The Past 01
“Gina! Kunin mo nga yung alaga mo rito sa kwarto ko nakakainis siyang nasasagi ng paningin ko! Walang silbi!” Napatingin ang batang Eryl gamit ang walang buhay niyang mga mata sa kanyang ama na si Eren Valencia.
Walang buhay at makikitang walang bakas ng kahit anong emosyon. Ganyan ang tingin sa mga mata ng batang Eryl. Siguro ay kahit sa edad na apat ay natuto siya na magkaroon lang ng emosyon kapag kukunin siya ng ina niya dahil nakakaramdam siya ng pagkaligtas mula sa bingit ng kamatayan sa braso ng kanyang nanay.
Sa hapag kainan na madalas silang dalawa lang laman sa loob ng apat na taon ngunit kahit ganoon ay may mga apat pang mga bakanteng upuan na may plato at kubyertos din sa katapat na mesa.
Palagi nalang naluluha ang ina kapag tititigan ang mga iyon. Hindi kasi kayang punan ng pag-sisisi niya ngayon ang sinapit ng nauna niyang apat na anak.
“Namimiss ko na si Kuya Eljay ang batang iyon ang pinaka maitim sa inyong lima kung sanang nandito siya edi sana nasa sampung taon na siya.” sinusubukan ni Ginang Gina na pasiglahin ang mata ng anak gamit ang ala-ala ng mga yumao niyang apat na anak. Palaging ganito ang eksena sa pagitan ng dalawa kahit kay Gina lang nakakaramdam ng kapayapaan si Eryl ay wala siyang mailabas na ngiti dahil saksi siya sa huling pagpanaw ng ikaapat na anak na kakambal niya.
“Ganoon din si Eron sana. Sana ay walong taong gulang na siya kung buhay pa siya pati rin si Ergy sana ay nasa ikalawang baitang na siya.” masayang boses ganoon din ang tono pero may mga luhang nagpupumiglas sa mata ng Ginang.
“Si Enyl kaya kamusta na kaya?” napatingin siya sa upuan na katabi ni Eryl.
“Miss mo na ba si Enyl, Eryl?” tumango si Eryl. Minsan lang itong tumatango kaya napaluha na ang Ginang.
“Hindi ka na nagsalita simula ng mamatay siya sa sakit mabuti na lang at malakas ang resistensya mo, ano? Hindi ko na kasi kakayanin kapag kinuha ka pa niya.” Napahigpit ang hawak ni Gina sa kanyang kubyertos sa pagbabanggit niya ng salitang “niya” hindi ang Diyos ang tinutukoy niya o kung sino pang nilalang. Kundi ang mismong asawa niya. They both know that they never died in illness.
they were murdered by him.
At ang malalang sitwasyon ay hindi sila makalabas na pugad ng taong sumira sa buhay nilang mag-iina sa kadahilanang takot silang mamatay. They rather stay alive while dying inside with a little glow of light because of their motherly love than die in just a blink or in a painful way.
“Tapos ka na bang kumain?” Tanong ni Gina sa anak na halos hindi man lang ginalaw ang pagkain. Marahil dahilan din ito sa kapayatan ng bata, hindi na kase ganong magana sa hapag simula nang kunin ang kapatid niya.
“Halika na muna sa kwarto hahatiran ko pa ng pagkain ang... ta...tay mo sa kwarto.” ngumiti na halatang pilit ang ina kaya naging dahilan ito ng pagtitig ni Eryl sa kanya.
Dahan-dahang bumuka ang bibig niya saka lumabas na halos hangin na lang ang nakarinig sa mga binigkas niyang salita.
“Enyl is breathing...” Nanlaki ang mata ni Gina sa sinabi ng anak kahit hindi naman niya naintindihan kundi ang huling sinabi niya. Niyakap niya ang anak sa ginawa nito at sobrang tuwa dahil nagsalita na ito kahit hindi niya tiyak kung kailan ito mauulit.
“Anak! Nagsalita ka diba? Nagsalita ka?” marahang tumango ang bata at nasundan ito ng isang mahigpit na yakap ng isang inang nagulat sa ginawa ng kanyang anak.
“He is now talking. That's great. Mag-usap tayo bukas Jerry.” Biglang sulpot ng kanyang tatay. Natawag pa niya itong Jerry kahit hindi naman ito ang pangalan ng batang nagdadala ng dugo at laman niya.
“Anong pag-uusapan niyo ni Eryl?” kasabay nang isang mapagmatapang na tanong ang takot na mawalan uli ito ng isang anak.
“Para sa amin lang ang pag uusapan.” seryosong sambit ni Eren Valencia.
“Sasamahan ko ang anak ko bukas kapag kakausapin ka na niya.” Pilit na tinataboy ang kaba sa dibdib para sa huling anak.
“NO! GINA! Can't you understand that I just want Deryl? Ulit-ulit tayo?!” Sigaw ni Eren na animo'y isang tigreng handang lapain at pahirapan ang isang tupa sa harapan niya. Eksenang nangyayari na parang "De javu" na kung maituturing. Pero katulad nang dati wala na siyang ibang ginawa kundi tumango.
- - - - - - - - - - -
“Matulog ka na Eryl, mahal na mahal ka ni mama.” sabay pumikit ang mag-ina sa kama ng anak.
Tulog man ang pisikal na katawan ng ina ay gising na gising naman ang diwa nito dahil binabagabag siya ng kanyang konsensya at kaba na mawalan nanaman ng isang anak.
Pares ng luha ang sabay na tumulo sa mga mata niya. Kasabay din nito ang pagbigkas ng salitang.
“I won't let that happen again. Not to my Eryl.” napahigpit ang yakap ng ina sa kanyang anak na mahimbing na ang tulog.
- - - - - - - - - - -
Pagsapit ng umaga agad na kinapa ng Ina ang anak dahil wala na siyang maramdaman sa kanyang tabi. Agad siyang napatayo sa hinihigaan niya saka tinangkang buksang ang pinto ngunit walang pagbubukas na nagaganap.
“Eren! Buksan mo to! Eren! Ibalik mo sa akin ang anak ko!” Sigaw ni Gina sa loob ng kwarto nila ng anak.
“Utang na loob. Wag mo siyang kunin sa akin! Mamamatay na ako kapag kinuha mo sa akin ang anak ko...” Humahagulgol na ang ina sa loob ngunit mukhang wala siyang laban sa nagaganap na kasamaan ng ama.
Humanap siya sa paligid ng pwedeng pambukas ng pinto, maaring clip or alambre. Ilang taon na rin kasi niyang naisip ang pwedeng hamantong sila sa ganitong sitwasyon. Hindi man alambre ang kanyang natagpuan pero isang kahon ng baraha naman ang pwede niyang ipang improvise kaya iyon ang ginamit.(Sa labas. Dumako tayo sa Kwarto ng kanyang ama.)
Iniiwas ni Eryl ang braso niya sa karayom na pilit itinuturok sa kanya ng ama.
“Bakit ganyan ka? Ayaw mo.bang makita ang kakambal mo?” Napatingin sa marmol na sahig ang batang Eryl. He really wants to see his twin, Enyl.
Tumango siya sa kagustuhang makita ang kakambal bunsod na rin ng kanyang pangungulila rito.
“Then behave.” Pagkatapos banggitin ng ama ang mga salitang iyon ay hindi na pumalag pa ang bata. He just let his father do the thing.
To see his twin. Enyl.
----
ps. ALsonice: Hello. Uhm may part two pa itooo. Tnx!
BINABASA MO ANG
Damsels 01: Creating You (#MoonStarAwards 2018-2019 And #WattisAwardPrtcpnt2018)
Misterio / SuspensoYou are innocent, silent and weak. You may be a man in their eyes but I am still looking you like a boy who never grows up inside. Creating you by love and care matters. But I should have been more careful putting the pieces inside you. Accidentally...