A/N(ang hirap magisip ng scene na yung talagang mapapaiyak kayo. I hope sana madala kayo dito na susunod na kabanata.)
😭😭😭😭😭😭😭😭
******************-Amanda PoV-
Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng nahuli ko si Blaze na hinalikan niya si Cheska sa lips sa restaurant na pinuntahan namin ni Nicks. Sariwa parin ang sugat sa aking puso at hanggang ngayon narito parin sa aking utak ang pangyayaring iyon. Galit ako kay Blaze that time but pero wala akong magawa kasi mahal niya si Cheska. Sino ba ako para mahalin? Sino ba ako para makasama mo ng panghabang buhay?. Dalawang buwan ko rin kinimkim ang sakit. Sa dalawang buwan na iyon pinapansin ko naman siya, nilalambing ko siya at inaalagaan. Walang nagbago sa kaniya late siyang umuwi at maagang aalis at minsan hindi na umuuwi. Dalawang buwan na walng day off para makasama kami ng anak ko. Parang may sumasaksak sa aking puso dahil wala siyang time sa amin ng anak ko pero sa iba may time siya.
Palagi akong umiiyak dahil palaging sumasagi sa akin alaala ang mukha ng dalawa. Alam kong mahal ako ni Blaze pero sa paniniwala ko lang iyon. Mahal ko si Blaze at gagawin ko lahat para mapasaakin ang puso niya.
Narito ako sa Hospital para magpacheck up. Limang buwan na itong tiyan ko at makikita ko na ang gender ng anak ko. Excited ako para makita ang anak ko sa tummy ko. Wala akong kasama kasi hindi naman umuwi si Blaze at si Nicks naman busy siya sa trabaho niya.
"Good morning po Doktora"pormal kong bati.
"Good morning Iha."bati niya sa akin.
Pumasok ako sa isang room at humiga sa bed at tinaas ni dok ang damit ko nilagyan ng gel at may isang bagay na iniikot ni dok sa tiyan ko. Natapos na ang pagcheck up niya sa akin at ngayon nakatitig ako sa screen ng tv.
"Dok ano pala ang gender ng anak ko?"tanong ko kay dok.
"Lalaki at babae"sagot ni dok.
"Lalaki at babae?"tanong ko dahil wala namang dalawa ang gender pwera nalang na dala-----
"Kambal"out of the blue kong nasabi.
"Oo iha kambal ang anak mo"sabi sabay ngiti.
Bigla kong niyakap si doktora at umiyak sa tuwa dahil kambal ang anak namin ni Blaze. Matapos ang pagiyak ko saka lang kami naghiwalay sa pagkakayakap.
"Iha tahan na"sabay punas sa aking luha.
"Dok pwede po bang kumuha ng copy ng picture ng mga anak namin ni Blaze? Gusto ko kasi ipakita na kambal ang anak namin."
"Oo naman."sagot nito sa akin.
Nang nakuha ko ang copy ng picture ng anak ko ay nilagay ko sa brown envelop at excited na akong umuwi at ipakita kay Blaze ito. Gusto ko isurpresa ang asawa ko.
Narito na ako sa bahay ngunit wala pa siya kaya pumunta ako sa office niya para iwan sa table niya ang picture ng mga anak namin.
Mabuti at parehas lahat ng password ng lock ng pinto kaya madali lang ako nakapasok.
Ipapatong ko na sana ang brown envelop na hawak ko sa table niya ng may nakita akong brown envelop rin kaya nacurious ako. Hindi ko ugaling magpakealam ng gamit pero iba ang kutob ko sa envelop na ito natila may nagsasabi sa akin na tignan ko kaya kinuha ko. Binuksan ko ang brown envelop at tignan ang laman.
Napaluhod ako dahil nanlalambot ang mga tuhod ko at naiyak ako sa nakita ko. Annulment paper ang laman ng envelop na siyang sumasaksak sa aking puso. Iyak ako ng iyak dahil hindi ko akalain na may balak siyang hiwalayan ako ni Blaze.
Lumabas ako sa office niya pero kinuha ko ang annulment paper at hindi ko na iniwan ang envelop na hawak ko laman ang picture ng mga anak namin.
Dumeretso ako sa kwarto ko at iniyak ko lahat ng sakit ng loob. Ang daming katanungan sa akin isip ang gusto kong itanong sa kaniya. Dahil sa iyak ako ng iyak hanggang nakatulog na ako.
Nagising nalang ako ng gabi kaya bumaba ako para kumain.
Nasa baba ako ngayon habang kumakain ng may narinig akong nagpipindot sa pad ng lock ng pinto.
Tumayo ako para puntahan ang pinto at inikuwal ang asawa ko. Lumaki ang ngiti ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang gwapo ng asawa ko. Namiss ko siya kaya dali dali ko siyang niyakap at binigyan ng halik sa labi. Masaya ako dahil maaga siya ngayon umuwi kaya niyaya ko siyang kumain.
"Hubby kain tayo"
"Kumain na ako"sabi niya tapos inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya at pumunta sa kwarto namin.
Kumain akong magisa, malungkot, at walang kasama. Habang kumakain ako ng may narinig na naman akong nagtytype ng password sa pad ng lock ng pinto kaya pinuntahan ko at nagtaka rin ako kung bakit may nagtytype ng password eh kami lang ni Blaze ang may alam ng password. Nanlaki ang mata ko ng iniluwal ng pinto ang kontra bida na si Cheska. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam niya ang password ng bahay dahil bahay nila pala ito at nakikitira lang ako.
"At bakit ka nandito?"mataray kong tanong.
"Syempre bahay ko to at nakikitira kalang"sagot nitong mataray.
"Eh ano naman kong nakikitira ako dito?eh bahay to ng asawa ko kaya bahay namin to"sabi ko pero bakas sa boses ko na nalilisik.
"Bahy namin ng asawa mo at hindi mi bahay to"pagtatama niya sa sinabi ko.
"Ano ba ang kailangan mo dito?"napalakas na ang boses ko.
"Wala gusto ko lang matulog dito sa bahay ko"saad niya.
"Pwede ba Cheska umalis ka na!"bulyaw ko sa kanya.
"At bakit ko naman iyon gagawin"tanong nito sa akin.
"Dahil ayaw kitang makita iyang clown mong mukha!"bulyaw ko sa kaniya.
Nainis siya sa akin dahil sinabihan ko siya ng Clown pero totoo naman iyon. Sinugod niya ako at hinila ang aking buhok at napatili ako.
"Cheska tama na!"pagpipigil ko sa kaniya pero kindi niya ako tinantanan kaya lumabas ang aking pagiging Amazo na wild ko.
"Hindi mo ako titigilan huh!"sabi ko sabay sabunot sa buhok tapos shinake ko ng shinake at hinila ko ang buhok niya na parang nagpupunit lang ako ng tela. Nanggigil ako at kahit buntis ako hindi ako magpapatalo. Sinipa ko ang paa niya kaya napaluhod at binigyan ko siya ng sampal at suntok. Kaya iyon may dugo na ang bibig pero hindi pa ako tumigil.
*************
Pls vote;)