Sana patuloy niyo parin na basahin ang story na ito......
***************
-Amanda PoV-Isang linggo na ang nakalipas ng umalis ako sa bahay na iyon. Dito ako sa condo ko nakatira ulit at paminsan minsan pumupunta ako sa restaurant para malibang. Masakit na iniwan ko ang mahal ko pero kailangan para matauhan siya at marealize niya na may sinayang siyang taong buong nagmamahal sa kaniya. Galit ako sa kanya nang saktan kami magina pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magalit kay Blaze. Mahal ko siya hanggang ngayon. Umalis ako para ayusin ang oras na sinayang ko sa pagbibigay ng pagmamahal sa taong hndi ka mahal.
Namimiss ko na ang hubby ko at gustong gusto ko na siyang makasama pero hiwalay na kami at hindi ko na siya asawa na.
Nasa kusina ako at kumakain ng pangdinner ko. Sarap na sarap ako sa niluto kong Adobo sa gata na favorite ng hubby ko. Habang kumakain may umagaw ng atensyon ko ng may nagdoorbell.
*ding dong*
Galit akong lumapit sa pinto para pagbuksan ang kanina pang nagdodoorbell akala mo may emergency. Pagbukas ko ng pinto ay lumaki ang mata ko pero biglang umiba at naging maladimonyo ang tingin.
"Ano ba ang kailangan mo huh? Bakit sisirain mo na naman ang payapa kong buhay? Sige gawin mo at papaliguan kita ng dugo mo!"pagbabanta ko sa kaniya. Kita ko sa mukha niya ang takot pero kinaya ng labanan at nagsalita.
"A-Amanda h-hindi ko na g-guluhin ang bu-buhay mo."nauutal niyang sabi na naluluha pa ito.
"Eh ano kailangan mo?"mariin kong tanong.
"Amanda sorry sa lahat na ginawa ko."naiiyak niyang sabi.
"Sorry?pwes! Hanapin mo ang sorry mo sa empyerno!"sigaw ko sabay sarado ng pinto pabagsak.
Natigilan ako sa paglalakad papuntang kusina ng may nagdoorbell na naman kaya nainis ako at binuksan at sinigawan.
"ANO. BA. ANG. KAILANGAN MO!"galit na pasigaw kong tanong sa isang nakaluhod na kawawang Cheska.
Tumingin ang mata ng luhaan sa aking mata at kinuha niya ang kamay ko. Tinabing ko to pero mahigpit parin.
"Ano ba kasi ang kailangan mo!"sigaw ko ulit.
"Hindi kita kailangan Amanda"naiiyak niyang sabi.
"Ginagago mo ba ako?at sinong nangangailangan sa akin? ABER?"bulyaw ko sa kaniya.
"Hindi ako kundi si Blaze"saad nito kaya natigilan ako sa sinabi niya. Bakit niya ako kailangan ni Blaze. Bakit?
"Amanda ikaw ang kailangan niya"sabi nito.
"Bakit niya ako kailangan?"mahina kong tanong.
"Amanda ng umalis ka at iniwan siya ay naglasing siya ng naglasing kahit ano gawin ko pilit parin na umiinom. Nagsisisi siya sa ginawa niya sa inyo kaya sa isang linggong wala ka sa piling niya puro alak nalang ang inatupag niya. Pinigilan ko na siya pero ikaw parin ang hinahanap niya. Hindi siya kumakain at alak lang ang tanging laman ng bituka niya. Nahospital siya ng dalawang araw dahil sa kapabayan sa kalusugan at sa oras na ng hihina siya ang pangalan mo lang ang tanging lumalabas sa bunganga niya kahit tulog. Mahal ka niya Amanda. Naaawa na ako kay Blaze dahil paglabas namin ng hospital bumalik na naman siya sa paginom ng alak. Kahapon nakita namin sa taas rooftop kaya kinabahan ako kung ano ang gagawin niya. Mabuti at natigilan ko siya pero ang sabi sa akin. 'Bakit mo ako pinigilan? Iniwan na ako ng mahal ko at wala narin akong kwentang tao para mabuhay kaya magpapakamatay na ako.' Pero nilakasan ko ang loob ko at sinabing mahal mo siya at sinabing babalik ang magina niya kaya heto siya sa bahay niyong binili niya nagpapakalasing at walang taong makakapigil sa kaniya kundi ikaw Amanda. Pls Amanda maawa ka sa Asawa mo. Mahal ka niya kaya sana puntahan mo na siya bago mahuli na ang lahat."salaysay nito ang mga panyayaring naganap sa buhay ni Blaze ng umalis ako. Naiyak ako at na aawa ako sa asawa ko. Dahil sa pagalis ko akala ko sasaya na siya pero naghirap siya sa ginawa ko. Ngayon sisingsisi na ako sa pagalis sa buhay niya. Narealize ko ngayon kung gaano kabaliw ang asawa ko sa akin. Kailangan ko siyanv puntahan. Kailanvan ako ng asawa ko. Mahal ko ang asawa ko. Nandiyan na ako asawa ko babalik na ako....
Dali dali akong pumunta sa address na binigay ni Cheska. Malaki siya at maganda di tulad ng gift niya kay Cheska.
Pumasok ako sa main door ng bahay at bumungad ang masangsang na amoy ng hangin at ang lalaking naka higa sa sahig na lasing. Dali dali kong sinaluhan at hinawakan ang mukha nito.
Umiyak ako sa nakita ko. Na aawa ako sa asawa ko kaya hinila ko ay pinahiga sa sofa at kumuha ng maligamgam na tubig para pumasan siya.
Tinabing niya ang kamay kong pumupunas sa mukha nito pero tinuloy ko parin ang pagpupunas ngunit tinabing niya ulit.
"Stop Cheska wag mo akong subukang hawakan dahil ang asawa ko lang ang pwedeng humawak sa katawan ko!"lasing niyang sabi.
Naiyak ako sa sinabi niyang ako lang ang pwedeng humawak sa kaniya kaya hinalikan ko siya at nalasaan ko ang alak sa bibig niya ngunit natulak ako konte.
"Cheska!"galit nitong sabi sa akin at nagtaka ako kung bakit cheska ang sinabi sa akin pero naiintindihan ko dahil lasing siya.
"Wag mo akong lalapitan dahil kahit sino walang lalapit sa akin maliban sa magina ko!"mariin niyang sabi.
Nilapitan ko siya ulit at hinawakan ang magkabilaan na pisngi niya at hinalikan ko ang nuo nito.
"Hu-bby ko-ko a-ko to ang b-baby w-wife m-mo"humihikbi kong saad.
"Sorry kung bakit ka nagkaka ganiyan. Hindi ko alam na ganito pala ang gagawin mo ng iwan kita kaya sumusumpa ako na hinding hindi nakita iiwan. Promise. Nandito na ako kaya wag kanang magpapakalasing huh? Hubby mo mahal kita at namimiss kanamin ng mga anak mo. i love U."saad ko habang pinupunasan ang luha ko.
Tinignan ko si Blaze pero tulog na at kita mo sa mukha niya ang hirap ng pinagdanasan niya noong wala ako.
***************
Pls vote:)