19: And This is How I End

17 2 0
                                    

Eryl Jasmine Valencia

Nakatulala ako sa sala at iniisip pa rin ang pangalan ng nagdonate.

Hindi ko maiwasang hindi maglaro sa isip ko ang mga katagang iyon.

Ayoko na ring isipin pero mahirap kasing tanggalin. Lalo na't dalawang buwan na siyang nawala.

Dalawang buwan napakabilis kung tutuusin pero parang ang bagal ng mga araw. Umuwi si tito noong graduation ko at bumalik din agad dahil isang linggo lang ang binigay sa kanya dahil summer daw at madalas ang pag-dating at pag-alis ng mga galing at papuntang abroad. He is a pilot.

Napatingin ako sa kakabukas lang na pinto at pumasok si Hans. Ang bagong tenant na kasalukuyang nakatira ngayon sa dating kwarto ni Irene.

“Hey, dude. How's your day?” Half-Half si Hans kaya hindi siya sanay magtagalog.

“My day? It is fine? I guess?” Napangiti lang siya sa sinabi ko saka dumiretso na sa kwarto niya.

Napabuntong hininga ako. Parang may kulang na sa araw ko. I can't feel my day complete anymore. Kahit gaano ako kasaya sa umaga pero pag uwi ko ng bahay ay biglang nawawala ang kasiyahang bitbit ko.

Parang may paparating pero hindi ko alam kung ano. Isang buntong hininga muli ang aking pinakawalan saka matapos sa desisyon ko.

- - - - - - - - - -

“Where are you going, bud? It's already midnight.” tanong ni Hans pero hindi ko siya sinagot. Mabilis akong bumaba para agad na makasakay sa motor ko. I wan't a relaxing place. I'm too exhausted for everything.

Pagkadating na pagdating ko sa motor ko ay agad akong sumakay at pina-andar ito.

Dahil mag-aalauna na ay wala masyadong tao o sasakyan sa daan. I was free to manipulate my speed. At dahil nga pwede kong bilisan ang takbo ng motor ko ay mas na-enjoy ko ang malamig pero maalikabok na hangin. Pero anong magagawa ng alikabok kung gayong malamig na hangin naman ang sumasalubong sa mukha ko? Just like how life treat us. It give us dust but it also gives us air so we can live. It is wonderful. Life is wonderful. Live it, explore it. Don't let anyone control you. Don't let anyone give you deadlines perhaps be a deadline to that someone.

Thoughts are running inside my head. They are like cars, racing inside my head. They have their different colors too. There are thoughts in life, Myself, job and of course to Irene.

Nakaramdam ako ng gutom tsaka ko naalala na hindi pa pala ako kumakain. Idineretso ko ang motor ko sa isang convenience store. Sa “All Day”.  Humanap ako ng mga ready to eat meal katulad ng noodles. Kinuha ko iyung pinakanalaki saka ng tubig.

Wala akong pasok bukas sa trabaho at wala ring pasok dahil wala akong klase bukas.

“ 87 pesos po, sir.” Inabot ko yung Isang daan ko saka kinuha yung Pinamili ko.

“I received 100 sir, 87 po yung total at ang sukli niyo po ay 13 Pesos.”

Pagkabayad ko ay agad akong dumiretso sa dispenser ng mainit na tubig para sa Noodles ko saka humanap ng pwesto para makakain na ako.

Mag-isa lang akong nasa All Day nang biglang magsalita ang babaeng nasa counter.

“Parang may kulang sir no?” she asked out of the blue.

“Life goes on but you feel so stuck in such situation you don't feel you belong to it.” she smiles. Binuksan ko ang noodles ko saka simulang kainin 'to nang maalala ko na wala pala akong kubyertos.

Pagtingin ko sa counter wala iyong babaeng misteryosong nagsasalita. Hihingi sana ako mg kutsara pero nagulat ako nang bigla na lang siyang nasa harapan ko.

“Nakalimutan mong humingi ng kubyertos. Lutang ka no?”

“I don't talk to strangers, ate.” ngumiti ako saka kinuha yung mga plastic utensils na hawak niya.

“I am Dreane Dizon the owner of All Day!” ngumiti pa siya saka pumalakpak.

“Nice to meet you but I don't really talk to stranger kahit ano pang pagmamay-ari mo.” Habang pinupunasan ko ung mga kubyertos ko ng panyo sa bulsa ay nilasap ko na ang init ng Noodles na mga limang minuto ko nang hinihintay para maluto ng tuluyan.

“Syempre, you will not but you will naman.” nagdikit ang mga palad niya na parang nagdadasal o nagbibigay ng importanteng sentimyento.

“Umalis ka na rito.” biglang lumamig ang ekspresyon niya saka tumayo.

“Alis na. Mapapahamak ka rito! Ang katapusan mo ang umpisa ko. Alis na!” Tas ngayon naman ay galit na siya. Sa pagkabigla ko rin ay napaso ako sa kinakain ko.

“Miss, kumakain pa ako. Let me enjoy my foo---” biglang may pumasok na dalawang lalaki na naka-face mask. Anong trip ng mga ito? Mga hypebeast ba sila?

“O! Swerte, dalawang tao lang ang laman ng All Day!” tumawa pa nang malakas ang lalaki na ikinainis ni Dreane.

“Lumabas na kayo kung ayaw niyong masaktan. Sige na. Shoo!” tumayo si Dreane para salubungin ang mga lalaking naka-face mask.

“Ikaw ang dapat may ilabas na pera miss! Alam naming may pera r'yan sa kaha. ” pagkasabi niya no'n ay naglabas ito ng baril na ikinanginig ko.

“Dreane. Ibigay mo na yung pera sa kanila. Life is more important that money.” sabi ko. Sana ay makumbinse ko siyang h'wag nalang lumaban para sana wala nang masaktan pa.

“No! How about my efforts on earning it? I can't put them all in their hands.” pagkasabi niya no'n ay ang isang lalaki na may katangkaran kasama nung naglabas na ng baril ang lumapit kay Dreane.

“Bigay mo na!” itinutok niya ang kanyang baril sa ulo ni Dreane.

“Ayoko!” sinipa ni Dreane 'yung baril saka naman niya kinalaban nung matangkad na lalaki. Mukhang marunong sa martial arts si Dreane. Pero sa kabusyhan niya sa pakikipaglaban yung isa sa mga magnanakaw ay mukhang baguhan kaya hindi gumagalaw at parang natuod. Kaya lang may ginawa siyang ikinagulat ko. Bigla niyang itinutok ang baril kay Dreane ay parang tinigtignan niya kung tatama ito kay Dreane.

I just can't sit here and watch. Agad akong tumakbo para pigilan ang lalaki kaso mukhang ako ang tinamaan. Nakarinig ako ng mga paang tumatakbo at isang boses.

“Don't die! Tama nanaman iyung napanaginipan ko!” si Dreane na ang huling boses na narinig ko.

Damsels 01: Creating You (#MoonStarAwards 2018-2019 And #WattisAwardPrtcpnt2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon