Chapter XVI

11.3K 290 14
                                    

😭😭😭😭Grabe naiiyak na ako sa susunod na mangyayari......pls support niyo si Amanda........salamat.

**********************
Tuloy tuloy parin ang ginagawa ko kay Cheska ngunit si Cheska hindi na umaatake pagkus dinaramdam na lang niya ang pagsasabunot at pananampal sa mukha niya.

Natigilan ako ng may humila sa aking kamay at napaharap ako sa asawa kong galit na galit.

"Amanda anong ginawa kay Cheska?"galit nantanong at saka niya dinaluhan si Cheska kaysa sa akin na asawa niya.

"Are you okey sweety"nag aalalang sabi niya kay cheska kaya nadurog na naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Mabuti pa siya at nag aalala siya sa babaeng iyan kaysa sa aming magina niya. Nainis ako sa kanila kaya sinugod ko ang babaeng hinang hina kaso napigilan ni Blaze ang kamay ko at itinulak ako kaya napaupo ako pero hindi gaanong kalakas dahil naiharang ko ang kamay ko sa sahig para hindi mapalakas ang pagsak ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at ganoon rin siya. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa amin ng anak ko. Napaiyak ako kaya tumayo ako at tumakbo papuntang kwarto at hindi ko na nilingon si Blaze na tinatawag ang pangalan ko.

Umiiyak akong habang kinuha ko lahat ng gamit ko at nilagay sa maleta ko. Kinuha ko rin ang annulment paper at pinermahan ko na. Kumuha rin ako ng papel at nagsulat saka ko iniwan sa kama ang copy ng picture ng mga anak namin at yung sulat pati narin ang annulment paper at ang singsing.

Bumaba na ako hilahila ang mga gamit ko. Aalis ako kahit wala akong pera basta ayaw ko na dito sawa na ako. Nakita ko sila nasa sofa at ginagamot ni Blaze ang sumabog na bibig ni Cheska. Hindi ko na sila pinansin at dumeretso nalang ngunit natigilan ako ng may humawak sa braso ko.

"Amanda saan ka pupunta"mahinahon niyang tanong.

"Aalis na ako sa pamamahay na ito tutal hindi ko to bahay at bahay niyong dalawa."mataray kong saad

"Amanda please wag mo akong iwan"naiiyak nitong sabi.

"Huli kana Blaze sinaktan mo na ako at ang anak natin"saad ko at pigil kong umiyak.

"Please Amanda. Sorry kanina hindi ko yon sinasadya please Amanda wag mo akong iwan"sabay luhod sa akin.

"Blaze pagod na akong mahalin ka. Nagtiwala akong mahalin mo rin ako pero anong ginawa mo? Wala?"

"Please Amanda give me a chance para bumawi sa inyo please hindi ko kayang mawala ka"sabi nitong umiiyak.

"Talaga? Weh? sana noon mo pa naisip iyan Blaze. "Mataray kong sabi.

"Alam mo Blaze pagkatapos ng kasal pinagdasal ko na sana masaya tayo pero hindi. Akala ko mahal mo ako dahil noong hindi pa tayo kasal ang sobrang sweet mo at ang sincere mo. Pero palabas mo lang iyon. Bakit sisirain mo rin ang buhay ko tulad ng ginawa ko sa inyo?huh? SAGOT!"bulyaw ko sa kanya.

"No Amanda hindi yan totoo"saad nito.

"Alam kong mahal mo si Cheska kahit labag sa kalooban ko gagawin ko para sa kasiyahan mo. Sana wag mong sirain ang tiwala ng pagmamahal sa iyo ni Cheska at wag mong itulad sa ginawa mo sa akin."malumanay kong sabi.

"Amanda pls wag mong gawin sa akin to. Pls Amanda wag mo akong iwan pls"sabi nito habang umiiyak parin.

Lumuhod ako para magpantay kami.
"Blaze wag mo na akong pahirapan pa. Ayo ko na. Siguro ito yon tamang desesiyon ko na umalis sa buhay mo dahil ako naman ang sumira sa buhay mo kaya dapat magsuffer ako. Paalam mahal ko."sabay halik ko sa labi niya at umalis.

Pumunta ako sa condo ko dati at doon na ako titira.

*****************
-Blaze PoV-

Nakaluhod parin ako habang nakatingin sa pinto kung saan dumaan paalis si Amanda. Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod ko at walang iba kundi si Cheska.

"Cheska pls leave me alone"mahinahon kong sabi.

"Hindi kita iiwan dito Blaze gaya ng ginawa ng asawa mo sayo"sabi niya. Inalis ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at saka ko siya hinarap.

"Umalis kana Cheska at wag ka ng babalik"sabi ko sabay tayo. Tumayo rin siya at niyakap saka hinalikan ako sa labi.

"Pls! Cheska umalis kana!iwan mo na ako at wag ka ng babalik!"mariin kong sabi.

"Hindi ako aalis Blaze hindi kita iiwan tulad ng ginawa ng Asawa mo"sabi nito.

"Hindi yan totoo dahil mahal niya ako at mahal ko siya. Hindi niya ako iniwan.Gagawin ko lahat para bumalik ang tiwala niya sa akin. Kung liligawan ko siya ulit gagawin ko at kung papakasalan ko siya gagawin ko basta wag niya akong iiwan. Hindi ko kayang mabuhay pag wala siya. Tama na ang limang buwan na wala akong nagawa sa magina ko dahil sayo!""bulyaw ko sa kanya sabay punta sa kwarto ng asawa ko.

Nakita ko sa kama ang dalawang brown na envelop at tinignan ito. Napaiyak ako sa nakita ko na napermahan na ang annulment paper namin. Ang tanga ko at bakit ko to ginawa sa kaniya ito. Nagsisisi na ako! Hindi ko kayang mabuhay pag wala ang asawa ko. Pagkatapos kong nakita ang annulment paper ay nakita ko ang singsing na binigay ko. Gusto kong magwala dahil sa kagaguhan at pagpaparamdam na wala lang akong paki sa kaniya. Nabaling ang mata ko sa isang envelop at napaiyak ako sa nakita ko ang picture ng anak namin ni Amanda. Wala akong nagawa sa kanila kahit samahan siya sa pagpapacheck up ay hindi ko siya nasamahan dahil mas pinili kong makasama si Cheska kaysa sa magina ko. Ang gago ko!Binasa ko ang papel na may sulat at sulat ni Amanda iyon.

Sa aking hubby,

Iniwan ko tong picture ng mga anak natin para makita mo kahit wala kang oras para sa amin ng anak natin. Alam mo na mahal na mahal kita ngunit ang pagmamahal ko ay kulang pa para mahalin mo ako.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Sa oras ba? Hindi ko alam kung bakit nagawa mo ito ang saktan ang puso ko at ang anak mo. Maspinipili mong samahan ang babaeng yun kaysa sa pamilya mo. Siguro mahal mo parin siya kaya palagi mo siyang kasama.

Pasensya na at nagdududa ako sayo noon kaya pinaimbestiga ko ang ginagawa mo. Alam ko lahat lahat tungkol sa inyo ni Cheska at sa limang buwan na madaling araw kanang umuwi para magpalit at babalik agad. Lahat ginawa ko para sayo pero ang ginawa mo sinayang mo sana maligaya kana.

Blaze alam mo hindi ako nagsisisi na inagaw kita at minahal ng sobra sana sa paglayo ko sayo mahanap mo ang magpapaligaya sayo. Mahal kong Blaze I love You.

-amanda-

*************

Pls vote.....salamat;)

I need HUSBANDWhere stories live. Discover now