagay na iyon.” Mahabang paliwanag ni Dino at nanginginig pa ang mga kamao na nananatiling nakasara na ngayon at mukhang maiiyak na.

“I was... I was a victim also of his false love. I was a victim of him not. Akala ko titigil na siya. And then he was your bestfriend.” nanggagalaiti siya sa galit na parang gusto niyang magwala.

“I never said anything to you for what he did before. . . because I'm trying to hide that past. But it seems like when you are trying to avoid something it will always crawls back to you.”  Nanginginig niyang sabi habang tumulo ang luha ng sabay sa kanyang mga mata.

He was used.

He was also used.

Damsels 01: Creating You (#MoonStarAwards 2018-2019 And #WattisAwardPrtcpnt2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon