Eryl Jasmine Valencia
Nakahiga na ako at hindi makatulog dahil sa pinapatugtog ni Dino na mga kanta na hindi pamilyar sa pandinig ko at nakakagising ito ng diwa.
Panay rin ang paglilikot ko sa kama kaya naglilikha ito ng ingay. Hindi naman sa gusto kong istorbohin si Dino sa pagtulog. Gusto ko lang malaman kung pwede ko ng patayin ang pinapatugtog niya.
Alas-dose na kase ng madaling araw at di pa ako natutulog. Biyernes bukas kaya asahan ang mga sangkaterbang yayaan at gimikan ng mga kaklase ko.
Tumayo ako para kunin sa cabinet ko iyong sticky note na naglalaman ng numero ni Irene. Bumalik na ako agad sa higaan ko at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
To: Irene (Tenant)
Hi.|
Mali. Baka hindi niya agad pansinin iyong text baka akalain niya ring prank lang at baka iblock niya pa.
To: Irene (Tenant)
Irene, Si Eryl to. Ano iyong ipapaliwanag mo?
Sent!
Baka bukas na siguro magreply iyon dahil 12:05 na. Ilalagay ko na sana pabalik iyong cellphone ko sa ilalim ng unan ko nang biglang nagvibrate.
From: Irene (Tenant)
Aba! Kakatapos mo lang magreview niyan?
Ang bilis naman magreply ng babaeng 'to.
To: Irene (Tenant)
Hindi ako nagreview. Bakit gising ka pa? Hindi ka lumabas ng kwarto mo, ah?
Sent!
Napano na kaya 'tong babaeng 'to? Nasa kwarto lang kaya siya o kaya naman umalis?
From: Irene (Tenant)
I was about to sleep when you texted. Bukas na ang Question and Answer portion. Kailangan kong bumawi ng tulog. Bye.
Hindi na ako nagreply. May bukas naman. Mas maganda rin kung itulog ko muna ang mga iniisip ko ngayon.
Kahit mahirap matulog dahil sa mga pinapatugtog ni Dino ay mukhang makakatulog ako sa pagod buhat sa mga iniisip.
At nangyari nga.
- - - - - - - - - -
School; They say going to this place is boring but for my other classmates its not. Siguro dahil sa ambiance at mga kaklase. Some are saying it is. Dahil na rin sa ambiance at kaklase. Nababatay lang iyan sa taste mo sa buhay mo.
Pero ang ilan ay hindi naiintindihan ang perspektibo ng iba kaya ang katagang Majority Wins ang nagiging batayan nila kaya nagmumukhang panget ang sa tingin ng iba ay maganda.
“Lalim ng iniisip natin ah? Graduation ba iyan? Naku! Isang buwan na lang pala.” Napabalikwas ako sa iniisip at agad na napatungo sa realidad nang biglain ako ni Irene.
BINABASA MO ANG
Damsels 01: Creating You (#MoonStarAwards 2018-2019 And #WattisAwardPrtcpnt2018)
Mystery / ThrillerYou are innocent, silent and weak. You may be a man in their eyes but I am still looking you like a boy who never grows up inside. Creating you by love and care matters. But I should have been more careful putting the pieces inside you. Accidentally...